Gino Ferrer’s PoV Matapos ng mahabang paliwanagan sa mga babae na nandito ay naintindihan na rin nila na hindi namin sila sabay-sabay lahat na mailalabas. “Hindi na kami papasok dito ulit dahil baka mahuli tayo,” paliwanag ni Warren sa lahat. “Kung sakali na may darating na kalaban, magpanggap kayong lahat na nakatali pa rin kayo. Naiintindihan niyo ba?” Nagtanguan lahat ng mga babae sa sinabi ni Warren. Sila Ken naman ay isa-isang tinatanggal ang mga tali sa kamay nila. “Marinel,” ani Gian at nilingon si Marinel na tahimik pa rin. “Mauuna ka at apat pa.” Ang dami biglang nagtayuan kaya agad ko silang sinenyasan na tumigil lahat, napaupo ulit sila dahil doob. Tinuro ko ‘yung mga babae sa kaliwa. “Simula sa kaliwa ang lalabas.” Inuna ko lang ‘yung sa kaliwa kasi may isang maganda ro

