Gino Ferrer’s PoV Nang magising ako ilang araw na ang nakakaraan ay nasa kotse ako, hindi ko alam kung saan ako papunta. Ginising na lang ako no’ng driver, nagtataka ako kasi mag-isa lang ako at wala ‘yung mga chupols. Binaba niya ako sa isang napakalaking bahay, tapos ay binati ako ng isang katulong. Dinala niya ako sa isang kwarto kung saan may dalawang babae na nandoon at hindi maipinta ang mukha. Ang gaganda nila, ‘yung isa nga ay mukha pang hapon. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit ako nandoon, nasaan sina Ken? Hindi ko na alam ang nangyari, basta nalaman na lang nasa katawan pala kami ng mga babae. “Sino kayo?” tanong ko. “Gian, ikaw sino?” “Si Gino ako.” Tinuro ko ‘yung isa. “E, ikaw?” “Kenji, par.” “Bakit nasa katawan tayo ng mga babae?” “Hindi ko alam.” Gano’n n

