Alexander Cabrera’s PoV Nag-cutting kaming anim. Paano naman kasi, matapos ng ilang araw ay ngayon lang ulit kami nagkita-kita ulit lahat. Ano bang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon? Edi walwalan. “Dito na lang ba tayo?” tanong ni War habang nakasilip kami ngayon sa labas ng taxi. Kanina pa kami naghahanap ng lugar na pwede namin pag-inuman, naisip nga rin naman na mag-book na lang sa hotel tapos doon mag-inuman pero boring naman do’n dahil kami lang. Sa club namin gusto. Medyo napapaisip lang ako dahil paano kung mabastos kami dahil mga babae ang katawan namin ngayon? Lalo na’t ang gaganda pa naman. “Dito na tayo,” sabi ni War kaya tumigil na rin ‘yung taxi sa tapat ng isang napakalaking club. Nagdire-diretso kami sa loob pero hinarang kami ng dalawang bouncer na nagbabantay s

