kabanata 55

1335 Words
Kenji Tamayo’s PoV Nagkatinginan kaming lahat nina War habang nakangisi nang sa wakas ay papasukin na kami sa club. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa sila pumayag, nag-dress na nga ako ng leather na kulay pula. Hindi komportable sa katawan at ang sakit sa paa ng heels na suot ko. “Dito tayo,” aya ni Gino kaya nagpunta kami ro’n sa bar para bumili ng alak. “‘Yung pinakamatapang ninyo,” mayabang na sabi ni Lex habang hinahawi ang mahaba niyang buhok. Natawa ako nang pumilantik ang pilikmata niya, halatang-halata ‘yung kumalat na eyeliner. Si War naman ay namumutok ang pulang lipstick, lalo tuloy naging mataray ang itsura niya ngayon. Pagkatapos naming kumuha ng alak ay nagpunta kami sa isang bilog na lamesa na may nakapalibot na upuan. Pinagtitinginan kami, siguro ay dahil magaganda ang mga itsura namin. “Cheers!” sigaw namin bago nilagok ang matapang na alak, naramdaman ko na gumuhit ‘yung init sa lalamunan ko. Agad na tumayo sina Gian at Jake na hawak ang mga walang laman nilang baso. “Kuha pa kami.” Napailing-iling na lang kami habang sinusundan sila ng tingin. Napalingon kami sa gilid namin nina War nang may umupo sa tabi namin. Mga chupols na halatang may mga tama na. Siguro ay mas matanda lang sila ng konti dito sa mga babae na may-ari ng katawan namin ngayon. “Hello, girls,” bati ng isa. Tiningnan ni War ng masama iyon. “Alis.” “Alis?” tanong ng isa at tumawa. “Bakit? Mag-enjoy tayo, wala naman kayong mga kasama, diba?” Agad kong siniko ang isa na humawak sa hita ko at pinisil. Napalayo siya at napahawak sa mukha niya, tiningnan niya ako ng masama. “B¡tch!” sigaw niya pero maingay sa paligid kaya walang nakapansin. Hinawakan niya ako sa pulso, susuntukin ko na sana siya sa mukha pero napayuko na siya nang biglang may sumuntok sa likod ng ulo niya. Nandoon na sina Jake at Gian, may dalang mga bote ng alak na lahat ay may laman. “Upuan namin ‘yan,” sabi ni Gian nang mag-angat ng tingin sa kanya ‘yung lalaki. Hindi makapaniwalang napanganga ‘yung kulugo at napailing-iling, parang pinipigil ang sarili. “Tara na nga,” aya no’ng isa kaya galit na tumayo itong katabi ko kaya inambahan ko pa siya. Iiling-iling na umupo si Jake habang umiinom doon sa bote mismo. “Ang hirap maging babae.” “Oo nga, tapos lolokohin mo lang,” sabi ni War. “Ulol,” sabi ni Jake at itinaas muli ang bote. “Cheers!” Dinampot ko ang bote at inangat iyon saka binangga sa mga bote nila, tapos ay sabay-sabay kaming uminom. Napapikit ako dahil, pusang gala, ang sarap! Hindi ko alam kung anong purpose kung bakit napunta kami sa katawan na ito pero hindi naman masama na mag-enjoy e. Bahala na sa mga susunod na araw. — Warren Guevarra’s PoV Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nandito sa club, pero sigurado akong hindi pa sobrang matagal. Pero nahihilo na ako at hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. Si Ken ay tumatawa na mag-isa, sina Gian at Lex ay sumasayaw na sa gitna habang bitbit ang mga heels nila. Si Jake at Gino naman ay nagtatalo tungkol sa pulitika, may pa-english-english ‘yung mga tanga. Dagdag bars pa yata ‘yung pagtalsik ng laway habang nagtatalo. “Mali ka ro’n, par,” sabi ni Gino habang umiiling-iling, nakapikit pa habang nakahawak sa balikat ni Jake. “Tama ako, par. Hindi naman ako nagkakamali e,” sagot naman ni Jake habang nasa ere ang daliri. Hindi ko akalain na ganito kami kabilis malalasing agad. Dahil ba hindi sanay sa alak ang mga katawan namin ngayon? Pwedeng gano’n, o kaya ay matapang lang ‘yung alak. “Woop! Woop! Woop!” Nahihilong napatingin ako sa gawi nina Gian nang marinig ang boses nila. Kumekendeng sila sa gitna habang magkatalikuran, sumisigaw ng woop woop ng paulit-ulit. Tapos ay nakataas pa ang dalawang kamay na hawaka ang dalawa nilang heels. Nakakahiya sila. Nasisira ‘yung imahe ng mga babae na gamit namin ngayon! Lalo na si Gian, balita ko ay matalino araw ‘yung napasukan niyang katawan at sobrang conservative pa. Bumaling ako ng tingin kay Ken nang tumawa siya mag-isa, napatingin siya sa’kin kaya kinilabutan ako. Na-imagine ko kasi ‘yung totoo niyang pagmumukha. “Apir,” sabi niya at tinaas ang kamay kaya inapiran ko siya. Hindi ko alam kung bakit gumalaw ng kusa ‘yung kamay ko tapos ay sabay kaming tumawa. Sh¡t, ayoko na. Lasing na talaga ako. Yumuko ako at humawak sa noo ko, nilalamig ako sa suot kong damit. Ang sikip pa sa katawan ko. Pinili ko lang naman ‘to kasi ganito ‘yung nakikita kong suot ng ibang babae. “Hoy, ano ‘yan?!” Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang sigaw ni Jake, nakatayo na silang dalawa ni Gino kaya sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila. Napatayo rin ako nang makita na hinihila sina Lex ng mga lalaki kanina na nanggulo rito sa’min. Napangiwi ako nang suntukin ni Lex sa yagba ‘yung lalaki kaya namimilipit na napahiga ito. Hindi pa nakuntento si Gian, habang nakahiga pa ‘yung lalaki ay sinipa-sipa pa ulit ‘yon sa embutido. “Manyak kang gago ka a?” sambit ni Lex at naghiyawan ang mga tao habang pumapalakpak. Proud na ngumiti ang mga tanga at kumaway-kaway pa sa lahat na parang kakandidato. Nag-flying kiss pa si Gian at nag-spaghetti pababa si Lex. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila o hindi, pero sobrang sakit talaga ng ulo ko kaya humiga ako sa upuan at pumikit. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pag-alog sa’kin. Si Ken ang nakita ko, umupo ako at nakitang walang-malay din sina Jake. Sobrang gulo ng lamesa namin dahil sa mga bote at natapon na alak at pulutan. Ngumiwi si Ken habang nakahawak sa noo. “Magsasara na raw sila.” Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang may mga naglilinis na nga sa paligid at kami na lang ang natitirang customer. Nahihilong tumayo ako at ginising namin sila Gino, nang magising sila ay gegewang-gewang kaming naglakad sa labas. Napamura ako nang sumuka si Lex sa tabi ko mismo kaya natalsikan ako ng konti, tapos si Gian ay nadapa at sumubsob sa sementong daan kaya tinulungan namin siya ni Ken tumayo. “Badtrip, hindi malakas sa alak itong katawan ko,” bulong ni Jake habang nakatakip sa bibig, tapos ay hindi na niya napigilan at sumuka na mismo sa palad niya kaya kumalat ang mga iyon. Napalayo agad ako at muntik na akong tumumba, buti na lang ay nakabalanse ako. Ang lamig ng hangin, tapos ang lamig pa ng kalsada. Hinubad kasi namin ang mga suot namin na heels dahil namamaga na ‘yung paa namin sa sakit. Sa hindi kalayuan ay may nakikita akong matanda na makakasalubong namin, nang malapit na ay gumilid ako para makadaan siya pero nagkabanggaan pa rin kami. Nagulat ako nang manlaki ang mata niya at nag-angat ng tingin sa’kin, tapos ay tumingin din kina Ken. “Patay na ang mga may-ari ng katawan ng mga ‘yan,” sabi no’ng matanda kaya tumaas ang mga balahibo sa katawan ko. “Patay na?” Tumango siya. “Mga lalaki kayo! Hindi niyo iyan katawan! At patay na ang mga may-ari niyan!” Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Nalaman niya na lalaki talaga kami, at patay na raw ang mga may-ari ng katawan na ‘to? “Paano niyo—” Napatigil ako sa pagtatanong nang masukahan ako ni Ken sa paa. Napapikit ako at tinulak siya palayo sa’kin at nang lingunin ko ‘yung matanda ay ang layo na niya, halatang binibilisan niya ang lakad niya. Sinundan ko lang siya ng tingin palayo. Patay na ang may-ari ng mga ito? Edi nasaan ang mga katawan namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD