Jake Montero’s PoV Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kagabi, basta ay nagising na lang ako ngayong umaga. Nasa bahay kami ni Safiya, ang babae na may-ari ng katawan ni War ngayon. Basta ang sabi lang ni War at Ken ay tumawag sila sa bahay na ito at sinundo raw kami. Wala talaga akong maalala sa nangyari. Ang konti lang naman ng nainom namin kagabi pero ganito, minsan na nga lang mag-inom! Pero wala naman magagawa, siguradong dahil iyon sa mga katawan namin ngayon. Ngayon ay nakatitig kaming lahat sa mga pagkain sa harapan namin, lahat kami ay tulala habang nakatayo sa gilid namin ang maraming mga katulong. Kumikirot ang ulo ko, may hang-over pa ako. Isa-isa kong pinagmasdan ‘yung mga gunggong at hindi ko maiwasan na matawa ng makita ang mga pagmumukha nila, ang ganda-ganda ng mga

