Jake Montero’s PoV Inaantok na humihikab ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung anong oras kaming nagsimulang maghanap, nakakaboring pa dahil ang tatahimik ng mga kasama ko. Allison, Carmen at Warren. Ano na lang mangyayari sa’kin kapag tumagal pa na kasama ko sila? Suplada si Allison, si Carmen naman ay natural lang na mahinhin kaya hindi masyadong nagsasalita, tapos si Warren ay wala lang talagang balls para makisabay sa mga trip ko. Parang gusto kong sumabog, magsabi ng masasamang words. “Parang bumalik na tayo rito?” Hindi siguradong sabi ni Carmen na nakakunot ang noo. Oo nga, noh? Bakit parang nanggaling na kami rito? “Bumalik yata tayo,” sambit ni Warren. “Doon tayo dumaan sa kaliwa.” “Hindi, sa kanan tayo dumaan kanina,” apila ni Allison. “Sa kaliwa nga,” pagpipilit ni W

