Kenji Tamayo’s PoV Dumating ang umaga na halos hindi kami nakatulog lahat, buong magdamag kaming may naririnig na mga pagsabog kaya hindi kami mapakali lahat. Lalo na ‘yung tatlong babae namin na kasama. “Saan muna tayo maghahanap?” tanong ni Samara na ngayon ay namumugto ang mata, buong magdamag yata siyang humihikbi pero hinayaan ko na lang. “Sa mga lugar na malapit, kasi baka doon lang din sila nanatili,” sagot ni Gino na nauuna nang naglakad. Nasa unahan siya at nasa gitna ang mga babae tapos nasa pinakahuli ako. Ayon sa kasulatan, ang pinakamalakas ang nasa pinakahuli para kung may mangyari man na masama sa mga kasama niya ay makikita niya at mapoprotektahan. At hindi naman sa nagmamayabang pero. . . “Ako si San Goku.” Napalingon sa’kin ‘yung mga kasama ko at napatigil sa paglal

