kabanata 36

1006 Words

Gino Ferrer’s PoV Napapabuntong-hininga na pinapanood ko lang sina Samara na umiiyak. Nakaupo kami rito sa gilid ng isang mataas na dingding habang nakasandal, lima lang kami na nandito. Nagkahiwa-hiwalay kami. Hindi namin alam kung ano ang nangyari, bigla na lang may mga kung anu-anong sumabog sa paligid kanina. Mukhang may naghuhulog ng bomba mula sa taas. Sa tingin ko ay kumikilos na ‘yung mga buhay pa na tao para ubusin na ang mga zombies sa lugar na ito kaya pinapasabog na nila ‘yung buong lugar. Pero hindi ba nila iniisip na baka may natitira pang mga buhay dito? Tang ina, para kaming nasa giyera kanina! Lahat kami ay takot na takot. Ang kasama ko ngayon ay sina Ken, Samara, Mila at Keiko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kina Gian, ni hindi namin alam kung buhay pa sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD