Jake Montero’s PoV Nakapangalumbaba na nakatingin ako sa labas ng bintana ng minivan kung saan kami nakasakay. Ngayon ko lang napansin kung gaano na kagulo ang lugar na ito, nadaanan pa namin ‘yung school namin kanina at sobrang sirang-sira na iyon. Kagabi, napag-usapan namin na magsisimula na kaming hanapin ‘yung lugar na may mga nakatirang buhay na tao. Sawang-sawa na kami rito, walang kahit ano. Hindi naman pwede na habang buhay na lang kaming mamuhay dito kasama ang mga zombies. Inuntog ko ‘yung sarili ko sa bintana nang mapansin ko na ang seryoso ng utak ko ngayon. Hindi maaari ‘to, hindi na ko normal. Napabuntong-hininga ako at nilabas ang utot na kanina ko pa pinipigil. Sh¡t, buti na lang walang tunog. “Yuck!” “Ang baho! Sinong umutot?!” “Anak ng tinapa, baka may kasama ng t

