Jake Montero’s PoV “Buhatin niyo na ‘yang iba,” sabi ng babae na ngayon ay hawak-hawak ako sa braso. Hindi ko alam kung sino ‘tong mga ‘to, pero mga babae sila at may mga hawak na baril. Hindi ko sigurado kung ‘yung mga baril namin ang mga hawak nila ngayon. Napakamot ako sa ulo, ang sakit na nga ng ulo ko tapos ganito pa. Tulog na tulog pa ang mga tukmol! Wala silang kamalay-malay na kikidnappin na kami. “Gusto niyo ng tulong?” tanong ko habang pinapanood silang hirap na hirap na binubuhat sila Ken. Ewan ko lang kung madalian sila riyan, halos kalahati lang ng katawan namin ang mga katawan nila e. Naramdaman ko ang masamang tingin ng babaeng nakahawak sa’kin. “Tumahimik ka riyan.” “Nagmamagandang loob lang e,” bulong ko. “Saan niyo ba kami dadalhin?” “Pwede bang ‘wag kang magsalit

