kabanata 24

2079 Words
Warren Guevarra’s PoV “Pwede mo bang ipaliwanag sa’min kung bakit wala ang isang butones ng uniform mo?” Tumaas ang isang kilay ng babae na nakatayo sa harap namin ngayon nang tanungin ko siya, tiningnan ko ang pangalan niya sa name tag niya. Shenna “Bakit kailangan kong ipaliwanag sa inyo?” Mataray na tanong niya kaya nagtanguan ang mga tanga. “Oo nga naman, par. Bakit kailangan niyang ipaliwanag sa’tin kung bakit?” Nagtatakang tanong ni Lex. “Tanga, diba nga may nakita tayong butones?” inis na bulong ko. “Ay, oo nga pala. Nadi-distract kasi ako e, sorry akin.” “Nagsalita ka pa kasi, nalaman tuloy namin na tanga ka,” sabat ni Gian. Magsasalita na sana si Lex, para sana gumanti. Pero nagsalita na ulit ‘yung babae. “Kung wala kayong sasabihin, mauuna na ako.” Tumalikod na agad siya pero hinawakan siya ni Jake sa braso. “Gusto ka lang namin makausap, alam mo naman siguro ang tungkol sa nangyari kay Dina,” sabi ko saka itinaas ang isang butones na nakita namin sa stock room. “Nakita namin ‘to sa stockroom at nagkataon na wala rin ang isang butones ng uniform mo na suot mo ngayon.” Tinuro ko ang bandang siko niya kung saan nawawala ang isang butones ng uniform niya. “Sayo ba ‘to?” “Ano. . bang sinasabi niyo? Matagal nang nawawala ang butones ng uniform ko na ‘to! Bakit ang sinisisi niyo?!” “Hindi ka naman namin sinisisi, wala pa nga kaming sinasabi e.” Kunot-noo na sabi ni Ken. “Huwag ka naman masyado magpahalata.” Nagsimulang manginig ang kamay no’ng babae kaya nagkatinginan kami, halata rin na naiiyak siya ngunit pinipigilan niya. “H-hindi ko sinasadya!” Mahina niyang sabi kaya lalong nanlaki ang mata namin lahat. Sh¡t, hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan. Siya nga ang pumatay kay Dina, walang duda. “Pwede ka ba namin makausap?” Mahinahon na tanong ko, ilang segundo niya muna kaming tinitigan lahat bago mabagal na tumango. — Nakatingin lang kami sa babae na nakaupo sa harap namin, dito namin siya dinala sa room namin sa hotel. Kanina pa kami nakatingin sa kanya pero walang nagsasalita, pinapanood ko ang galaw niya pero mukhang iba ang pinagmamasdan ni Ken at Gino. “Sexy, par,” bulong ni Gino. “Flawless nga e,” sang-ayon ni Ken. “Ano ba ang itatanong niyo sa’kin?” Biglang tanong no’ng babae kaya nagulat ‘yung dalawa. “Ay, legs!” Sabay silang inubo dalawa para itago ang nasabi ni Ken, pero huli na ang lahat dahil narinig na no’ng babae. Narinig ko ang impit na tawa nina Jake dahil doon. “Tigilan niyo nga kamanyakan niyo,” bulong ni Gian. “Ano ‘yung sinasabi mo kanina na hindi mo sinasadya?” tanong ko kaya bigla siyang napayuko, kasunod ng pagtulo ng luha niya. Tinakpan niya ng mga kamay niya ang mukha niya at humagulgol ng iyak. “Hindi ko talaga sinasadya!” Umuling siya ng maraming beses. “Masyadong mabilis ang pangyayari. .” “Ikaw ba ang pumatay kay Dina?” tanong ni Jake kaya lalong lumakas ang pag-hagulgol niya. “Siya nga,” sambit ko. “Sinayang mo legs mo.” “Legs pa rin?” Inis na sigaw ni Lex saka ipinatong ang legs niya sa tuhod ni Gino. “Oh, ayan! Legs ng hindi killer! Magsawa kang hayop ka!” Tinabig agad iyon ni Gino. “Ayoko niyan, magubat ‘yan.” “Eh diba, mahilig ka naman sa magubat?” “Tanga, gusto ko naka-shaved.” “Ako mas gusto ko ‘yung hindi naka-shaved, para mysterious,” sabi ni Ken kaya naghagalpakan sila ng tawa lahat, may palakpak pa nga e. “Gusto niyo pa bang makauwi?” tanong ko kaya napatigil sila sa pagtawa. “Kung gusto niyo, magseryoso kayo para matapos na ‘to.” “Sorry, boss Warren!” Tumatawa pa rin na sabi ni Ken. “Ano bang nangyari, miss? Bakit humantong sa gano’n? Pwede mo bang ikwento sa’min?” biglang tanong ni Gian doon sa babae kaya’t napatahimik lahat. Tumutulo ang luha na lumingon siya sa’min. “Pwede bang humingi muna ng maiinom?" “Laway ko, gusto mo?” tanong ni Gino kaya sabay-sabay namin siyang inambahan. “Utang na loob, Ferrer. Pigilan mo sarili mo,” pagmamakaawa ni Gian. Tumawa lang si Gino at tumayo, akala namin kung anong gagawin niya pero kumuha lang pala siya ng tubig para ro’n sa babae. Mukhang hindi na kasi makahinga dahil sa kakaiyak itong nasa harapan namin. Matapos niyang uminom ng tubig ay tumingin siya sa kisame na parang inaalala ang mga nangyari. — Third Person’s PoV March 2, 8:00 am “Uy, Shenna. Baka pwedeng makisuyo? May kukunin kasi akong kahon sa stock room, okay lang ba na ikaw muna rito?” tanong ni Enrique Heels kay Shenna na kadarating lang sa trabaho. “Ano ba ang kukuhanin? Ako na lang ang kukuha, may hahanapin din kasi ako ro’n,” sagot niya sa lalaki, napangiti naman si Enrique Heels dahil lalong mapapagaan ang trabaho niya. Binigay niya ang susi kay Shenna at sinabi kung ano ang kukunin niya, pagkarating ni Shenna sa stockroom ay naabutan niya sa labas ng pinto ang isang babae. “Nakalimutan kong hiramin 'yung susi,” bulong nito sa sarili kaya mabilis na nilapitan ito ni Shenna. “Oh, Dina. Bakit nandito ka? Hindi ka pa rin naka-uniform,” sabi niya rito. Napalingon naman si Dina at sumimangot. “May dinala kasi ako rito kagabi, hindi ko napansin na naiwan ko sa loob ‘yung uniform ko na nasa paper bag.” “Sakto, may susi ako.” Napangiti si Dina kaya sabay silang pumasok sa loob, nakita niya na kinuha nito ang isang paperbag na nakapatong sa isang lamesa. “Shenna, mauuna na ko ha? Magpapalit pa ako,” paalam ni Dina pero pinigil ito ni Shenna. “Kayo na ba ni Daniel Padila?” tanong niya rito kaya natawa si Dina, tumaas naman ang kilay niya dahil doon. “Hindi, noh!” sagot ni Dina. “Binasted ko na ‘yon noong nakaraan pa.” Tumiim ang bagang ni Shenna dahil doon. Matagal na kasi siyang may gusto kay Daniel Padila pero hindi siya no’n binibigyan ng pansin, nakatuon lang lagi ang atensyon nito kay Dina, halos lahat naman ng lalaki sa hotel na ‘yon ay nagkakagusto sa dalaga. Maganda, sexy at mabait pa. “Bakit?” tanong ni Shenna. “Mabait naman at may itsura si Daniel. Pero, girl, ano naman ang magiging buhay ko sa kanya kung nagkataon? Janitor lang siya.” “Ano naman kung janitor?” Inis na tanong niya kaya nagulat si Dina dahil sa tono ng pagsasalita niya kaya mabilis na umiling ito. “Hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho niya—” “Alam mo, mayabang ka, noh?” Humakbang si Shenna ng isang beses palapit kay Dina. “Hindi porket maraming nagkakagusto sayo ay paaasahin mo na lahat, ano pagkatapos mong humingi ng kung anu-ano ay gano’n lang ang gagawin mo?” “H-hindi ko naman ‘yon hinihingi sa kanya, saka matagal ko na sinabi na wala siyang pag-asa—” “Magdadahilan ka pa? Ang sabihin mo, malandi ka lang at mukhang pera! Kapag nakuha mo na ang gusto mo saka mo lalayuan! Inaakit mo silang lahat para magaw—” Napatigil sa pagsasalita si Shenna nang bigla siyang sampalin ni Dina ng malakas. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaliwang pisngi niya kasabay ng pag-init ng dugo niya, sinampal niya rin ng malakas si Dina saka ito sinabunutan. Lumaban si Dina dahil doon, tinulak niya si Dina kaya natumba ito at hindi sinasadyang tumama ang ulo sa dingding na bato. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumapit kay Dina na nakahiga sa sahig, umaagos ang dugo mula sa ulo nito. “I-ipapakulong kita. .” Nakapikit na sabi ni Dina kaya’t natigilan siya. Kapag sinumbong siya nito sa pulis ay makukulong siya at matatanggal sa trabaho, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at swerte na siya na nakapasok siya sa hotel na pinagtatrabahuhan niya ngayon. Wala siyang maipapakain sa kapatid niya kung nagkataon. Wala sa sarili na hinawakan niya ang leeg ni Dina. Diniinan niya ang pagkakahawak doon kaya walang lakas na pumalag si Dina. “S-shenna! Anong. . ginagawa mo?” Hindi niya pinansin ang sinasabi ni Dina, naghahabol ‘yon ng hininga at namumutla na ang mukha. Nawala na siya sa kanyang sarili, ang tanging nasa isip niya lang ay ayaw niyang mawalan siya ng trabaho. Ilang sandali lamang ay napansin niyang hindi na ito gumagalaw pa, tumigil na ito sa pagpalag kaya’t napatitig lang siya sa walang buhay nang si Dina. Mabilis siyang napatayo at nagsimulang manginig ang katawan niya, ngayon lang pumasok sa isip niya ang nagawa niya. Tumutulo ang luha na tiningnan niya kung humihinga pa si Dina pero hindi na. Lalo lang niyang pinalala ang sitwasyon. “Hindi. . h-hindi ako pwedeng makulong!” sambit niya sa sarili. Tumingin siya sa paligid at at hinila ang katawan ni Dina sa gilid ng lamesa. Nagmamadaling kinuha niya ang mga gamit ni Dina, kinuha niya rin ang kahon na pinapakuha ni Enrique Heels. Tinapon niya ang mga gamit ni Dina saka inayos ang sarili. “Ayun, oh! Salamat, Shenna!” Tuwang-tuwa na bungad ni Enrique Heels habang kinukuha sa kanya ang kahon, pinilit niyang ngumiti at tumalikod na. Lumipas ang buong araw na hinahanap ng lahat si Dina, hindi kasi ito umaabsent sa trabaho kaya’t nagtataka ang lahat. At saka kuhaan ng sahod nila ngayon. “B-baka may sakit. .” Ang sagot niya kapag tinanong siya ng mga katrabaho nila. Nagkayayaan mag-inom ang lahat dahil sahod nga, napagpasyahan nilang mag-inuman sa isang room ng hotel, kasama din kasi ang manager nila kaya pinayagan 'yon. Nagkakasiyahan ang lahat ngunit hindi mapakali si Shenna. Anong gagawin ko? Ang nasa isip nya buong araw. Pinagmasdan niya ang mga kasama niyang lasing na lasing na. “Oh, bagsak na si Padila oh!” “Banyo. . gusto kong mag-banyo.” Mahinang sabi ni Daniel kaya agad siyang tumayo. “Sa taas kayo mag banyo, huwag sa banyo ng room na ito at baka mayari tayo,” sabi ng manager nila, tumango naman si Shenna at inalalayan si Daniel na tumayo. Habang naglalakad sila ay nagulat siya nang yakapin siya nito. “D-dina. .” Mahinang sabi nito. Natigilan si Shenna, nasasaktan siya dahil kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin ni Daniel. Dina. Puro na lang Dina. Si Dina ang maganda, ang sexy, ang matalino, ang mabait, ang magaling magtrabaho. Pero ako? Walang kahit ano. Maya-maya ay nakita na lang niya ang sarili at si Daniel sa tapat ng pinto ng stockroom. “B-banyo na ba ‘to?” Lasing na lasing na tanong ni Daniel. “Hindi. .” sagot niya. “Pero gusto kang makita ni Dina, nandito siya.” Nagliwanag ang mukha ni Daniel dahil doon. “Talaga? Pumasok na tayo, gustong-gusto ko na siyang makita. Kanina ko pa siyang gustong makita!” Napapikit ng mariin si Shenna bago binuksan ang stockroom. Inalalayan niya si Daniel papasok doon, napaiwas siya ng tingin nang makita ang katawan ni Dina sa gilid ng lamesa. “Bakit diyan ka natutulog, Dina?” ani Daniel. “Magkakasakit ka niyan!” “Daniel,” tawag ni Shenna. “Gusto mo ba na mapasayo si Dina?” “Matagal na. .” Napatitig si Shenna kay Daniel nang ilang sandali, buong araw niyang inisip ang plano na ito kaya gagawin niya na. Hinubaran nya ang katawan ni Dina kaya’t kuminang ang mata ni Daniel. Dahil sa pagkalasing ay wala ito sa sarili, hindi alam ang nangyayari sa paligid. Ang nakikita lang niya ay ang hubad na katawan ni Dina na nakatambad sa harapan niya ngayon. Napalunok si Shenna at nanginginig na lumapit sa pintuan. “M-maiwan ko muna kayo. .” paalam niya at saka nagmamadaling lumabas doon. Buong araw niyang pinlano 'yon. Ipapalabas nya na iba ang pumatay kay Dina at ni-rape ito, wala sa sarili na napangiti siya. “Nagawa ko. .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD