Third Person’s PoV March 3, 6:00 am (One day after Dina’s incident) Nagising si Daniel na masakit ang ulo, napatingin siya sa tabi niya at nakita ang babaeng walang kahit anong saplot. Halos mawala ang sakit at hilo na nararamdaman niya nang makita na si Dina iyon. “M-may nangyari sa’min. .” sabi niya sa sarili. Kinuha niya ang ilang damit sa sahig para itakip sa hubad na katawan ni Dina. Ngunit bigla siyang napaatras nang makita ang dugo sa ulo nito, at namumutla ang buong mukha nito. Nakita niya rin ang bakas ng pagkakasakal sa leeg. Nagsimulang manginig ang buong katawan niya sa pag-aakalang siya ang gumawa nito. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi ngunit wala siyang maalala. “H-hindi ko sinasadya!” Paulit-ulit niyang sinasabi habang tumutulo ang luha, sinuot niya ang damit

