Jake Montero’s PoV Napabalikwas ako ng bangon nang may marinig akong malakas na sumisigaw. “AAAHHHHHHH!” Nakita ko si Lex na walang tigil sa kakasigaw habang isa-isa kaming ginigising, pinagmasdan ko ang paligid at nakitang nasa pamilyar na lugar kami. “Nasaan na tayo?” Gulat na tanong ni Gian na nagkakamot ng mata. “AAAAAAHHHHH!” “Hoy, Lex! Hayop ka, tumigil ka! Para kang sirena ng bumbero!” sita ko kay Lex kaya napalingon siya sa’kin. “Hindi niyo ba naaalala ‘tong lugar na ‘to? Malapit lang ‘to sa school natin!” Tuwang-tuwa niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. “Gago, oo nga!” Gulat kong sabi saka mabilis na tumayo, sinipa-sipa ko sina Ken na tulog na tulog pa rin. “Hoy! Bilis, gising!” “Nasaan na tayo?” Pilit dumidilat na tanong ni Gino. Sabay-sabay napasigaw sina Ken at Gino

