kabanata 58

1241 Words
Warren Guevarra’s PoV Hindi ibig sabihin na pumayag kami sa sh¡t ni Gino ay susundin na namin ang gusto niyang mangyari. Walang lumuhod at nilapitan lang namin ‘yung matandang babae na naglalakad na palayo. “Nay, magandang araw po,” bati ni Jake doon sa matanda kaya napaangat ito ng tingin. “Hoy! Hindi niyo ako susundin?” tanong ni Gino. Seryosong nilingon siya ni Lex. “Par, ganyan ka ba talaga? Seryoso na ‘to o, kalokohan pa rin ang gusto mo.” “Oo nga, hindi ka ba nakokonsensya?” saad naman ni Ken. Tumango si Gian. “Paluluhurin mo pa kami, ano ka si Lord?” Ang galing talagang mangonsensya ng mga ‘to. Sinasabi lang naman nila ‘yan para hindi na nila kailangan sundin ang sinasabi ni Gino. Napanganga si Gino. “Ang kapal naman ng mga fuçking face niyo.” “Hahahahahahaha!” “Anong kailangan niyo sa’kin?” tanong no’ng matanda kaya napatigil sila lahat sa pagtawa. Tumikhim muna ako bago magsalita. “Hindi niyo po ba kami natatandaan?” “Natatandaan,” sagot nito at pinagmasdan kami isa-isa. “Pero anong maipaglilingkod ko sa inyo? Sinabi ko na sa inyo, patay na ang mga may-ari ng mga katawan na ‘yan.” “Alam niyo po ba kung anong pwede namin gawin para bumalik kami sa totoo naming katawan?” tanong ko. Huminga muna siya ng malalim at nag-iwas ng tingin. “Kailangan niyo munang hanapin ang mga katawan niyo, ngunit hindi ko alam kung nasaan ang mga iyon.” Tumango ako. “Ang dahilan kung paano sila namatay, alam niyo ba?” “Hindi ko rin alam,” anito at sumimangot. “Wala na akong alam tungkol sa mga detalye na iyon pero ang masasabi ko lang ah ang dahilan kung bakit kayo nagkapalitan lahat.” Kumunot ang noo namin lahat, iyon din ang isa sa mga gusto namin malaman. Paano nangyari na napunta kami sa katawan na ‘to? “Noong araw at oras na napunta kayo sa lugar na ito ay saktong namatay din silang anim, magkasabay na nangyari iyon kaya’t nagkapalit ang mga katawan ninyo.” Nagkatinginan kami lahat. Nakakamangha na pati iyon ay alam niya. Pero wala rin kaming nalaman na impormasyon dahil alam na rin naman namin na kailangan namin hanapin ang mga totoong katawan namin. “Paano natin hahanapin ‘yon?” tanong ni Lex habang nakasalampak ng higa sa higaan. Pagkatapos namin makausap ‘yung matanda ay nagpunta kami rito sa bahay ni Miori, ‘yung babae na may diary na totoong may-ari ng katawan ni Gian ngayon. “Tang ina niyo, wala kayong isang salita. Pumayag kayo sa pustahan pero ayaw niyong sumunod.” Kanina pa nagrereklamo si Gino kasi hanggang ngayon ay wala pa rin sumusunod sa gusto niya. “‘Wag kang maniwala sa mga pangako,” ani Gian na naghahanap doon sa bookshelf. “Eggplant nga walang itlog e.” “Hahahahahahahahaha!” “Kawawa ka naman, par. Wala kang kakampi,” pang-aasar ni Ken. Tumawa si Lex at tumabi kay Gino, inakbayan niya pa. “Ayos lang ‘yan, par. Basta lagi mo lang tatandaan na kapag nag-iisa ka, wala kang kasama.” “Kaya ko ‘to, kapogian nga ang hirap e. Pero kinaya ko.” Napangiwi si Jake. “Oo nga, par. Pogi ka naman e, basta ‘wag lang kaming titingin sayo.” Ngumiti si Gino at itinaas ang gitnang daliri. “Akala ko dagat lang ang lumalalim, galit ko rin pala sa inyo.” “Hahahahahahahaha!” Tumayo ako. “Maghanap na nga kayo—” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay binato na sa’kin ni Gian ang isang notebook. Nakita ko agad na diary iyon. “Ayan yata ang unang diary ni Miori,” sabi niya at nakangising itinaas ang isang larawan habang lumalapit. “Mukhang mahahanap na natin kung nasaan sila.” Kinuha ko kay Gian ang larawan at lumapit naman sina Lex para makitingin. ‘Yung mga babae ito noong medyo bata pa sila, puro sila nakangiti. At ang background ay isang daan na may magandang tanawin. “Saan namin natin hahanapin ‘to?” tanong ni Jake. “Easy,” sambit ni Gian at tinuro ang computer na nandito. “Google map.” “Alam mo ba password niyan?” “Iyon nga ang maganda, walang password.” Umupo siya sa swivel chair at tumayo naman kami sa likod niya habang nanonood. Mabuti na lang ay walang password kaya hindi na kami nahirapan na buksan. Nilusot niya ang larawan sa fax machine sa tabi at maya-maya ay lumitaw iyon sa monitor, ginamit niya ang larawan na ‘yon mag-search sa google. Lumabas ang mga kaparehong lugar. “Sh¡t, ang dami,” ani Gian habang iniisa-isa ‘yung mga larawan tapos ay hinawi niya ang mahaba niyang buhok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay-sanay na nasa katawan kami ng mga babae. Tinuro ni Jake ang isa ro’n na may magandang tanawin na halos kapareho no’ng nasa larawan, pinindot ‘yon ni Gian at binasa ang information para makita kung saang lugar iyon. “Isa-isahin mo ‘yung mga kamukha na lugar tapos i-google map mo,” sabi ko kaya tumango siya at pumindot-pindot doon sa mouse. Pinanood lang namin siya, inabot ng halos dalawang oras ang paghahanap. Sina Lex at Gino ay nakahiga na dahil nainip, si Jake ay nagbabasa ng magazine. Ako at si Ken ay nanonood pa rin, kinukumpara namin ‘yung larawan sa mga lugar sa google map. Hindi namin mabilang kung pang-ilan na ito na tiningnan namin. Sinearch ni Gian ‘yung lugar na pangalan ay Maple Valley. Naghanap pa kami ro’n hanggang sa umabot kami sa kalsada na kapareho no’ng nasa larawan. Napatayo bigla si Gian nang mapagtanto namin na parehong-pareho ‘yung lugar, sabay-sabay pa kami n napataas ng kamay tatlo dahil sa sobrang tuwa. Matapos ng lagpas dalawang oras, nahanap na namin. Kumakamot sa pwet na nilingon kami ni Lex, humihikab pa. Kawawa naman ang may-ari ng mga katawan na ‘to, nababoy na ang image. “Nahanap niyo na?” “Oo, par. Nahanap namin dahil sa inyo, ang laki ng naitulong niyo na hayop kayo,” sabi ni Ken. Nagkibit-balikat si Lex. “Sinu-sino pa ba ang magtutulungan? Tayo-tayo lang din naman, diba, par?” Tumango-tango si Gino na nakatagilid sa higaan, tapos ay nakataas pa ang paa. Si Jake naman ay tumayo at binitawan ang hawak na magazine. “Tara na, hindi pa ba tayo pupunta?” Tumayo si Lex. “Pero anong gagamitin natin na sasakyan papunta?” Tumingin ako kay Gian dahil bahay ng may-ari ng katawan niya itong bahay na ‘to. “Ikaw nang bahala.” “Teka.” Lumabas si Gian kaya sinundan namin siya ng tingin. “Malayo ba ‘yon?” tanong naman ni Jake. “Medyo, halos dalawang oras din na biyahe.” Si Ken ang sumagot. Uupo na sana ako sa sofa dahil sumakit ang likod ko sa kakatayo kanina, pero biglang bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Gian. “Ano na?” tanong ko. Tinaas niya ang susi ng sasakyan kaya sabay-sabay kaming napatango lahat at lumabas. Konti na lang ay makakabalik na kami sa mga katawan namin, kailangan na lang namin puntahan ‘yung lugar. Kating-kati na ko sa mahabang buhok nitong katawan ko ngayon. Gusto ko nang makabalik sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD