Alexander Cabrera’s PoV Kanina pa kami nasa biyahe, ang sakit na ng pwet ko at naiihi pa ako. Si Ken ang nagmamaneho kaya pabara-bara ang takbo namin. Napakapit ako sa upuan nang muntik na kaming bumangga sa isang sasakyan sa harapan namin. “Bilisan mo pa, par. Para mamatay na talaga tayo,” sarkastikong sabi ni Jake. Lumingon siya saglit at pinakyu kami. “Kayo kaya ang magmaneho?” “Ikaw na, par. Ikaw ang mukhang driver sa’tin e.” “Ulol,” sabi niya at mas binilisan ang pagpapatakbo, bigla siyang lumiko kaya muntik na kaming mabangga sa isang truck. Buti ay naliko agad niya. “Tarantado ka, Ken. Puro ka kalokohan, kapag tayo naaksidente,” panenermon ni War. “Hayaan mo na, par,” saad ni Gian na nakaupo rin sa unahan, katabi siya ni Ken dahil siya ‘yung nagsasabi kung saan dadaan. “Nak

