Jake Montero’s PoV Mabagal na napadilat ako ng mata nang maramdaman ko na parang may humahaplos sa dibdib ko, kumunot ang noo ko nang sumalubong sa’kin ang napakagandang mukha ng isang babae. Mahaba ang buhok niya na medyo kulot tapos ay maputi ang balat, parang kumikinang ang mata niya dahil bilugan iyon. Sobrang ganda niya, ito yata ang pinakamagandang babae na nakita ko simula nang magsimula ang adventure na ito. Pero, teka, nasaan ba ako? Umupo ako at nilibot ang tingin sa paligid. Medyo nanlalabo pa ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sina War na nakahiga sa ibang mga higaan, magkakatabi ang hinihigaan namin tapos ay para kaming nasa isang malaking kubo. “Nagpapahinga lang sila,” sabi ng babae na nakatayo sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na k

