Alexander Cabrera’s PoV Busog na busog ako dahil sa sobrang dami ng nakain ko, ang sasarap lahat ng pagkain. Hindi ako makapaniwala na sa islang ito kami nagising. Nalaman namin na puro babae lang ang nakatira rito, walang kahit isang lalaki. Sila ang nanghuhuli ng mga isda, ng mga hayop na kakain nila, sila rin ang umaakyat sa mga puno para kumuha ng mga prutas. Tapos ay ang gaganda at sexy pa, at mahinhin pang lahat kung gumalaw. Nakakamangha rin ‘yung mga suot nilang damit, may iba sa kanila na halos naka-two piece na lang. Napaangat ako ng tingin nang may umupong babae sa tabi ni Gian, magkatabi kami rito sa ilalim ng puno sa may damuhan. Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa kabusugan, samantalang itong tukmol na katabi ko ay ngumunguya pa rin ngayon ng mansanas. “Pasensya ka n

