kabanata 31

1319 Words
Kenji Tamayo’s PoV Ilang araw na rin mula nang makilala namin ‘tong mga babae na kasama namin ngayon. Pasalamat na lang na marami kaming nakuhang mga pagkain doon sa mall dahil kung hindi, lahat kami ay mamamatay na lang sa gutom. Nakakaboring. Sinundan ko ng tingin ang babaeng lumabas ng banyo, kakatapos niya lang maligo at basang-basa pa ang buhok niya. Nakabihis na rin. “Sana all fresh,” sabi ni Gino kaya napatingin iyon nang nakakunot ang noo. Ito naman, simangot agad. “Hi, Samara baby,” bati ni Gino sa kanya pero hindi lang siya nito pinansin at naglakad na papunta sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. “Taray, par. Makasibat na nga,” bulong ni Gino at tumayo na bago bumulong. “Goodluck, par.” Tinaas-baba ko ang kilay ko bago tumingin kay Samara na nag-aayos sa salamin. Bakit ba sobrang puti nito? Tahimik na lumapit ako sa kanya ng hindi niya namamalayan, napatigil siya sa paglalagay ng parang pulbo sa mukha nang makita niya ang repleksyon ko sa salamin. “Anong ginagawa mo?” tanong ko. “Nag-aayos ng mukha, hindi mo ba nakikita?” tanong niya at ipinagpatuloy ang ginagawa kaya kumunot ang noo ko. “Hindi mo naman kailangan mag-ayos e,” sabi ko kaya napatigil na naman siya. Nakita ko na medyo namula ang pisngi niya pero hindi niya pinahalata. “Alam ko naman, pero—” “Ang kailangan mo ay plastic surgery,” agap ko kaya mabilis niya akong binato ng suklay. “Bwisit ka!” Hindi ko maiwasan na matawa dahil nanlalaki ang butas ng ilong niya. “Hoy, kakain na.” Narinig namin na boses sa may pinto kaya napalingon kami roon, si Keiko. “Teka lang,” sabi ni Samara tas bumaling sa’kin. “Ikaw, tisoy. Bakit ka ba nandito?” “Anong tisoy? Kenji ang pangalan ko, pero pwede mo rin akong tawagin na mahal ko,” sabi ko kaya’t kitang-kita ko kung paano siya napangiwi. “Kadiri ka!” Umismid siya at saka umalis kaya sinundan ko siya, pagkarating namin sa kusina ay nandoon na ang lahat, kumakain na. “Hindi niyo man lang ako hinintay bago magsimula?” tanong ni Samara kaya napatingin sa kanya lahat. “Bakit ka hihintayin? Ganda ka?” tanong ni Erin. “Oo, maganda ako. Bakit? Bakit?” Nakataas ang kilay na sagot ni Samara. ‘Yan na naman sila. “Kain ka na, gutom lang ‘yan,” sabi ko kay Samara saka umupo na rin sa tabi ni Gian na nilapit agad ang mukha para bumulong. “Anong base, par?“ tanong niya. “Basement,” sagot ko kaya naglungkot-lungkutan sila ni Lex na katabi niya. “Mahina ‘to, bata ka pa.” Pang-asar na sabi ni Gian kaya babatukan ko dapat siya pero biglang may nagsalita. “Wala ba kayong table manners? Nasa harap kayo ng pagkain tapos naghaharutan kayo,” panenermon ni Keiko. Ngumisi si Lex. “Paumanhin, mada’am.” “Sinong nagluto? Hindi masarap,” sabi bigla ni Warren kaya kitang-kita ko kung paano nag-usok ang ilong ni Allison. Alam na kung sino. — Gino Ferrer’s PoV Nakatunganga dahil walang magawa na nakasalampak kaming lahat sa salas. May nakahiga sa sofa, meron sa carpet. Ako naman ay nandito sa rocking chair na kahoy. Malaki ‘yung bahay at maayos, pero halatang luma na ‘yung mga gamit. Maliit lang kasi ang TV at halos bato at kahoy lahat ng gamit. Wala pang kuryente. “Kaninong bahay ‘to?” tanong ko sa mga babae. “Hindi namin alam, napunta lang kami rito,” sagot ni Mila kaya’t napatango-tango ako. “May tanong pa ako,” sabi ko kaya tumaas ang kilay nila. “Anong mangyayari pag pinatay mo ang goose?” Kumunot ang noo nila, pati na rin nila Lex. Napapaisip. “Edi mamamatay,” sagot ni Keiko. “Ano pagkatapos no’n?” tanong ko pa. Kumunot lalo ang noo nila at nag-isip saglit pero mukhang hindi nila alam. “Ano? Sirit na!” “Edi magiging goost siya,” sabi ko saka humalakhak ng malakas. Gago, laughtrip. Pero napatigil ako nang mapansin na tahimik silang lahat at nakatingin lang sa’kin. “Anong tinira nito?” tanong ni Carmen kila Warren habang tinuturo ako. “Ingrown,” sagot ni Lex kaya pinakyu ko siya. “Tangina, hindi niyo man lang ako sinuportahan.” Nakahawak sa dibdib na sabi ko. “Pasensya na, par. Ngunit hindi namin kayang sikmurain ang iyong karumal-dumal na joke,” sabi ni Jake na kinakagat ang hawak niyang toothpick. “Ang pangit mo kasi gumanap,” sabi naman ni Ken. “Lahat yata kayo ay nakasinghot e,” pagsingit ni Erin kaya napatingin kami sa kanya. Nag-iipit siya ng buhok niya kaya kitang-kita lalo ang mukha niya. Ilang taon na ba ang isang ito? Mukhang bata kasi, halatang napansin din ni Gian iyon kaya nagsalita siya. “Ang bata mong tingnan ah?” Compliment ni Gian kaya napalingon sa kanya si Erin. “Sabi nga nila baby face daw ako,” nahihiyang sabi niya. Tumawa si Gian. “Hindi ah, ‘yung dibdib mo kasi pang grade three.” “Bwisit!” Nagtawanan kaming lahat dahil doon, pati na rin ‘yung mga babae. “Oo nga, noh?” ani Samara na lalong nagpasimangot kay Erin. “Happy kayo?” tanong niya sa mga kaibigan niya kaya nagpigil ng tawa ang mga iyon. “Kailan ba niyo balak kunin ‘yung mga pagkain na naiwan sa cinema? May mga damit din doon na naiwan,” tanong ni Warren kaya nagkatinginan sila. “Oo nga, ‘yung minivan din ay nandoon pa,” sambit ko. “Ngayon na kaya?” saad ni Allisson at tumayo kaya napaangat kaming lahat ng tingin. “Wala na rin pagkain at hindi rin kayo nakakapagpalit ng damit dahil walang mga panlalaking damit dito.” “Tara?” aya ni Jake at tumayo na rin kaya nagtayuan na kaming lahat. Inabot sa’min no’ng mga babae ‘yung mga baril kaya napangisi ako, talagang wala na silang choice kundi ang magtiwala na sa’min. “Kailangan ba talaga natin magpunta lahat?” tanong ni Mila kaya lumapit sa kanya si Lex at inakbayan. “‘Wag kang matakot, akong bahala sayo,” ani Lex. “Ulol, ‘pag nandyan na ang mga zombies kung makatawag ka sa mama mo,” ani Ken. Lumingon sa kanya si Lex. “Akala ko ba kaibigan kita?” “Magkaibigan ba tayo?” “Dami niyo na naman alam, anong petsa tayo aalis?” tanong ulit ni Mila kaya tiningnan siya ng mula hanggang paa ni Lex. “Nakalimutan ko na meron ka nga pala ngayon kaya ka masungit,” sabi ni Lex kaya kaya sinipa siya ni Mila pero nakailag siya. “Oh, oh! Wag ka masyadong gumalaw, baka bumulwak!” awat ni Lex kaya’t natawa kami pero pinipilit namin pigilan. “Tang ina mo, par. Ano ‘yon?” “Aray!” Pinaghahampas at suntok ni Mila si Lex na sinasalo naman lahat ng tanga. “Bwisit ka talaga!” “Tama na ‘yan,” awat ni Warren kaya napatingin sa kanya si Allison. “Tama lang ‘yan sa kanya,” sambit nito. Naningkit ang mata ni Warren dahil doon. “Ano kayang magiging reaksyon ninyo kapag kami ang nanakit sa isa sa mga kaibigan niyo?” “Bakit mananakit kayo ng babae?” Galit na tanong ni Allison. “Bakit mananakit kayo ng lalaki?” tanong pabalik ni War. “Gano’n ba ‘yon? Kapag babae ayos lang?” Hindi nakasagot si Allison at tinalikuran si Warren. Mabagal na pumalakpak si Jake dahil doon. “Naks, boss Warren. Big bird!” “Tanga, big word ‘yon!” pagtatama ni Gian. “Luh, binago na.” “Hahahahahahahahaha!” Habang lumalabas kami ay nagtatawanan sila, nang magkatinginan kami ni Mila ay inirapan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD