kabanata 32

1815 Words
Warren Guevarra’s PoV “Ito, susi.” Inabot ko sa babaeng isa ang susi ng minivan kaya nagtatakang napatingin siya sa’kin. “Para saan ‘to?” tanong niya. “Kami ang papasok sa loob ng cinema para kunin ‘yung mga gamit, buksan niyo na agad ‘yung likod ng minivan para madali. “So, kayo lang ang papasok sa loob ng cinema? Paano kami?” “Kaya ko ibinigay ang susi ay para mauna na kayong makasakay sa loob. Uulitin ko pa?” saad ko pa kaya sumama ang tingin niya. “Gusto lang din kasi namin na tumulong magbuhat ng mga gamit at pagkain para mas mabilis,” sabi niya pa at saka tinawag ‘yung isa niyang kaibigan. “Alli, susi oh! Tayo raw maiiwan doon sa van e.” Kinuha no’ng Allisson ang susi at saka tumingin sa’kin. “Napakahirap bang buksan no’ng minivan kaya anim kaming magbubukas no’n?” “Depende sayo kung tanga ka, mahirap talaga ‘yon,” sabi ko kaya tumawa ‘yung katabi niya na kausap ko kanina, umirap naman siya. “Tatlo lang ang maiiwan sa minivan para makatulong ang iba sa amin na magbuhat ng mga gamit at pagkain,” sabi niya kaya tumango ako. “Sige,” pagpayag ko. “Basta ‘wag kang manghihingi ng tulong kapag hinabol ka ng zombies.” Saglit siyang hindi nakasagot, mukhang nagdadalawang-isip. Maya-maya ay tumango siya. “A-anong akala mo sa’kin, mahina?” Inis na tanong niya at nilingon ‘yung mga kaibigan niya. "Sino gustong sumama sa loob ng cinema? Tatlo lang ang maiiwan sa van.” Nagtaas ng kamay ‘yung may pink ang buhok at ‘yung isa na maiksi ang buhok. “Okay. Keiko and Samara, tayong tatlo ang sasama sa kanila sa loob para tumulong maglabas ng mga gamit.” Lumingon siya sa sa kausap ko kanina. “Carmen, maiiwan kayo nila Mila at Erin sa minivan. Isarado niyo na lang muna ‘yung pinto para hindi kayo makita ng mga zombies, buksan niyo na lang kapag palapit na kami.” “Oh, sige. Mas madali ‘yon.” Dinaanan ko muna ng tingin ‘yung kausap ko kanina na pangalan pala ay Carmen bago nilingon sina Ken na may ginagawang hindi ko alam. “Ano na?” tanong ko sa kanila kaya sabay-sabay silang napalingon. “Tara na ba?” tanong ni Jake habang naglalakad palapit, hawak nila ang mga baril nila. “Handa na ba kayo mga kababayan?” tanong ni Lex na hawak na ‘yung gate. “Paano kung hindi kami maging handa habambuhay? Hindi tayo aalis dito, ha?” Inis na tanong ni Mila kaya napalingon sa kanya si Lex. “Excited ka naman masyado, Mila baby. Kapag ikaw natagu—” Hindi na natuloy ni Lex ‘yung sinasabi niya dahil tinulak na siya ni Mila dahilan para bumukas na ‘yung gate at muntik pa siyang masubsob sa sahig. Lalapit na dapat kami sa kanila pero napatigil din nang nagmamadaling hilahin ni Mila si Lex patayo, mabilis niyang sinara ‘yung gate at lumingon sa amin lahat habang nanlalaki ang mata. “M-may mga zombies,” abi niya habang tinuturo ang labas ng gate. “Zombie lang e,” sabi ni Gino at pinagpagan ang sariling kwelyo, halatang nagyayabang. “Ako na ang bahala sa unahan, kahit sumunod na lang kayo sa’kin.” Binuksan niya na ‘yung gate at lumabas pero hindi namin siya sinundan, nang maramdaman niyang wala kami sa likod niya ay nagmamadali siyang bumalik dito sa loob. “Bakit hindi kayo sumunod?” Kunot-noo na tanong niya. “Diba, matapang ka? Ikaw na lang din mag-isang lumabas,” sabi ni Erin kaya napakamot sa ulo si Gino. “Sabi ko sa unahan lang ako pero hindi ko sinabing ako lang mag-isa.” nakangiwing sabi niya. “Nalo-lowbat ako sayo e.” “Anong nalo-lowbat?” tanong ni Erin. “Nalo-lowbat first sight,” sagot ni Gino at kumindat kaya binatukan ko siya, gaganti sana siya pero tinulak na siya nila Ken palabas. “Puro ka kalandian, tara na!” Naglakad na kami palabas kaya nakita namin na may mga zombie nga roon, naglalakad lang naman sila at naghahanap ng makakain. Naramdaman kong may kumapit sa damit ko kaya napalingon ako roon, si Allisson iyon na halatang natatakot, nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang napabitaw. “Sabihin mo lang na natatakot ka, papayagan kitang kumapit sa’kin kahit kailan mo gusto,” sabi ko kaya naramdaman ko na tumalim ang tingin niya sa’kin. “Hindi ako duwag.” Inis na sabi niya kaya tumango ako. “Sige, sabi mo e.” Nakarating kami sa cinema na puro pagtatago at takbo lang ang ginawa namin. Maswerte kami na hindi ito tulad ng mga nasa palabas na napakaraming zombies. Pagkapasok namin sa cinema ay narinig ko agad ang pagpipigil ng tawa nila Gian. Nakatingin sa poster na nandito. Jake the Virgin. Tang ina, nakita ko na naman. “Imba, par. Nakakalubag ng loob,” ani Ken habang nakahawak sa tiyan na tumatawa. “Sh¡t, ano ‘yan?” Natatawang sambit ni Keiko at itinuro si Jake na walang reaksyon sa tabi. “Sabi ko na nga ba babae ‘to e, umamin ka na!” “Sus. Tigilan mo ko, Keiko. Gusto mo lang magpahalik kaya mo ko inaasar na ganyan, sorry hindi kita type.” Nakangising sabi ni Jake habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa si Keiko. “Talagang hindi mo ko type dahil lalaki ang type mo. Sus, bakla!” Balik na asar ni Keiko kaya nagtawanan sina Gian. “Tomboy ka naman,” sabi ni Jake at humalakhak. “Umamin ka na, tayo-tayo lang dito oh. Baka meron kang gusto sa mga kaibigan mo ah?” “Huwag kang gawa-gawa ng kwento riyan!” Inis na sabi ni Keiko at nagsimula nang magdampot ng mga gamit at pagkain. Nagsimula na rin magbuhat sina Gian kaya gano’n din ako. “Par! Bato mo rito para madali, bilis!” sigaw ni Ken na nakatayo sa entrance ng cinema. Napalingon naman kaming lahat sa kanya kaya nakita kong humalukipkip ‘yung mga babae. “Akala mo ba makakatulong 'yan? Paano kung nasira ‘yung binato sayo? Wag ka ngang magsayang ng oras— Oh, wow! Of course, ibabato ninyo!” Napailing-iling na lang si Samara dahil nagsimula nang ibato nina Lex ‘yung mga gamit, hindi pinansin ang mga sinabi niya. Tumakbo si Gian sa entrance ng cinema tapos si Lex at Gino naman ang taga-bato, hindi ko na sila pinansin at lumabas na ng cinema habang dala ‘yung mga cup noodles na hawak ko. Nagpaulit-ulit lang kami hanggang sa maubos namin iyon at nailagay lahat sa minivan. “Ang init,” reklamo ni Samara na bitbit ang mga toilet paper. Nakita ko ang pag-ngiti ni Gino dahil doon. Tang ina, may sasabihin na naman ‘yan. “Pasensya na, nadadamay pa kayo sa hotness ko,” sabi niya bago akbayan si Samara kaya tinaas nito ang gitnang daliri niya at itinapat sa mukha ni Gino. Tinanggal niya ang kamay ni Gino sa balikat niya at naglakad palayo. “Tablado,” ani Gian sa pang-asar na tono. “Kunwari lang ‘yan,” Iiling-iling na sabi ni Gino. “Sa sobrang hot ko, alam niyo ba ang tawag sa'kin ng nanay ko?” “Ano?” “Son.” “Hayop na ‘yan, ang corny.” Natigil ang tawanan ng lahat nang biglang may marinig kaming nagtitilian. “Oh my gosh, sila Erin!" Nag-aalala na sabi ni Allisson at lumabas ng cinema pero napaatras din siya. Sumilip ako sa labas at nakitang napapalibutan na ng mga zombies ‘yung minivan. Nakasara iyon pero kitang-kita kung paano magyakapan ‘yung mga apat na babae sa loob. Hinila ko si Allisson na natataranta sa may pinto dahil sa pag-aalala. Kinuha ko ‘yung baril sa bulsa ko at ganoon din sila Lex, inisa-isa namin na barilin ang mga zombies doon pero nakakuha lang kami ng atensyon ng ibang zombies dahil sa tunog ng baril. Mabilis na isinara ni Lex ‘yung pinto nang makitang palapit na ‘yung ibang zombie dito. “What the hell? Ano, hahayaan niyo na lang sina Mila?! Tulungan niyo sila!” sigaw ni Allison kaya napatingin ako sa kanya. “Huwag kayong tumayo-tayo lang diyan!” Mukhang hindi rin nagustuhan nila Gian ang tono ng pagsigaw niya. “Subukan mo na ikaw ang tumulong, nakita mong palapit ‘yung zombies dito, diba? Balak mo bang salubungin sila with open arms?” Nakakunot ang noo na tanong ni Lex kaya tininhnan siya ng masama ni Allison. “Wala akong oras makipag-lokohan sa inyo, tulungan niyo ang mga kaibigan ko!” sigaw niya pa kaya napahawak ako sa noo ko dahil sa inis. “Huwag kang sumigaw, Allison. Gusto namin kayo tulungan pero dahil sa inaasal mo, parang nawawalan na kami ng gana,” ani Jake. “Hindi ako nakikipag-biruan!” Napabuntong hininga si Gian. “Tigilan mo ang pagiging bossy mo, hindi kami ang lumapit sa inyo para manghingi ng proteksyon. Kung gusto mong tulungan namin kayo, ayusin mo ang ugali mo. Tutulungan namin ang kaibigan mo, nag-iisip pa kami ng paraan.” Humalukipkip si Allison at tumawa ng pang-asar. “Kayo? Nag-iisip pala kayo? Akala ko kasi hindi e.” Hindi makapaniwalang pinagmasdan namin siya. Ibang klase pala talaga. Sa totoo lang ay nakakainis na, ito na yata ang pinaka-nakakainis na kabanata ng pogi gang. “Alli, tama na nga!” awat sa kanya ni Keiko. “Totoo naman e, may mga manners ba itong mga ‘to—” Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil nilapitan ko na siya, hinawakan agad ako nina Gian sa braso para pigilan. Tumingala siya para salubungin ang tingin ko. “Gusto mo ba talagang tulungan namin kayo?” tanong ko. “Kung magpapatuloy ka sa ganyang asal mo, kayang-kaya namin kayong iwan dito. Hindi namin kayo kilala kaya hindi namin obligasyon na tulungan kayo.” Hindi siya sumagot, nagkatitigan kami saglit bago siya nag-iwas ng tingin. “Nag-aalala lang ako ng sobra,” mahinang sabi niya. “Sorry, okay? Now, help them.” Tumango ako. “Sabihin mo muna, please.” Napanganga siya at walang sinabi kaya tinalikuran ko siya, pero hinawakan niya agad ako sa damit. “Please,” aniya. “Tulungan niyo ang mga kaibigan ko. Ngumisi ako at tumango. “Maayos ka naman palang kausap e.” Bumaling ako kina Lex na pinagmamasdan lang ‘yung babae, pero mukhang nawala na rin ang inis nila. “Hug kita, dali!” Hinila ko agad si Ken palayo bago pa siya makalapit kay Allison. Tarantado talaga ang isang ito, basta magkaroon ng pagkakataon, lalandi at lalandi e. Binitawan ko rin siya at lumingon kina Gian na natatawa na. “Anong plano?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD