Ilang araw na ang lumipas mula nung dumating sa Dubai si Ace ngunit hindi pa rin niya makita si Gabbie. Lumagok siya ng whiskey pagkatapos ay inilapag niya ito sa center table na nasa veranda ng kuwartong kaniyang tinutuluyan na nasa ika- pitong palapag ng gusali. Ang hapdi na hatid ng matapang na inumin ay humagod mula sa kaniyang lalamunan hanggang sa kaniyang dibdib— parang hapdi nang pangugulila niya kay Gabbie at ang pait nito ay nagpapa- alala sa sinapit ng kanilang pag- iibigan. Kung gaano katapang ang inuming ito ay ganun din siya katapang na hanapin ang babaeng minamahal niya kahit saang sulok sa gitnang silangan. Habang nakaupo sa malambot na sofa ay kitang kita ni Ace ang maliwanag na sinag mula sa kabilugan ng buwan na malayang tumatama sa marble tiles ng sahig ng veranda. Ang

