Sa wakas ay natapos na rin ang mahabang pahinga ni Gabbie mula nung lumabas siya sa ospital. Ang isang linggong lumipas ay tila ba isang taon sa bagal ng oras sa kaniyang silid. Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa pintuan ng opisina ay sumalubong na sa kaniya ang mainit na pagbati ng kaniyang mga kasama. "Hi Ma'am Gabbie! Welcome ba...ck!" sabay sabay na wika ng kaniyang mga katrabaho habang nagpapasabog ng confetti kasabay ang malalakas na hiyawan. "hala, ang bongga naman...maraming salamat sa inyo... Grabe... Parang ang tagal kong nawala ah" Bahagyang nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang pumatak. Hindi niya akalaing ganoon kainit ang pagsalubong sa kaniya ng mga ito. "my heart is full... maraming salamat talaga" dugtong niya habang pinupunasan ang luha sa kaniy

