Abala ang kaniyang isip sa kung anong naghihintay sa kaniya sa The Promise Bridge nang isang tanong ang pumukaw sa kaniyang diwa. "Sir?... why you going there alone? Usually people go there for the lovelocks... with someone, you know?" tanong ng driver na hindi inaalis ang atensyon sa kalsada. Napaisip si Ace sa tanong na iyon. Tila sinaksak ng libu- libong tabak ang kaniyang dibdib. Hindi lang siya basta tanong para kay Ace, ito ay isang paalala kung anong kalagayan nila ngayon ni Gabbie. Tumingin siya sa labas ng bintana, kahit gaano kaganda at kakinang ang mga gusali rito ay tila naging isang ordinaryong bagay lamang na nilalampasan ng kaniyang paningin. Hindi niya magawang hangaan ang pamabihirang straktura nito dahil ang tanging umuukupa sa kaniyang isipan ay si Gabbie. "mag- isa a

