Nagpatawag ng meeting ang CEO at kasama rito si Gabbie dahil ang kaniyang posisyon ay itinuturing na crucial sa operasyon ng kumpanya. Pumasok na si Gabbie sa conference room. Dahan-dahan siyang umupo sa tapat mismo ng upuan ng CEO. Ang tanging bakanteng silyang tila naghihintay talaga sa kanyang pagdating. Ramdam niya ang nanunuot na lamig ng aircon sa kanyang balat, ngunit kabaliktaran nito ang tila nagbabagang kaba sa kanyang dibdib. Nang itama niya ang kanyang mga palad sa malamig na ibabaw ng mesa, tila ba humalik ang kanyang balat sa isang tipak ng yelo. Wala pa ang CEO doon kaya naman paulit- ulit nyang binasa ang kanyang report. Kahit kabisado nya ito ay tila ba nanlalabo ang kanyang mga mata. "relax Gabbie" bulong ng isip nya. Hindi ito ang unang pagkakataon na mag re- report

