Masayang pumasok si Gabbie dahil sa pag- asang makaka- alis na sya sa Kompanyang pag- aari ng dating kasintahan. Ayaw na nyang magkaroon ng anumang kaugnayan dito, kaya kahit ang minamahal nyang trabaho ang nakasalalay ay handa syang iwanan para lang matahimik ang kanyang buhay. Isipin pa lang niya na kailangan niyang humarap at mag-report kay Ace araw-araw ay parang gusto nang sumabog ng kaniyang utak. Parang may bagyong laging nakaamba na handang magpakawala ng kidkat anumang oras. Sa libu-libong kumpanya ba naman sa Pilipinas, bakit sa kumpanya pa ng kaniyang 'past' siya napapunta? Agad syang naupo sa kanyang desk at binuksan ang kanyang computer. Kahit na kinakabahan ay tuloy pa rin sya sa pag pindot ng print button. Nang makita nya sa computer na tapos na ang printing ay lubos ang pa

