"ikaw ang dahilan kung bakit naging hands- on ako sa Kompanya sa pag- asang makakasama kita, kahit na malapit ka lang pero parang ang layo mo sa'kin. bulong ng isip ni Ace habang nakatanaw sa dalagang papaalis ng silid hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Nang matapos ang araw na iyon ay nagtungo si Ace sa isang bar para uminon ng kaunti. Nakakapagod ang araw na lumipas. Mas nakakapagod pala ng katawan kung pati ang isipan mo ay pagod sa trabaho. Malaking responsibilidad ang maging isang CEO kaya nag desisyon syang mag lie low muna sa limelight. Pwede naman bumalik doon anumang oras at araw nya gustuhin. Dahan- dahan syang naupo sa bar counter. Nang makita sya ng bar tender ay agad nitong inihanda ang laging iniinom nya. Lagi syang pumupunta sa bar na ito kaya naman

