"Gabbie sigurado ka ba sa desisyon mo?" nag- aalalang tanong ng kanyang Inang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang pinagmamasdan syang mag- empake ng kanyang mga damit "Nay buo na po ang desisyon ko" sagot nya sabay hawak sa kamay ng kanyang ina. "kung yan ang makaka-pagpasaya saiyo, susuportahan kita" wika ng kanyang ina sabay yakap sa anak. "basta Nay lagi kang mag- iingat ha?, lagi naman akong tatawag kaya 'wag ka nang malungkot" saad ni Gabbie na may kasamang tipid na ngiti "mami- miss ko ang mga luto mo, yung ingay at kalat mo sa kusina" natatawang sabi ng kanyang ina na halatang pinipigilang pumatak ang mga luha. "hindi na kita ihahatid sa airport dahil baka bumaha don sa kakaiyak ko" biro ng kanyang ina. napatawa naman si Gabbie at Nicholo sa sinabi nito "Nay talaga" nata

