Matapos ang mahabang byahe sa eroplano ay binabagtas na ni Gabbie at Nicholo ang daan patungo sa hotel na pag- mamay- ari ng pamilya ng huli. "wow! ang ganda naman ng mga gusali at ang tatatas" parang batang wika ni Gabbie "ganyan na ganyan ang reaksyon ko nung unang tapak ko dito" natatawang tugon ni Nicholo. "eh di tayo ang foreigner dito?" natatawang biro ni Gabbie sa kaibigan "ikaw talaga oo, pero natutuwa akong makita na masaya ka" tugon nito sa kaibigan na may ngiti sa labi. lumitaw tuloy ang pantay pantay at mapuputing ngipin nito. 'hindi ako makapaniwalang andito na tayo sa City of Gold" nakangiting saad ni Gabbie habang patuloy na pinagmamasdan ang mga gusali sa kanilang dinaraanan na tila manghang mangha sa nakikita. "mag pahinga ka muna dahil mahigit syam na oras tayong

