Ilang buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon at hindi na rin naman nagparamdam ang stalker kaya kampante si Gabbie na hindi na ito manggugulo pa, inalis na rin nya sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Hindi na rin sinabi ng dalaga sa kanyang kasintahan ang nangyari para hindi na ito mag- aalala.
"babe" tawag ni Ace sa dalaga sabay kaway ng isa nyang kamay para makita sya nito. Inaya nya ang dalaga na kumain sa isang restaurant para mai- celebrate ang matagumpay na concert at bumawi sa mga pagkukulang nito. Ilang bwan na rin kase syang nasa ibang bansa kaya naman hindi na sya masyadong nagkakaroon ng oras sa kasintahan kaya pagkauwing pagkauwi nya ay agad nya itong inaya para makabawi.
"let's eat. I ordered your favorite dish" malumanay na sabi ni Ace. Napangiti naman ang dalaga sa sinabi nito.
"alam na alam mo na talaga kung anong gusto ko ha? nakangiting tugon ng dalaga.
"syempre naman. I know everything about you, even the smallest things, because small things matter right babe?" sambit ng binata na puno ng pagmamahal habang hawak nito ang isang kamay ng kasintahan at ginawaran ito ng halik. Matapos mag celebrate ay umuwi sila sa bahay ni Gabbie dahil sa unit na inuupahan nya ito magpapalipas ng gabi.
"oh may bisita ka pala babe" sarkastikong sabi ni Ace. hindi nila inaasahan na madadatnan nila si Nicholo sa bahay ng dalaga.
"Nick, what are you doing here? It's kinda late" takang tanong ni Gabbie sa binata.
"I just want to check on you, that's all" sagot ng binata.
"pano ka nakapasok?" takang tanong ni Ace na halatang naiinis.
"I have a dulpicate key" simpleng sagot ni Nicholo pero may diin habang hawak ang susi at bahagyang ikinakaway kaway pa na tila nang- aasar.
"oh wow!! Amazing! Ako yung boyfriend pero ikaw ang may duplicate?" galit na sambit ni Ace.
"I decided na magpa duplicate a long time ago dahil muntik ng mapahamak si Gabbie, syempre hindi mo yun alam dahil bago pa lang naman kayo hindi ba? Did Gabbie mentioned to you na muntik na syang ma- rape sa sarili nayng pamamahay?" matigas na tugon ng binata.
Bigla namang bumalik sa alaala ni Ace ang tungkol dito dahil nabanggit ito sa kanya ng kinuha nyang imbestigador noon. Subalit nakakulong na ang stalker na iyon kaya hindi na sya masyadong nabahala. Hindi naman nya akalain na mas dapat pala syang mabahala sa kababata kaysa sa stalker.
"pwede ba, huminahon nga kayong dalawa" awat ng dalaga dahil mukhang nagkaka- initan na ang mga ito.
"pwede ka ng umalis" pagtataboy ni Ace kay Nicholo.
"masyado ka namang excited, ingatan mo yang kaibigan ko dahil kung hindi manghihiram ka ng mukha sa aso!"pagbabanta ni Nicholo na may pang- aasar. Agad naman itong bumaling kay Gabbie at ginawaran ito ng halik sa pisngi at nag paalam ng umalis.
Hindi nya maintindihan si Gabbie kung bakit nahulog agad ito sa isang total stranger samantalang sya ang laging nasa tabi nya. Kahit nga hindi tawagin ay talagang nagkakataon na dumadating sya pag may kaylangan ang dalaga. "manhid yata talaga 'tong kaibigan ko" sambit ni Nicholo sa isip nya at tuluyan ng pinaandar ang kotse.
"babe can you explain it" taas kilay na sabi ni Ace na halatang nag seselos.
"are you jealous?" tudyong tanong naman ng dalaga at panaka nakang napapangiti
"may dapat bang ipagselos?" balik na tanong nya sa dalaga
"anu ka ba kababata ko lang 'yon at hanggang dun lang yon Okay?" paniniguradong tugon naman ng dalaga.
"pero babe hindi ako komportable sa kanya, ayokong may nalapit sayong iba at isa pa may duplicate key sya. I'm bothered" sabi ni Ace na may pag-aalala na baka maagaw nito ang kanyang kasintahan.
" 'wag kang mag- alala para na kaming magkapatid ni Nick at Louise kaya ganyan sya sa'kin" sabi ni Gabbie habang hawak ng kanyang dalawang kamay ang mukha ni Ace.
"babe alam kong may gusto sa'yo yang kaibigan mo, lalaki rin ako kaya I can sense it" sabi ni Ace sabay hawak sa kamay ng dalaga na nasa mukha nya. Nakatingin ng deretso sa mata nito, bahagyang ngisi sa mga labi and slightly raised eyebrow.
"kahit may gusto sya sakin wala akong gusto sa kanya okay? kapatid lang ang tingin ko sa kanya kaya pwede ba magpahinga na tayo dahil maaga pa tayo bukas" buntong hiningang pagpuputol ni Gabbie sa usapan nila at ginawaran nya ito ng halik sa labi. Mabilis ngunit mainit. Ayaw na nyang pag- usapan pa ito dahil baka mauwi lang sa pagtatalo. Isa pa pagod sila pareho kaya iniiwasan nyang makapagsabi ng hindi maganda.
"kulang yan" tudyong tugon naman ni Ace na ang tinutukoy ay ang halik na ginawa sa kanya ni Gabbie.
Kinabukasan ay agad na tumawag si Ace sa kanyang imbestigador upang humingi ng update sa nasabing stalker ni Gabbie dahil hindi sya mapakali. There's something inside him na nagtutulak sa kanyang paimbestigahan ulit ito dahil ayaw nyang may masamang mangyari sa kasintahan. He'll do anything just to protect the girl she really loves.
"I want you to investigate again about Gabbie'stalker and call me right away when you find something" utos nito sa imbestigador sabay baba ng cellphone.
Makalipas lang ang ilang oras ay agad na nag ring ang cellphone ng binata. Dali dali nya itong sinagot ng makitang ang imbestigador ang tumatawag. Hindi pa man sya nakakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.
"Boss, Nakatakas sya, 2 months ago" mariing sabi ng imbestigador
"F*ck" galit na sabi ni Ace sabay hampas ng dalawang kamay sa table nya. Abalang nag- iisip kung paano nya mapo-protektahan ang kasintahan lalo pa ngayong madalas syang umaalis ng bansa. Kung magha- hire naman sya ng bodyguard para kay Gabbie ay siguradong hindi ito papayag dahil ayaw nito ng may nasunod sa kanya.