"Veronica anong ginagawa mo dito?" iritableng tanong ni Ace. "hindi ka nasagot sa tawag ko e. nung Fan Signing hindi mo man lang ako pinansin" tugon nito habang naka nguso na tila nagpapa cute sa binata. "what do you want? hindi ka na dapat pumumpunta pa rito" mariing sabi ni Ace habang nasa baywang ang isang kamay at ang isa naman ay nakaturo sa pintuan na nagsasabing makakaalis na sya. "ikaw naman oh, na- miss kita. hindi mo ba ako na miss?" may pang-aakit na tanong nito habang nakasubo ang hintuturong daliri sa kanyang bibig at ipinulupot pa ang isang braso sa baywang ng binata. "pwede ba Veronica tigil- tigilan mo nga ako!"galit at iritable pa rin na sabi ni Ace sabay tulak dito. "ito naman hindi mabiro. Meron ka na nga palang girlfriend kaya hindi mo na ako pinapansin. samantalan

