Nang ibigay sa kaniya ang gitara, malalaki ang ginawang hakbang ni Ace palabas ng music store. Tumigil siya sa gitna ng mataong mall at nagpalinga-linga sa pag-asang naroon pa sa paligid si Gabbie. Hindi pa nasiyahan, tinahak niya ang escalator patungo sa ikalawa at ikatlong palapag. Bawat mukhang nadadaanan ay kaniyang sinusuri, subalit bigo siyang mahanap ito. Nilakad na niya ang escalator para mabilis na makababa at lakad takbong nagtungo siya sa labas ng mall. Katulad kanina ay muli siyang nagpalinga- linga sa paligid hanggang sa inagaw ng kaniyang atensyon ang pamilyar na tindig ng isang babaeng nakatalikod malapit sa kalsada. "Gabbie?" sigaw niya kasabay ang pagdating ng isang sasakyan. Nang magbukas ito ay rumehistro sa kaniyang paningin si Nicholo. Kitang kita niya ang magandang

