Umarkila sila Gabbie ng tig- isang bisekleta sa Al Qudra Cycle Track. Na miss niya ito. Ang tagal na rin mula nung huli siyang mag bike. "Wait lang" saad ni Gabbie sa sarili nang subukang manimbang sa sinasakyan. Hindi nagtagal ay nakuha na rin niya ito. "Nakakapanibago pala, 'no, kapag matagal kang hindi nag-bike?" wika ni Gabbie sa kaibigan. "Ikaw lang iyon," natatawang sagot ni Nicholo. "Yabang, ha?" nakangusong pakli ni Gabbie. Binilisan ni Gabbie ang pagpapatakbo sa kaniyang bisekleta. Habang dumarampi ang hangin ng Dubai sa kaniyang balat, tila dinala siya nito pabalik sa panahong ni hindi niya magawang ituwid ang manibela... "Sumakay ka na!" pilit ni Nicholo habang ang isang kamay ay nasa manibela at ang isa naman ay nasa upuan ng bisikleta. "Ayoko nga! Natatakot ako!" pagm

