Inilagay nila ang kani-kanilang bisikleta sa tabi. Naupo sina Gabbie at Nicholo sa gilid ng semento, hinahayaan ang kanilang mga paa na bumaon sa banayad at mainit-init pang buhangin. Matama nilang pinagmasdan ang papalubog na bolang apoy na unti-unting nilalamon ng abot-tanaw. "Ang ganda ng meaning ng sunset, 'no? Kahit gaano kaganda, natatapos din" saad ni Gabbie, ang kaniyang tinig ay tila sumasabay sa dahan-dahang pagpulas ng liwanag. "Nagiging emo ka na naman" biro ni Nicholo, bagaman may halong pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Hindi naman. Ang ganda lang niyang pagmasdan, 'di ba? Parang sa tingin mo pa lang sa kaniya, paunti- unting naiibsan 'yung lungkot mo" mahabang wika ni Gabbie habang nakatitig sa nag-aagaw-dilim na langit. "Alam mo ba kung bakit mas makulay ang sunset

