Ngayon ang kaarawan ni Gabbie kaya hindi muna siya pumasok sa trabaho. Dinadama niya ang malambot na kama at ang lamig ng aircon sa kaniyang silid. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kaniyang kama at binuksan iyon. "Hala, ang daming message ni Nanay" wika niya at agad na itinipa ang numero nito. Hindi pa nagtatagal ang pagtunog nito na nagkokonekta sa kanila ay agad niyang narinig ang boses ng kaniyang ina. "Maligayang kaarawan anak. Akala ko hindi kita makakausap e. Hindi ka nasagot sa tawag ko" malungkot na pahayag ng kaniyang ina. "Puwede ba naman iyon Nay? Kagidgising ko lang e. Nagpaalam ako kay Nick na hindi muna ako papasok" sagot niya. "Miss na kita anak. Kailan ba kita mayayakap ulit?, Hindi mo pa ba siya kayang harapin?" magkasunod na tanong ng Ina

