Nasa tapat na si Ace ng elevator at nakahanda nang pumindot pababa nang bumukas ang pinto sa kabilang dulo— Ang kinaroroonan nila Gabbie. "Gab, I’m sorry. I have an emergency meeting. Bawi ako sa’yo mamaya" tarantang saad ni Nicholo. Hindi na nito hinintay ang sagot ng dalaga at mabilis ngunit mahigpit itong niyakap. "Ingat ka. Thank you so much, Nick" nakangiting sagot ni Gabbie. Agad siyang humakbang palabas kasama ang banda na kaniyang inarkila. Mabilis namang umurong si Ace sa gilid, sumandig sa pader upang hindi siya makita ni Nicholo na nagmamadaling lumabas at dire-diretsong naglakad patungo sa kaniyang direksyon para sumakay sa elevator. "Nick" tawag ni Gabbie habang tumatakbo papalapit kay Nicholo. "Maraming salamat ulit ha? Di mo pinaramdam na mag- isa ako...You made my day

