Nanginig ang mga kamay ni Gabbie at halos hindi na niya mabasa ang buong liham ni Ace dahil sa panlalabo ng kaniyang paningin. Ang maiinit na likido ay sunod-sunod na pumatak sa papel, tila binubura ang bawat salitang isinulat ng binata. Totoo ang sinabi nito—naging duwag siyang ipaglaban ang kanilang pagmamahal dahil mas pinili niyang magpakalunod sa sakit. Hindi niya pinakinggan ang anumang paliwanag. Tama nga ang kaniyang ina, laging nasa huli ang pagsisisi. Napagtanto niya na kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kung isa lang ang lumalaban, mauuwi lang sa wala ang lahat ng sakripisyo.. "Pinanindigan ko lang naman na non-negotiable ang cheating" depensa niya sa sarili. Pero mabilis ang naging sagot ng kaniyang budhi: "Nag-cheat nga ba talaga siya? O baka pinili mo lang paniwalaan

