Chapter 4

3267 Words
Chapter 4 ETHAN GRIMOIRE POV'S Nagising ako at tumambad saakin si grandpa Benjamin. Napansin ko rin na bago ang suot kong damit, pinakiramdaman ko ang aking sarili, inaalala ko kung anong nangyari saakin. Naalala kong nahilo ako at bumagsak sa putikan, hindi ko na maalala ang sumunod pang pang-yayari dahil nanlabo na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. "Apo, may sumasakit ba sayo?", bungad na tanong saakin ni Lolo Benjamin. Umiling lang ako, inabutan niya ako ng tubig at gamot. "Tinulungan ka ni Lily na maka-uwi kwento niya saakin ay nahihilo ka daw at nawalan ng malay", saad nito. Hindi ko na siya nagawang titigan at pandirian dahil medyo kumikirot pa ang ulo ko. Sinabihan ako ni Lolo Benjamin na wag na raw munang pumasok, tinignan ko ang orasan at nalaman na 9 o'clock na ng umaga. Tumingin ako sa bintana at kita ko ang maaliwalas na liwanag ng araw, inabot nito saakin ang isang paper bag at napag alaman kong ito ang librong binili namin sa bookstore kasama si Lily. "Tawagin mo nalang ako apo kung may kailangan ka pa", saad nito bago iwan ang plato ng pag kain sa lamesa ko at umalis na rin siya. Ng mapansin kong hindi na masyadong kumikirot ang ulo ko ay inabot ko ang isang nobela. Meron akong paboritong writer na nais kong makilala, walang nakalagay na identity sa kanyang mga likhang libro at isa sa mga paborito ko ay ang gawa niyang libro na ang titolo ay Noctiphany of Mundivagant. Natapos ko na ang libro at talagang bitin na bitin ako, nais kong malaman ang sumunod na istorya. Wala pang napupublished na second book nito kayat ako'y nanghihinayang talaga. Walong chapter pa lang ang nababasa ko at napansin ko orasan at napansin na 11 o'clock na ng umaga. Napag desisyonan kong pumasok sa hapon kahit na absent ako sa umaga. Ayokong maraming mabaktawan na subject sa school at gusto ko ding tanungin si Lily kung ano ang sumunod na nangyari noong ako'y nahimatay. Bumangon ako at napansin ako ni Lolo Benjamin. Tinanong niya ako kung kaya ko raw bang pumasok at tumango lang ako. Wala ako sa mood na pandirihan ang lolo ko dahil medyo wala pa akong gana. Bumaba na ako ng hagdan at nag tungo na sa banyo at naglinis ng katawan. Medyo gininaw ako pero ayos lang naman at sakto lang ang lamig, nag toothbrush at nag suot na rin ako ng yuniporme. Inanyayahan ako ni Benjamin na kumain muli, kahit na kaunti ngunit tumanggi ako at lumagok lang ng tubig. Bago ko makalimutan ay inilagay ko na rin ang payong na nakita ko noong isang araw upang ibalik sa tunay na nag mamay-ari nito. Walang pumapasok na tauhan sa aking isip ko kung sino ang nag pasya na mag pahiram saakin ng payong, wala naman akong kinakausap na iba maliban kay Lily sa eskwelahan. Pag bukas ko ng pinto tungong papuntang paaralan ay bumungad ang malakas na hangin na kahit maaliwalas ang araw ay medyo maginaw. Sinuot ko na ang bag ko at sinimulan na ang pag lalakad. Marami akong nadaanan na mga aso at mga puno. Naka amoy rin ako ng masangsang na amoy at marami ding kotse ang nag uunahan sa kalsada. Ilang sandali pa ng pag lalakad ay narating ko na rin ang gate ng paaralan. Malakas ang pakiramdam ko na mayroong hindi magandang mangyayari. Tinignan ng guard ang I.D. ko bago ako papasukin, sinimulan ko na ang pag lalakad at ang bumungad saakin ang mga estudyante na nag mamadali upang tumungo sa kantina. Nag lakad lang ako sa hallway habang naka baba ang ulo, maraming estudyante ang nag lalakad, ayokong makita nila ang aking pag mumukha at tila kusang katawan ko na ang nag papasiyang itago ko ang sarili sa madla. Habang naka baba ang aking ulo ay pinag masdan ko ang kilos ng aking mga paa. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa room ko sa bandang 3rd floor. Walang tao sa loob, dumiretsyo na ako tungo sa pinaka dulong upuan dala-dala ang aking bag. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay binuksan ko na ang bintana dahil walang nag balak mag bukas nito. Tinignan ko muna ang maaliwalas na labas bago bumalik sa pag kakaupo. Tumingin muna ako sa paligid bago ko inilabas ang isang nobela na kasalukuyan kong binabasa. Wala pang bumabalik kayat ramdam na ramdam ko ang pag babasa. Sa kalagitnaan ng pag babasa ko'y bigla akong may naramdamang presensya, dahilan upang tumingin ako sa harap ngunit walang ni isang anino akong nakikitang pumapasok sa pinto. Bumalik na muli ako sa pag babasa ngunit hindi ko inakala ang mangyayari. May tao sa likod ko, hindi ko siya napansin at naramdaman ko nalang na basa na ang aking damit pati ang librong aking binabasa. Lobong may lamang tubig ang binato niya saakin. Hindi ako lumingon pero alam kong lalake ito. Nag lakad na siya paikot tungo sa harap ko at nag pakilala siya ay si Marco Agnor at ibalik ko raw ang payong. Siya pala ang may ari ng payong, binuksan ko ang bag ko at pag kabigay ko sa kanya ay gamit ito'y hinampas niya ako. Inulit niya pa ito, kaunti akong nasaktan sa ginawa niya. "Wala kang kwentang tao, kahit sarili mo hindi mo magawang maipagtanggol kaya siguro nag pakamatay ang mga magulang mo, hahaha", nagulat at nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Sigurado akong walang nakaka-alam na nag patiwakal ang magulang ko maliban kay Lily at Lolo. Mula sa pag kakayuko ng aking ulo ay tinaas ko ito. Walang emosyong tinitigan ko siya, nakita ko na natuwa siya ng bigyan ko siya ng pansin. "Paano mo nalaman ang tungkol sa magulang ko?", malumanay kong tanong. Napangisi naman ito at kaunting napatawa. "Sadyang alam ko lang", saad nito. Niyuko niya ang kanyang bewang upang pumantay sa ulo ko. "Bakit hindi ka pa nag pakamatay para naka sama ka na sa kanila", bulong niya habang nakangiti. Ang kanyang boses ay magaling mag manipula ngunit marami akong nabasang libro ukol sa pag iwas dito. "Hindi ko gagawin ang sinasabi mo", saad ko habang nakatingin sa pagitan ng kanyang dalawang mata. Pag karaan kong sabihin ang katagang iyon ay nag lakad na siya papalayo sakin upang lumabas ng silid habang naka pasok ang kamay sa bulsa. Hindi ko ininda na basa ang aking damit at nanatiling naka upo sa silya, mabuti nalang at kulay itim ang aming yuniporme dahilan upang hindi maging halata na basa ang aking suot ngunit ang buhok ko'y basang basa. Pinasok ko na muli ang libro sa aking bag kahit na basa ito. Pansin ko ang pag dami ng pumapasok sa kwaderno marahil ay tapos na ang lunchtime. Maya-maya pa ay dumating na ang gurong naka tala upang mag turo, dahil sa aking kuryosidad sa naka usap kong lalake kanina at ang pag kakatanda ko'y pangalan nito ay Marco Agnor. Nilibot ko ang mata sa paligid at napag tanto na nakaupo siya sa unahan. Pansin ko rin si Lily na naka ayos ng upo at parang may sinusulat nanaman. Sa katunayan ay hindi ko alam ang sinusulat ni Lily at ayaw niyang sabihin saakin, sabi niya ay diary niya raw ito ngunit hindi ako naniniwala dahil oras oras ay napapansin kong wala siyang tigil sa pag sulat ng kung ano-ano. Napagtanto ko na marahil ay may pinag aaralan siyang libro o di naman kaya ay nag susulat siya dahil sa sariling interes. Natapos na ang naunang pumasok na guro para sa hapon. Sumunod naman ang bago at ang ginawa lang nito ay mag pasulat ng mahabang-mahaba, hindi siya nag paliwanag at hinambala lang niya ang mga mahahabang sulatin. Lampas isang oras ang lumipas ay natapos na ang oras niya, hindi ko nakopya lahat ang naka lagay sa pisara dahil sa dami ng susulatin. Pansin ko rin si Marco na hindi siya nag susulat at naka yuko lang. Wala namang paki-alam ang guro kahit mag sulat kami o hindi. Napansin ko na tila tumahimik ang silid ng pumasok na muli ang gurong nag papukaw ng interes ko. Ang gurong nag paliwanag ng kanyang hinaing sa usapin na kung ano ang nauna ang katawan ba o kaluluwa. Kagaya parin ng dati ay maitim ang eyebags niya at naninilaw parin ang mga ngipin, halatang hindi siya naligo. Ngunit nag pasulat lang siya at hindi niya binuka ang kanyang bibig upang mag salita ng kung ano, nag sulat lang kami buong mag hapon hanggat matapos ang klase. Tumunog na ang bell pahiwatig na tapos na ang klase, hinintay ko munang makaalis ang lahat bago ako tumayo. Di ko napansin na nasa gilid ko na pala si Lily upang ayain na sabay kaming lumabas. Ginayak ko ang aking gamit at ngayon na tapos na ang klase'y kasabay ng pag tiyo ng aking damit. Hinanap ng aking mata ang silya ni Marco upang tanungin siya kung paano niya nalaman ang trahedyang nangyari saakin noong ako'y bata pa lamang ngunit wala na siya sa silid at nakalabas na. Nag simula na kaming mag lakad ni Lily. "Ethan meron kabang balak sabihin sakin?", tanong niya habang nag lalakad kami sa hallway. Napakunot naman ang aking noo, hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. "Salamat nga pala sa pag tulong mo sakin upang maka-uwi noong nahilo ako", sagot ko sa tanong niya. Kita ko naman ang dissatisfaction sa mukha niya na tila hindi yun ang ibig niyang marinig ngunit hindi na siya nag salita pa. Tinanong ko siya kung ano ang sumunod na nangyari habang ako'y walang malay ngunit wala naman raw kakaibang nangyari noong nahimatay ako. Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad ay tinanong ko siya tungkol sa aming kaklase na si Marco Agnor ngunit tinitigan niya ako na parang may pag babanta. Nag lalakad lang kami sa hallway habang kinukwento niya saakin ang alam niya at nababalitaan niya ukol kay Marco. Habang kami ay nag lalakad, kwinento niya saakin na si Marco Agnor ay isang basagulero at marami na daw itong na bugbog at ilan sa kanila ay nahospital at hindi biro ang kalagayan. Binalaan ako ni Lily na iwasan ang lalaking iyun dahil isang beses sa dati nitong school ay meron itong binugbog na teacher dahil binato lang siya ng chalk. Buong eskwelahan ay umiiwas sa kanya dahil sa bayolente ito at may bali-balita na naka patay pa nga raw ito at pinag takpan lang ng kanyang ama ang ginawa. Naka labas kami ng paaralan at nag paalam si Lily na may kailangan daw siyang asikasuhin, kumaway muna siya bago tumakbo sa kung saan. Susunod na rin sana ako upang umuwi ngunit may bigla akong narinig na sumisigaw sa kung saan. Dumiretsyo ako sa alingangaw na aking narinig at ng papaliko na ako ng daan ay napatigil ako. Humakbang ako pabalikwas, sigurado akong hindi niya napansin na ako'y nasa kabilang pader at sinusuksok ang sarili habang pinag mamasdan ang ginagawa niya. Nakita ko ang pitong senior students na lalaki at parang talong ang kulay nila dahil sa bugbog, naka talikod ang lalaking bumibitaw ng kamao dahilan upang hindi ko malaman kung sino siya. Maraming mansya ng dugo ang damit niya sa likod, hindi ko maisip kung paano niya nagawang pabagsakin ang pitong senior students na nag iisa. Tinadyakan niya ang mga ito habang naka salanta sa sahig. Balak ko ng umalis ngunit dahil sa aking pag mamadali ay nakagawa ako ng ingay mula sa aking mga yabag. Napatigil ako ng naramdaman ko na siyang nasa likod ko, napatigil ako sa aking pag lalakad at pinakiramdaman ang mga sumunod na maaaring mangyari. Ngunit nilampasan niya lang ako ng lakad, hindi ako natatakot mabugbog ayoko lang talaga ng gulo. Bahagya niya akong tinitigan, hindi ko alam ang maling ginawa ko, binalikan niya ako upang suntukin. Natumba ako sa sahig, kita ko ang kanyang mukha na may kaunting masya ng dugong nakadikit. "Subukan mo uling tignan ako sa mata, sinisigurado ko sayong mamatay ka", matigas ang kanyang boses ngunit may nararamdaman akong takot sa pag sasalita niya. Tinalikuran niya ako at napahawak nalang ako sa aking pisngi, medyo masakit ngunit hindi malala. Ilang metro ang pagitan namin, nag salita ako upang tuntunin niya muli ang direksyon ko. "Wala akong interes sayo", malumanay kong saad habang blanko ang mukha ay hinarap ko siya. Sigurado akong narinig niya ang sinambit ko. Napatigil siya sa pag lalakad at muli itong humakbang hanggat nakarating saakin, binigyan niya ako ng kanyang kamao sa kabilang pisngi naman. Ngunit hindi kagaya kanina ay mahina ito at medyo hindi ako nasaktan, hindi ako tumumba at nanatiling nakatayo. "Salamat", malumanay na sambit nito at pag kasaad niya'y sinimulan na siyang mag lakad hanggat maiwan ako sa sulok habang iniisip kung bakit siya nag pasalamat. Kinapa ko ang pisngi ko, hindi naman pumasa masyado. Sinimulan ko na muli ang aking pag lalakad hanggat naka-uwi na ako. Bumungad saakin si grandpa Benjamin at kahit namatanda na siya at isang gurang na ay malinaw parin ang mata nito sapat upang makita ang galos ng aking pisngi. Tinanong niya ako ng malumanay kung saan ko raw ba nakuha ang galos na iyon, nag palusot nalang ako at alam ko namang bobo siya at madaling maniwala sa kahit anong sabihin ng bibig ko, sinabi ko nalang na natipalok ako at sumayad ang mukha ko sa sahig. "Ah ganun ba, halika't gagamutin ko ang galos mo", saad niya sabay akma na may kukunin ngunit sinabi ko na wag na at di ko na kailangan. Nakaka inis talaga ang kulubuting matandang ito, napaka pake alamero. Umakyat na ako sa hagdan at pumasok na rin sa kwarto ko pag karaan kong mag bihis ay tinawag ako ng aso. Agad naman akong tumugon kung ano ang kailangan niya, inutusan niya akong mag tungo sa grocery store upang bumili ng aming pangangailangan. "Hindi ba pwedeng ikaw na ang gumawa niyan!", tanong ko sa kanya habang naiinis. "Pasensya kana apo, meron kasing pag pupulong sa bayan natin ngayon at isa ako sa namamahala roon, pangako ngayon lang kita uutusan paki-usap naman", pag mamakaawa niya saakin. Kita ko ang pag mamakaawa ng kanyang mukha habang namumutawi ang pag babaka sakali na pumayag ako. Wala na raw kasing stock sa ref at kung wala lang daw itong pupuntahan ay siya na raw sana ang pupunta ngunit meron. Napabuga nalang ako ng hangin habang pilit na pinapakalma ang sarili. Wala talagang kwenta itong bwisit na aso ko, bibili lang sa grocery ay hindi pa magawa, nagawa pa niyang utusan ako. Binigay niya ang listahan ng aking ipamimili, nagulat ako sa dami ng nakasulat dito. Binigay niya saakin ang wallet at sinabing may sobrang salapi rito nakalaan para saakin. Sa isip-isip ko'y hindi magiging madali ang aking pamimili. Unang beses kong bibili sa grocery store, napaka walang kwenta ng matanda ito. Nag bigay siya sakin ng maraming bilin at nauna na itong umalis. Kumuha muna ako ng sumbrero at sinimulan ko ng mag lakad. Papara sana ako ng sasakyan ngunit walang dumadaan, kayat napag desisyonan ko ng maglakad. Sa katunayan ay malayo ang store dito saamin at mas malapit ang book shop. May biglang pumarang sasakyan sa harap ko, lumabas sa sasakyan si Lily at tinanong kung saan raw ba ako pupunta. Tila nagulat pa ito sa sinabi ko na pupunta akong Grocery store. Saad nito na tamang tama at malapit din daw doon ang pupuntahan niya. Balak ko sanang tumanggi ngunit hinila niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Napansin ko lang na parang bago ang driver niya, napatingin lang ako kay Lily at siya na mismo ang nag sabi na nag resigned daw ang dati niyang driver, hindi daw niya alam ang dahilan pero sabi niya'y wala na raw ang dati niyang driver dito sa aming lugar. Lumapas ang minuto at nakarating na ako sakay ng sasakyan ni Lily sa pinaka malapit na store. Bago ako lumabas ay tinanong ko muna ang lugar na binabalak niyang puntahan at yun daw ay sa Cermo company, pamilyar saakin ang sinabi niya at pakiramdam ko'y narinig ko na ito sa kung saan. Ng makarating na kami sa aking destinasyon ay kumaway muna siya bago umalisnna tila nag papaalam na. Ilang sandali pa'y naka alis na rin ang sasakyan. Sinimulan ko ng maglakad, ginamitan muna ako ng metal detector ng mga guard bago nila ako pinapasok. Sa aking pag pasok ay kinuha ko ang wheel cart sa isang gilid at sinimulan ko ng basahin ang mga naka tala sa listahan. Palakad-lakad ako hanggat mapuno ang wheel cart na hila-hila ng aking isang kamay habang sa kabilang kamay ay ang listahan. Agad akong nagtungo sa counter ng matapos at kaagad na nag bayad. Mabuti nalang at kaunti lang ang tao na namimili kayat naka bayad kaagad ako. Kahit na may aircon dito ay namumuo ang pawis ko sa noo, sa dami ng binili ko'y sobrang na drain ang lakas ko. Pag bayad ko sa cashier ay muli ko namang binuhat ang aking mga pinamili. Hindi ko alam kung anong oras na at ng pag labas ko sa store ay madilim na, masyado siguro akong matagal sa pamimili. Hindi ko inaasahan na makita ko ang kotseng sinakyan ko kanina, tinawag ako ni Lily at inanyayahang pumasok dala ang aking mga pinamili. "Hinintay mo ba ako Lily?, bakit nag aabala kapa?", takang tanong ko sa kanya. Sumagot naman ito at sinabing hindi daw siya nag hintay at napadaan lang. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Mam. Lily", singit ni manong driver. Wala namang nagawa si Lily kundi manahimik dahil binuking na siya ng kanyang driver. Napangisi na lang ito at parang nahihiya pa. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, kung ako sa kanya ay hindi na akong mag aabala at uuwi na agad. Sa aming biyahe ay tinanong ko sa kanya ang tungkol sa Cermo company ngunit imbis na sumagot ay iniba niya ang usapan. "Ethan, hindi ako maka paniwala na ikaw mismo ang bumili ng groceries niyo", siniko-siko pa niya ako. Kwento ko sa kanya na hindi ko ginusto ang mamili at talagang walang mapag pipilian si Grandpa Benjamin kundi ang utusan ako, tumango lang siya bilang tugon. Sa aming pag uusap ay hindi ko napansin na nakarating na ako sa paroroonan ko. Nag paalam lang si Lily at di kalaunan ay umuwi narin sila. Binuksan ko muna ang pinto bago ko binitbit ang lahat ng aking pinamili. Patay ang mga ilaw, sinindihan ko ito at wala akong naramdaman na nandito si Grandpa. Hindi ko rin natanong kung kelan siya uuwi, kahit na hindi siya umuwi pakealam ko ba sa kanya. Ipinatong ko lang sa lamesa ang supot-supot na pinamili ko, siya na ang bahalang mag ayos nito pag uwi niya. Nag hugas ako ng kamay bago tumungo sa aking kwarto. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay humilata ako sa aking kama habang naka buka ang aking mga palad, naka tutok lang ang aking mata sa kisame habang pinakikinggan ang tunog ng wall clock. "Tic-toc tic-toc.", tunog nito. Nakaka bingi ang katahimikan ng paligid, wala akong naririnig na ingay, hindi pa rin umuuwi ang grandpa ko. Sa kalagitnaan ng aking pag mimidhi ay inabot ng aking kamay ang isang nobela sa kung saan. Pinapatiyo ko muna ang librong nabasa kanina dahil kay Marco kayat binuksan ko ang bagong bagong libro na nabili ko kasama ni Lily. Nag basa lang ako ng nagbasa habang pinakikinggan ang tunog ng orasan. Hindi ako sanay na tahimik, bakit pakiramdam ko'y nalulungkot ako pag ngayong wala si Grandpa. Napatawa na lang ako, hindi kaya! palagi ko kayang hinihiling na mamatay na siya pero bakit ngayon ay iba, nakakadama ako ng pag iisa dahil sa kadahilanang wala siya rito sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD