Chapter 3

3240 Words
Chapter 3 Kaunti lang ang tao sa paligid dahil kakatapos lang bumuhos ng ulan habang si Lily naman ay nasa likod ko. Malakas ang ulan kanina kayat ,edyo maputik sa daan. May nadaanan akong bumagsak na puno, sobrang lakas ba ng ulan kanina, sapat upang pabagsakin ang puno?. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bookstore at tumambad saakin ang mga bagong labas na nobela. Naka ngiti lang si Lily na tinitignan ako, mabuti nalang at kami lang ang tao rito at walang nakakakita saakin. Mahilig talaga ako sa mga nobela at kahit si Lily ay alam yun, madalas niya akong napapansin na may hawak na libro at minsan book worm ang tawag niya saakin at talagang naooffend ako. Siyam na libro ang napukaw ng interes ko at nakita ko si Lily na tumitingin tingin lang habang tanging ako lang ang namimili. Lumapas sa tatlong minuto ang lumipas sa pag pila namin sa counter at di kalaunan ay nakamit ko narin ang minimithing mga bagong published na nobela. Ngunit meroong bumabagabag sa isipan ko na isa ring naging dahilan upang sumang-ayon ako sa pag punta kasama niya. Gusto kong malaman ang librong balak bilin ni Lily ngunit dahil sa sobrang excited ko ay nawala sa isip ko ang bagay na yun. Tinago na niya ang librong binili bago ko pa matukoy kung ano ang titolo nito. Di ko napansin na nakatingin pala saakin si Lily, naka tingin lang ako sa kanya at hinihintay ang kasunod nitong gagawin. "Pwede ba tayong pumunta sa isang lugar na kalapit lang rito?", nag bago ang mukha niya na parang pinipilit ako. "Saan mo ba balak pumunta?", tanong ko naman na tila ba napupuno ng kuryosidad ang utak, ngayon ay hapon na at maaring sa pag balik namin ay madilim narin. "Basta, sige na kasi pumayag kana't parang di kita bestfriend!", nag pacute pa siya sabay hawi ng buhok. Tila hindi ko nanaman magagawang tumanggi, wala naman akong pag pipiliian kundi ang sumang ayon. Hapon na rin at nag hihintay ang gabi, maaaring may mangyari sa kanya na hindi inaasahan kayat sasamahan ko na siya kahit saan pa ito pumunta. "Okay sasamahan na kita pero bilisan lang natin upang makabalik na kaagad tayo",saad ko. Napangiti naman ito na parang success ang pag pilit saakin, sigurado naman akong pupunta lang siyang resto para kumain at sinama ako para gawin niyang wallet. "Anong libro ang binili mo Lily, pwede mo bang ipakita saakin?", tanong ko bago sinimulan ang pag lalakad namin tungong kung saan. Hindi siya sumagot sa tanong ko ukol sa librong binili niya dahilan upang mas lalong lumaki ang aking kuryosidad. Di kalaunan ay nakarating kami sa isang resto, nag order siya ng hamburger at fries at tinawag ako upang bayaran ang binili nito, nag order naman ako ng veggie salad at ilang nakaraan pa ay dumating na ang inorder namin. Pansin ko at mabuti nalang ay ilan-ilan lang ang nandito sa resto, kadalasan sa kanila ay matatanda. Bago ako kumain ay nag paalam muna ako kay Lily upang mag tungo sa restroom. Tumango lang siya habang kinakain ang inorder nito. Hindi ako nag tagal at bumalik agad, kinain ko narin ang order ko at nag desisyon narin na umuwi. Nakaramdam ako ng hilo sa aming pag lalakad. tila ba hindi ako sanay na matagal gumala at tangging si Lily lang ang pinag aalala ko. Nag blurred ang paningin ko, tila napansin iyon ni Lily dahilan upang hawakan ang bewang ko upang alalayan. "Ayos ka lang ba Ethan?", tanong nito habang ramdam ko na nag aalala siya saakin. Sinimulan na namin ang pag lalakad at sumunod lang ako sa yapak ni Lily dahil inaalalayan niya ang balikat ko sa pag lalakad. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nahihilo, may pakiramdam ako na dahil ito sa kinain kong salad kanina ngunit masarap naman iyon noong kinain ko at hindi bulok. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili kong katawan. Nahihilo na ako at inaantok na rin masyado, lumalaban ako sa antok at nahihiya akong maging pabigat pa kay Lily. Sumunod pa ang ilang minutong pag lalakad at kahit nag blurred ang mata ko'y pansin ko na malapit ng gumabi. Naramdaman ko na kumaliwa ang daan namin ni Lily, hindi ko naalalang dumaan kami sa kaliwa o talagang nahihilo lang ako. "L-lily?", naramdaman ko na bumagsak ako sa damuhan. Hindi ko makita si Lily at nanlalanbo narin ang mata ko. Hindi rin nakasasabay ang katawan ko at nanlalata na ang mga ito. Gaano ba ako kapagod at ngayon ay hindi ko na makontrol ang katawan ko. Kumapa-kapa ako sa pinagbagsakan ko ngunit puro damo lang ito, ramdam ko rin na medyo nag puputik na ang damit ko. Pakiramdam ko'y kahit anong oras ay mawawalan ako ng malay. Isang banda kung saan ay namutawi ang kaba ko ng makita ko ang binti ni Lily, naka hilata lang ang aking buong katawan na tila ba wala akong muscle. Mula binti ay itinaas ko ang mukha ko upang makita lang ang mukha niya, kahit nanlalabo na ang mata ko pilit ko parin inobserba si Lily. Meroon siyang hawak na stick?, Hotdog?, Ruler?, Kutsilyo?. Hindi ko makitang mabuti ang hawak-hawak niya. LILY HANLON POV'S Hindi mawala-wala ang sayang nararamdaman ko. Ito ang bagay na pinaka hahantay ko, kasalanan din ito ni Ethan dahil manhid siya at wala siyang interes saakin. "A-anong nangyayari, nahihilo ako Lily.. nasaan kaba?", saad nito habang gumagapang-gapang. Sadyang malakas talaga si Ethan at dapat ngayon ay wala na siyang malay dahil sa gamot na nilagay ko sa pag kain niya kanina bago siya pumunta sa C.R. Simula pa noong bata pa kami'y meron na akong mata kay Ethan, madalas siyang tahimik at hindi nakikipag laro saakin. Matagal ang inabot at inalaan ko upang makuha ang loob niya pero hindi niya napapansin na matagal na akong may pag tingin sa kanya. Nasasaktan ako sa tuwing may nakikitang nanakit sa kanyang iba dahil wala ng iba at ako lang ang gusto kong mananakit kay Ethan at tanging ako lang. Isang hakbang nalang at malapit nako ng makuha ang pinapangarap ko, ang katawan at kaluluwa ni Ethan. Sa pamamagitan ng pag patay ko sa kanya ngayon ay magiging kaisa ko na siya habang buhay, tama naman ako tiba?. "Lily nasaan kaba?", tanong niya saakin habang gumagapang gapang sa maputik na damuhan. Wala siyang kaalam-alam na may hawak akong kutsilyo kahit anong oras ay handa siyang saksakin. "May gusto sana akong sabihin sayo..", saad nito bago mawalan ng malay. Sumikip ang dibdib ko, hindi ko alam ang balak niyang sabihin. Hawak ko parin ang kutsilyo habang pinaliligiran ng talahib at matataas na puno. Bumabalot na rin ng dilim ang paligid na tila ba'y tapos na ang hapon at kahit kelan ay mag gagabi na. Tumalikod ako sabay palakad pakaliwa-kanan, hindi ako makagawa ng desisyon kung itutuloy ko bang patayin ngayon si Ethan upang makuha ko ang katawan at kaluluwa niya o alamin muna ang balak niyang sabihin pag kagising at muling mag balak na patayin siya?. Sinuntok-suntok ko ang ulo ko, nagngingitngit ang mga ngipin ko. Nakapag desisyon na ako, gusto kong alamin ang balak niyang sabihin bago ko siya patayin upang wala akong pag sisisihan. Hindi naman mag hihinala si Ethan na ako ang dahilan kung bakit siya nahimatay dahil pinag kakatiwalaan niya ako. Sigurado din ako na malakas ang epekto ng gamot na iyon, sapat upang hindi niya maalala ang nangyari bago siya mahimatay. Ipinasok ko na muli sa bag ang patalim na binabalak ko sanang itarak kay Ethan. Inilabas ko naman ang selpon ko at hinanap ang contact ng personal driver ko. Sinabi ko sa kanya ang location at dali-daling nag tungo. Ilang minuto pa ay nakarating na siya at binuhat si Ethan papasok sa kotse. "Mam, paano po kayo nakarating sa masukal na lugar na ito?". tanong niya ng mabuhat na niya si Ethan papasok kasama ng pinamili. Manyo ang pangalan niya at malapit siya kay daddy, lahat sinasabi niya sa kanya kung saan ako pumupunta at kung sino ang kasama. Hindi ko siya sinagot at pumasok na sa kotse, nag simula na siyang mag maneho at sa kalagitnaan nito'y muli niyang tinanong. Kung paano raw kami nakarating sa ganoong lugar. "Mag drive ka nalang at wag puro tanong", tinignan ko siya ng masama. Tinignan niya ako ng malagkit mula sa salamin sa front seat ng kotse habang siya ay nag mamaneho. "Nag aalala lang naman po ako eh", sabay pa cute nito na parang akala niya'y nakakadagdag ng gwapo ang pag papacute niya, ngunit kabaliktaran ang tingin ko. Nakarating na kami sa bahay ni Ethan at sinalubong kami ng Lolo niya, pinaliwanag ko ang nangyari na may halo ng kasinungalingan. Mukha namang napaniwala ko siya, tinulungan ng driver ko si Ethan at binuhat papasok, kasama ang mga libro nito. Nag saad naman ang Lolo niya na siya na raw ang bahalang mag linis sa naputikang katawan ni Ethan. Nanghingi ako ng paumanhin sa Lolo niya at bumalik na muli ako sa kotse. Nakatingin saakin si Kuya Manyo at pakiramdam ko'y may masama siyang balak. Sa kalagitnaan ng pag mamaneho ni Kuya Manyo, madilim na ang paligid ngunit huminto siya sa gilid ng malaking puno. Walang liwanag sa parte na ito ng daanan at walang mga katabing bahay. "Alam niyo mam, sasabihin ko sa daddy mo na may kasintahan kana. Sigurado akong pag bubuhatin ka niya ng kamay", malumanay niyang saad. "Hindi ko siya kasintahan at kaibigan ko lang, anong gusto mong palabasin Manyo?", diin kong salita. Hindi ko talaga siya gustong tawagan upang sakyan, wala lang talaga akong pag pipilian. "Paniniwalaan ako ng daddy mo, kung ako sayo susunod ka sa gusto kong gawin sayo", saad nito na tila ba parang hayok na hayok sa kung saan. Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niya, pinalabas niya ako ng sasakyan. "Alam niyo Mam, meron akong gustong gawin sayo... napaka ganda niyo talaga", pag karaan niyang sabihin ang mga katagang iyon ay nawala ako sa balanse ng itulak niya ako at sa sahig ng kalsada ang tanging sumapo saakin. "Napaka ganda niyo Mam, parang awa niyo na kahit ngayon lang, kahit ngayon lang!", saad niya gamit ang malakasa na boses habang pinipilit niyang idikit ang katawan ko sa katawan niya. Balak niya sana akong halikan ngunit naka iwas ako at natadyakan ko siya ng malakas dahilan upang makawala ako sa pag kakayakap niya saakin. Gabi na at tanging liwanag lang ng buwan ang nag tatanglaw sa daanan habang tumatakbo ako. Dahil naka kotse siya ay mabilis niya akong naabutan. Kumaliwa ako at pansin ko ang malaking kanal na malalim at bumubulwak ng mabahong tubig. Sa pag aakala kong ayos na ang lahat at nakita ko siya, lumabas siya ng sasakyan at hindi katulad kanina ay may dala na siyang patalim. "Napaka ganda mo talaga Mam, kamukha mo si Jennie ng blackpink!", saad niya habang naglalakad patungo saakin. Nilabas ko ang kutsilyo ko at nilagay ko sa likurang bahagi ng bulsa ko. Ilang hakbang pa ay nasa harap ko na siya, nasa kanang kamay niya ang kutsilyo at hinawakan niya ang balikat ko gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo, tinignan ko ang sumunod niyang kilos at bandang ibaba niya sana ang kutsilyo ngunit nahawi ko ito, pinaikot ko ang palad niya kita ko ang sakit na nararamdaman nito. Bumagsak ang patalim niya at sinipa ko ito sa kung saan. "ANONG GINAGAWA MO M-MAM!", kita ko ang mukha nitong nag dadalamhati. Inapakan ko ang leeg niya dahilan upang hindi siya maka-hinga. Tinaggal ko ang pag kakaapak ko sa leeg niya at inapakan ko naman ang dalawang paa nito. Inilabas ko na ang kutsilyo ko at tinadtad ko ng saksak ang tuhod niya ilang minuto ko rin sinagad ng saksak ito hanggat nakasigurado akong tumagos ang saksak ko sa buto, dahilan upang hindi na siya makalakad. Sigaw lang siya ng sigaw habang pinipilit na makatayo, ngunit sa bawat pag balak niyang pagtayo ay mas lumalakas ang sigaw at alingawngaw. "Nakiki usap ako m-mam, dalin niyo ako sa hospital!", galit na nangangatog niyang sambit. Napangiti nalang ako sa naisip ko. "M-mam nakiki usap ako, parang awa mo na, dalin mo ako sa doktor at nangangako a-akong hindi ko sasabihin ang ginawa mo sa daddy mo", kulay talong na ang mukha niya. Nag tataka ako na ang kaninang hayok na hayok na hayop kanina ay biglang naging maamong tupa. "A-y-o-k-o!", saad ko sabay tawa. Tinignan niya ako at sinimulan niya ng umiyak. Paulit-ulit siyang nag mamakaawa saakin na tulungan ko siya ngunit wala akong balak, naniniwala ako sa sabi ng iba na kapag sinimulan ay kailangang tapusin. "A-anong ginagawa niyo m-mam!, parang awa niyo na po at may pamilya ako", nanginginig niyang saad. Para namang may pakialam ako, kahit na meron o wala itutuloy ko parin ito. Sinimulan ko ng hilahin ang paa niya, nawawala siya sa sarili dahil sa sakit. "W-wag po m-mam!", pag pupumiglas niya. Nakita ko ang malapit na destinasyon, ang malalim na kanal. Sinadya kong saksakin ang buto niya sa bandang tuhod upang hindi siya makalangoy kapag hinagis ko siya sa malalim na kanal o di naman kaya ay mamatay sa infection dahil sa dumi nito. Ngiti ang namuo saakin, kabaliktaran ng sakanya. Ilang hila pa at nagawa ko naring itapon siya sa kanal. Pakiramdam ko ay nag tapon ako ng sako ng basurahan sa kanal. Ipinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kanal, binuksan ko na rin ang pintuan ng kotse upang palabasin na pag bukas ng kotse ng driver ay diretsyo siyang nahulog dahil walang ilaw dito at di niya napansin ang bangin ng kanal. Tinignan ko ang aking kasuotan at nakahinga ako ng maluwag ng walang ni-isang patak ng dugo ang dumampi sa suot suot ko, puti pa naman ito. Tinaktak ko ang dugo na kumapit sa kutsilyo na ginamit ko, naiinis ako at balak ko sanang unang gamitin ito hindi para sa driver ko at para lang kay Ethan. Sa tingin ko kailangan kong bumili ng bagong patalim, ayokong second hand ang gagamitin ko para kay Ethan. Tumingin ako sa paligid at ng maisigurado kong walang tao ay nag desisyon na akong mag lakad. Medyo malayo ang bahay ko mula rito ngunit tanda ko ang daan. Minuto pa'y nakarating na ako ng gate at bumungad saakin ang guard, wala naman siyang tinanong at tila ba walang pinag-sabihan si Manyo na susunduin ako. Binati lang ako ng yaya ng magandang gabi, parehas lang ng mga araw ay wala parin sa bahay ang daddy ko dahil siguro sa meetings at mga work niya. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at tumungo sa banyo upang mag shower. Kinuskos ko ng mabuti ang balat ko gamit ang sabon at maya-maya pa ay natapos rin. Pag karaan ko'y nag tungo na ako sa kwarto ko. Kung titignan mabuti ay masyadong malaki ang kwarto, dalawa ang bintana at kitang kita ang mabilog na buwan. Naupo na ako sa tabi ng aking kama at sabay suot ng aking salamin.Inilabas ko rin ang librong aking binili na ako ang author sa naturang libro. Hinanda ko na ang laptop at sinimulan ng mag pumindot-pindot. Walang nakakaalam kahit na ang daddy ko na isa akong manunulat sa isang hindi sikat na publishing company. Isang beses habang namimili si Ethan ng libro ay napansin ko din na napili niyang bilhin ang librong ako ang gumawa. Nahiligan akong mag sulat ng nobela simula noong nakikita kong ang bagay na tanging nahihiligan ni Ethan ay pag babasa. Maraming pag sasanay ang nadaanan ko bago ako mapansin ng isang kumapanya kung saan nag pupublished ng libro. Sa kada librong nagagawa ko ay binabayaran nila ako. Hindi man sobrang laki ng bayad ay natutuwa ako sa tuwing nalalaman kong mayroong isa o dalawang nag babasa ng likha ko na tila ba lahat ng effort mo ay nag bubunga. Tumingin ako sa orasan at nakitang 8 o'clock na ng gabi. Mayroon pa akong dalawang oras para mag sulat ng libro, hindi muna ako gagamit ng skin care dahil wala ako sa mood at binibigyan ko ng atensyon ang aking nililikhang nobela. Second book ito ng librong ginawa ko na ang title ay Noctiphany of Mundivagant. Sulat lang ako ng sulat hanggat di ko napansin na 11 o'clock na pala. Nag banat muna ako ng balakang habang kinukuskos ang piluka ng aking mata dahil sa nag hahalong antok at pagod na nadama. Ang akala ko'y matatapos ko ngayon, ngunit hindi pala. Medyo napagod rin ako sa mga nangyari kanina mula kay Ethan hanggang sa pag tapon ko ng basura. Hindi ko alam kung kailan matatagpuan ang katawan ng driver na yun pero iniimagine ko na mukhang inuuod na siya ngayon dahil sa dumi ba naman ng kanal at halo-halong basura mula rito. Nag tungo muna ako sa banyo at nag hilamos, narinig kong may kung sino ang kumatok sa aking kwarto, hindi ko alam kung bakit pero malalim na ang gabi at ano kayang kailangan ng kung sino mang yun. Pinunasan ko muna ang aking mukha at dali-daling nagtungo sa harap ng pintuan upang buksan. Tumambad sa akin si Daddy, hindi ko inaasahan na babalingan niya ako ng atensyon. "Daddy ano po ang kailangan niyo?", tanong ko bago ko siya papasukin sa kwarto ko. Ngumiti ako gaya ng dati kong pinapakita sa kanya at mabuti nalang at natago ko na ang laptop na ginagamit ko bago ako mag hilamos. Sigurado akong papahintuin niya ako sa pag gawa ng libro dahil mayaman kami at hindi ko na daw kailangang mamublema pagdating sa pera. Madalas kong napapansin na walang ni isa ang kumakalaban sa kanya. Marami siyang koneksyon na mga negosyante, mga kawani ng gobyerno, mga judge, sindikato at marami pang iba. Kaya niyang manipulahin ang kahit sino dahil sa dami ng perang napupunta sa kanya. Marami din na singsing ang nakalagay sa kanyang daliri at marami din siyang magagarang kotse at malalawak na lupa. Mahigit sa isang libo ang mga negosyong pinatatakbo niya hindi lang rito kundi sa iba pang bansa. Simula ng namatay si Mommy ay nag babad na siya sa trabaho, hindi lalampas ang isang araw ng hindi siya pagod na pagod galing sa trabaho, ako na lang pamilya niya at lahat ng kanyang mga kamag-anak ay patay na. Nag aalala siya sakin ng buong buhay niya at sigurado ako dun. "May nangyari ba, Lily?", tanong nito habang naka upo sa kama ko. "Ano pong ibig niyong sabihin daddy, wala naman pong masyadong nangyari", sagot ko sa tanong niya. Pumasok sa isip kong maaaring alam na niya na ako ang pumatay kay Kuya Manyo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko alam na niya ngunit gusto lang niyang saakin manggaling ang katotohanan. "Sigurado kaba anak?, please mag sabi ka sakin kung may nangyari ba saiyo?", pinag didiinan niyang salita. Nakaka sigurado na ako, alam na niya ang nangyari. Namumutla na si Daddy, ayaw niyang maniwala na kriminal ang kanyang anak. Ang bilis namang natagpuan ang bangkay sa isip-isip ko. "D-daddy, muntik na akong marape kaya ko nagawa yun", malumanay kong saad. Niyakap ako ni Daddy at kita ko na medyo nangingig siya. "Ako ng bahala anak" "Huwag ka ng mag-alala sa bangkay, ako na ang gagawa ng paraan kaya't wag ka ng mag alala pa" "Salamat daddy", niyakap ko siya. Pinaliwanag ko sa kanya ang buong nangyari at naliwanagan na din siya kung bakit ko nagawang pumatay. Niyakap niya muli ako ng mahigpit bago ako matulog at masayang inaalala ang pag tapon ko ng basura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD