Chapter 2

3329 Words
Naka tingin lang ako sa gurong naka harap saamin. Bago ang kanyang mukha sa akin at di ko pa siya nadadaanan sa hallway. Kita mo sa mata nito ang kaitiman na tila ba may mahalaga siyang pinag pupuyatan. "Ano ulit yung tinanong ko kanina?", kumakamot siya ng ulo dahilan upang mag liparan ang lisa na galing sa ulo niya. Palakad lakad lang siya sa sulok sa harapan ng pisara. May isa naman nag sabi na ang kanina niyang tinanong ay kung ano raw ba ang nauna, kaluluwa ba o katawan. Napukaw rin ang atensyon ko sa kanyang sinabi dahilan upang bigyan ko siya ng atensyon. Pansin ko ang pag ngisi niya. "Bago ang lahat, sa papaanong paraan niyo ba gustong mamatay", wika niya habang dinadaliri ang naninilaw na ngipin. Isa isa niyang tinanong ang madla mula sa harap tungong dulo. Narinig ko ang kanilang mutawi at kadalasan ay kakaiba. Naririnig ko ang bulong-bulungan na namumuo sa klase. Tila ang tingin nila sa prof na nasa harapan ay isang may tama sa utak o di naman kaya ay baliw at may sira sa ulo. Kamot lang siya ng kamot at inisa isa ang estudyante habang sumasagot sa tanong na sa papaano nilang gustong mamatay. Hanggat umbot sa akin ang kanyang mga mata tila hinihintay ang aking pag sagot. Tumayo na ako habang naka yuko ang ulo upang di nila ako makita sa mukha. "Gusto kong mamatay sa pamamagitan ng pag patay sakin ng isa sa mahal ko sa buhay", natigilan ang lahat dahil sa sinabi ko. Ako lang ata ang nag salita na gustong mamatay sa pamamaraang iyon. Umupo na ako, bandang napansin ko ang prof na napangisi tila ba may tumatakbo sa isip nito na walang nakaka intindi. At dahil ako ang pang huling nag salita na siya, mukhang sasagutin na niya ang misteryo sa utak ko. Kung ang nauna sa manok o itlog ay manok, ano naman ang naunang nabubuo katawan o kaluluwa nga ba. Dinadaliri niya ang tenga sabay kutkot sa ngipin niyang naninilaw. "Sa palagay ko... ang nauna ay kaluluwa, alam niyo kung bakit mga bobong estudyante?",pakiramdam ko ay nag iba ang boses niya, tinignan niya kami ng isa-isa at bago pa man ay umupo siya bigla sa silya sa gitna ng pisara. Hindi ko mawari kung anong sinasabi niyang bobo, eh guro siya, trabaho niyang tanggalin ang kabobohan saamin, ganyan talaga ang mga teacher marahil ding mag seryoso. Maraming ang nag tanong kung bakit at sa papano raw ba nakaka sigurado ang guro sa kanyang sinasabi. Ngumiti siya ng nakakatakot at ipinakita saamin ang isang hour glass na nag mula sa bag nito. Sinara niya muna ang zipper ng bag at ibinaba sa kung saan, ipinatong niya ang hour glass sa lamesa kung saan lahat kami ay nakaka kita. Pinaikot niya iyon dahilan upang mag simula ang pag bagsak ng mga buhangin sa maliit na gitnang butas nito. "Kagaya ng sinabi ko kanina, ang nauna ang siyang nauna hindi katulad ng katawan", pinitik niya ang daliri niya. Nakatuon lang ako sa kanyang sinasabi, hindi ko mawari kung bat ako na eexcite sa gurong ito, hindi ko pa man matandaan ang pangalan niya. Sabi pa nito na tignan mabuti ang hour glass ngunit wala namang espesyal dito dahil normal naman at kagaya ng mga nakita ko ay walang kaibahan ang inilabas niya. Sumunod pa ang mga pangyayari. Tila nawala sa isip ko ang nangyari kay Lily dahil sa nakaka intrigang guro na naka harap saamin. Minuto pa ang lumipas at tumigil na ang buhangin sa pag agos kung kayat muling binaliktad ito ng guro, dahilan upang muling mag simulang bumagsak ang mga mga buhangin. Tila ba naka handa ng mag salita si Prof ng kanyang sasabihin. "Sigurado akong hindi niyo naiintindihan ang gusto kong palabasin kung kayat makinig kayo saakin ng mabuti", nag seryoso na siya. Umihip ang malakas na hangin na nag mula sa labas ng bintana habang ang kalangitan ay binabalot ng kaitiman, parang balat lang ng lolo ko, sa isip-isip ko. Tinuon muli ng mata ko ang guro, natahimik ang klase dahil sa nakaka intrigang sinisiwalat nito. Tila hindi ko alam kung anong subject ba siya, pumasok lang siya mula sa kung saan. Kahit na kaka umpisa palang ng pasukan ay hindi parin niya sinasabi ang pangalan niya o iniintroduce kung sino ba talaga siya. "Tignan maigi ang buhangin, yaan ang kumakatawan sa kaluluwa ng isang tao", naka tuon lang ang mata niya rito at parang may iniisip. "At ang glass naman ay kumakatawan sa katawan ng isang tao", sunod nitong saad. Nakita ko ang mukha ng mga kaklase ko, blanko sila at parang hindi maka sunod sa sinasabi ng guro. Tumalikod muna siya para kumamot ng ulot at muling humarap upang ituloy ang kanyang balak sabihin. "Hindi niyo man napapansin pero mas matagal ang buhangin kesa sa glass dahil unang binuo ang glass ngunit ang buhangin ay palaging nariyan", hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. "Binuo ang hour glass na kumakatawan sa katawan ay dahil upang salinan ng buhangin na kumakatawan sa kaluluwa", pinag diinan niya ang kanyang pag papaliwanag. Naiintindihan ko ang nais niyang ipaliwanag at ito ay napapalitan lang ang katawan ngunit ang kaluluwa ay nag aabang lang ng masasalinan. Sumunod pa ang kanyang pag papaliwanag hanggat nagtapos ang klase. Kasabay ng pag tapos ng klase ay ang pag bagsak ng ulan. Napaka lamig ng ihip ng hangin, bigla nalang akong nagising sa pag kakatulala ng maalala si Lily. Tumayo agad ako at hinanda ko na ang shoulder bag ko, wala ng tao sa loob ng room at tanging ako nalang ang naiwan. Kinuha ko rin ang bag ni Lily at nag madali na akong mag lakad. Hindi ko pinansin ang kadiliman ng paligid sa hallway hanggat naka rating ako sa faculty. Nakita ko si Lily na malungkot, katabi ang guro. May sinusulat siyang kasulatan, napansin naman niya ang presensya ko at kinawayan niya ako. Tinignan lang ako ng matabang guro na katabi ni Lily, nanlilisik ang mata na tila ba sinisisi ako sa nangyaring gulo. Maya-maya pa ay pinalabas na si Lily, inabot ko naman ang bag niya at agad naman niya itong sinuot. Parang walang nangyari dahil naka ngiti lang siya na parang wala lang sakanya ang mapunta sa detention faculty. "Lily, bakit mo-", hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang siniko ang tagiliran ko. Nag bigay siya ng thumbs up na parang pinapakitang wag ko siyang intindihin. "Ayos lang naman yun, di naman big deal sakin yun Ethan. Ang mahalaga is ayos ka na at mababawasan na ang mambully sayo, kita mo". Akala siguro ni Lily ay naappreciate ko ang ginawa niya ngunit nag kakamali siya. Malakas ang pakiramdam ko na mas dodoble nanaman ang mabubully saakin. "Ililibre kita, tara", nanlaki ang mata niya. Di siya naniniwala, gutom na gutom na rin ako dahil di ako nakapag tanghalian kayat gusto kong sabayan siyang itreat. Hindi man naging maganda ang nangyari, naramdaman ko naman na may tunay siyang paki-alam saakin bilang kaibigan. Nag order siya at ganoon rin ako, pinili ko ang pritong manok at kanin. Hindi na ganoon kaganda ang kalidad ng manok dahil kaninang tanghali pa ito naluto wala naman akong choice. Pag umuwi ako ng walang laman ang tiyan malakas ang pakiramdam ko na lalakas ang kutob ni Lolo na may nambunully saakin, ayoko ng dagdagan ang problema niya. "Alam mo Ethan dapat nakikipag kaibigan ka sa iba", tumingin ako kay Lily habang may laman pa ang ibibig niya. Hindi ko maintindihan, bakit parati niyang binubuksan ang pag uusap na kailangan kong makahanap ng ibang kaibigan, para saakin sapat na si Lily bilang kaibigan ko. "Ayoko", ang tanging naisagot ko sa sinabi niya. Napukaw ang atensyon ko sa lalake sa gilid ngunit hindi ko na ito pinansin. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa pag kain, malapit at patay na ang mga ilaw. Kailangan ko ng mag madali dahil marahil ay lalakas pa ang ulan sa labas. "May dala kabang payong?", tanong ni Lily. Nag hugas kami ng kamay bago namin iwanan ang canteen. "Meron, palagi akong nag dadala kung sakali mang uulan", sagot ko habang naka tingin sa harapan ang dalawang mata. Nasa gilid ko lang siya hanggang nalaman ko na wala pala itong dalang payong. "Ano kaba naman Lily, bakit hindi ka nag dadala ng payong?", tanong ko sa kanya. "Bahala ng mabasa, kawawa naman ang gamit ko", paawa niya saakin. Napabuga nalang ako ng hangin bago mag desisyong pahiramin siya ng payong. "Paano ka, anong gagamitin mo?", tanong nito sa akin na tila na nag aalala. Sinabi ko nalang sa kanya na huwag na mag alala at ako na ang hahanap ng paraan. Hinatid ko siya sa huling pintuan papalabas ng campus, pag bukas ko ng pinto, kitang kita ko na ang malalaking butil ng ulan. Kumaway na siya, palatandaan na uuwi na ito. Napaka kamot nalang ako sa ginawa ko. "Ang tanga-tanga mo", bulong ko sa sarili ko. Sinarado ko na ang pintuan, napaupo ako sa bakanteng silya sa sulok. Marami ang nakapatay na ilaw, dahilan upang balutin ako ng kadiliman. Rinig na rinig ko ang pag ragasa ng ulan at sa aking kinatitirikan ay bumabalot ang malamig na atmosphere. Nakaka bingi ang katahimikan, pakiramdam ko ay ako nalang ang natitirang tao sa school. Kinakabahan na ako dahil minuto na ang aking pag hihintay at hindi parin nag babago ang lakas ng bugso ng ulan. Napag desisyonan kong maglakad lakad muna upang mabawasan ang tensyon ko, nais ko sanang mag basa ng novel habang nag hihintay ngunit walang liwanag na mahahagilap sa lugar na ito. Sa kalagitnaan pa ay nakaramdam ako ng presensya ng kung sinong paparating ngunit wala. Kinabahan na ako, napili kong bumalik sa upuan ko ngunit hindi inaasahan ang makikita ko. Mayroong nakatiklop na payong na nakaibabaw sa upuan ko, wala akong ibang taong nadaan, sino ang mag lalagay ng payong sa upuan ko. Hindi ito ang oras ng pag iinarte, kung sino man ang taong nag pahiram ng kagamitan ay lubos akong nag papasalamat sa isip-isip ko. Binuksan ko na ang payong at lumabas na sa paaralan. Maraming sasakyan ang dumadaan habang ako ay naka gilid lang. Hindi maiiwasan na mabasa ang aking balikat dahil sa malakas na ulan, maya-maya. Basang-basa na rin ang sapatos ko, naka kunot nalang ako. Ilang metro nalang ay natanaw na ng mata ko ang aking tahanan. Medyo basa ang aking kasuotan ng humarap ako sa pinto, binuksan ko na ito at nabigla ako sa maitim na insektong humarap saakin. "Apo, basang basa kana, mag palit ka na ng damit mo", wika nito habang pinupunasan ang aking buhok na kaunting nabasa. Sinaggian ko naman ang braso niya, baka mangati pa ako dahil sa madumi nitong kamay. Humahanap lang ako ng tyempo na saksakin siya sa likod o pugutan dahil nakaka sora na talaga ang itsura nito. Napansin kong habang naglalakad papunta sa kwarto ay mayroong putahe akong nadaanan sa lamesa. Mukhang masarap ito, ngunit ang nag luto ay nakakadiri. "Ethan, nag luto ako ng paborito mong pag kai-", di na nito naituloy ang sasabihin dahil sinabi kong wala akong gana kumain. Ngumiti lang siya habang tinitignan akong pumasok sa kwarto, nakaka banas talagang makita ang kulubutin niyang mukha. Sa susunod ngay ibibili ko siya ng mask para matakpan ang mukha nito. Dumeretsyo na ako sa kwarto ko, napansin kong nakaayos lahat ng gamit ko. Naka ligpit ang mga kumot at walang alikabok. Nakaka bwisit talaga si lolo napaka paki-alamero bakit hindi pa siya mamatay. Baka gusto niya pang ako ang pumatay sa kanya, mabait naman ako at matulungin, sabi ko sa sarili ko. Nag palit lang ako ng damit at bumalik na muli sa pagkakahiga. Binuksan ko ang novel na binabasa ko ngunit meron akong uwang na narinig na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. "Apo, hinatiran kita ng pag kain at baka pagod na pagod ka kayat ako na nag dala ng pagkain para sayo", saad nito mula sa pagitan ng pintuan. Ito na nga ba ang kinaiinisan ko, ayan nanaman ang feeling magulang ko. Hindi ako kumilos, nag panggap akong nag papahinga. "Apo?", tawag nito saakin na tila ba hinihintay ang isasagot ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang kanyang mga hakbang na papalayo mula sa kwarto ko. Mabuti naman at umalis narin yung matandang yun, nakaka bwiset doble-doble. Bumalik na muli ako sa aking binabasa, nasa kalagitnaan na ako ngunit napansin ko sa wall clock ng kwarto ko ay malalim na pala ang gabi, masyado akong nababad sa pag babasa sa novel na kinahiligan ko. Pansin ko ang hindi pag tigil ng ulan, ang lakas nito ay hindi nagbago simula noong naka uwi ako. Napag desisyonan kong matulog na ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng pag kaantok kayat kinuha ko ang phone ko. Wala naman akong kakausapin, titignan ko lang ang mga post at manood ng videos sa sss. Marami akong nabasang kontrobersya at viral video, pag tingin ko sa orasan ay 9:00 pm na. Ngunit hindi parin ako inaanok. Ipopower off ko na sana ang phone ko ng biglang may nag email saakin pag bukas ko'y nalaman ko na si Lily pala. "Pwede ba tayong mag usap, via video call?", text nito saakin. May masama akong pakiramdam kung kayat hindi na ako tumanggi at sumang ayon na lang. Binuksan ko at tumambad saakin si Lily habang naka suot ng tapis at mayroong naka dikit na facial mask sa mukha nito. Hindi na ako nag taka dahil maalaga talaga si Lily sa kutis niya. "Bakit mo ako gustong maka-usap?", ako ang unang nag salita. Hindi ko nalang pinansin ang tapis niyang suot at dumiretsyo na ako sa dahilan kung bakit niya ako gustong maka usap. "Wala lang, namiss lang kita", muntik na akong masuka sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba Lily, sure akong pinagalitan ka ng daddy mo dahil sa gulong ginawa mo sa school", saad ko habang nakatingin lang sa kanya. "H-huh?, hindi naman ako pinagalitan, masyado siyang busy dahil sa trabaho niya Ethan", wika nito habang kitang kita ko na binabalatan niya ang facial niya sa mukha. Nakadapa lang siya na parang hindi ako naka tingin, naka limutan siguro niya na ang suot-suot niya ay tapis lang ng tuwalya. Hindi naman ako katulad ng ibang lalake na interesado sa s****l intercourse, gusto ko lang ay mapag isa at magbasa ng novel ng walang nangingi alam. Umikot ang pag-uusap namin at maya-maya pa ay nag paalam na siyang matutulog na. Kumaway pa siya saakin at nag turned off na ng pc nito. Gayundin ang ginawa ko, pagtingin ko sa orasan ay nakita ko na 10 o'clock na. Di ko napansin na halos isang oras kaming nag usap ni Lily. Inayos ko na ang aking higaan, pinatay ko na rin ang ilaw at sinarado ko na din ang bintana. Lampas kanina pa bumubugso ang ulan parang aabutin ito hanggang bukas. Malamig ang simoy ng hangin kayat sigurado akong masarap ang tulog ko ngayon. Nag madali na akong humiga at pinikit ang aking mga mata, nag bilang ako ng tupa sa isip ko hanggat umabot sa sampo, matutulog na ako. Nagising na ako, pag tingin ko sa orasan ay nakita kong 7 o'clock na ng umaga. Umuulan pa rin at ginaw na ginaw ako. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako o hindi, nasaan ba kase ang alaga kong aso na nag ngangalang grandpa Benjamin. Lumabas na ako ng kwarto upang hanapin ang aso ko, nag tataka ako bakit hindi siya tumahol upang gisingin ako, ayan tuloy late na ako sa klase. Biglang siyang lumabas mula sa kung saan. "Apo, gising ka na pala, kumain kana at hindi kita ginising dahil wala kayong pasok. Ayokong naiistress ka kaya hindi kita inabala sa pag-tulog mo", dahil sa sinabi niya ay naka hinga ako ng maluwag. Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya habang nandidiri ako sa balat nito. Napansin kong may sugat siya sa kamay, marahil ay dahil sa katangahan niya ang dahilan. Tumungo ako sa hapag kainan at katulad parati ay masasarap ang ulam, dapat lang naman niya yung ginagawa upang may pakinabang naman siya. Unang kagat ko sa pag kaing niluto niya ay nasarapan ako kahit papaano, dahil masarap ang luto niya ay reregaluhan ko siya kapag nadaan ako sa market bibilan ko siya ng dog food dahil favorite niya yun. "Apo alam mo balang araw gusto kitang isama sa Noctiphany", dahil sa sinabi niya ay muntik akong masamid. Nag sisimula nanaman siya mangarap sa delusyon niya. Nag tengang kawali lang ako at kunwari'y walang naririnig. Marami pa siyang sinabing kabaliwan, tinipla niya ako ng kape at sa gilid ng plato niya ipinatong ngunit tapos na akong kumain, hindi ako lumagok sa tinimpla niya at baka may lason. "Maganda sa lugar na Noctiphany, hindi ka mag sisisi kapag pumayag kang tignan kasama ko..". Gusto ko siyang sapakin upang magising siya sa pantasya at delusyon niya. Hindi ako nag salita at binalak kong umalis mula sa silya ng hapag kainan. Nasilip ko ang reaksyon niya sa ginawa ko, kagaya ng madalas ay malungkot siya. "Gusto kong makuha ang loob mo apo, bago kita ayain sa pag punta doon..". Tinignan ko lang siya ng blankong mukha. Sa isip-isip ko ay hindi mo makukuha ang loob ko dahil isa ka lang aso at minsan insekto saakin. Lumakad ako tungo sa kwarto ko, dahil walang pasok ay binuksan ko ang bintana. Kumakalat ang malamig na hangin sa kwarto ko pagkaraan kong buksan ang bintana sa gilid ng kama. Babalik ako sa pantasyang kinagigiliwan ko. Itong nobelang kasalukuyang kong binabasa. Nag tataka talaga ako kung bakit hindi kilala ang novel na ito, napaka ganda parang totoo at hindi ako naboboring. Madetalye pa ang sumunod na pangyayari, sino kaya ang sumulat nito. Tumatakbo ang oras at marami narin akong chapter na nababasa, ayokong tapusin ang novel na ito kaagad-agad. Habang nag hahanap ng pwedeng gawing pampa-lipas oras ay may nadaanan ang mata ko. Nakita ko ang paintings na nagawa ko sa nakaraang taon, napaisip nalang ako kung bakit nawala ang interes ko sa pag dadrawing. "Apo, nandito si Lily", rinig ko ang boses ng aso namin, dali-dali akong nag tungo sa harapan upang tukuyin kung sino ang bumisita saakin. "Sabi ko na nga ba!", saad ko sa isip ko. "Hello Ethan, may free time kaba ngayon?", tanong ni Lily habang may dala-dalang bag at litaw na litaw ang magandang puting pormahan niyang suot-suot. "Pasensya na, may ginagawa ako", tatalikuran ko na sana siya ngunit may sinabi siyang nag pahinto sa akin. "Pupunta ako sa bookstore, akala ko naman gusto mo akong samahan..", kaibigan niya talaga ako, kilalang kilala niya lahat ng mag papayag saakin. Napa buga na lang ako ng hangin. Alam kong may bagong published na libro at gusto ko rin maka bili. Malapit ko ng matapos ang novel na kasalukuyang binabasa ko, kilangan ko ng pamalit. "Sandali, gagayak lang ako", saad ko at tumango lang siya. Nag suot lang ako ng simpleng jogging pants at white t-shirt, dinagdag ko pa ang dilaw na sumbrero. "Ang bilis mo naman!", bungad niya paglalabas ko sa kwarto. Feeling bahay talaga niya at walang hiyang gumagala gala sa tirahan ko. Ang unang akala ko ay gagala siya para lang mag foodtrip, nag taka tuloy ako kung anong klaseng libro ang balak niyang bilin sa bookstore. Mabuti nalang at tapos ng bumuhos ang ulan at kaunting ambon nalang ang pumapatay, marami akong energing mamili ng libro. Hindi na ako makapag hintay, para akong batang musmos na gustong bumili ng laruan. "Ingat kayo apo", si Lily na ang nag paalam para sakin. Ano kaya ang maaring librong bilin ko, na eexcite na ako ng sobra-sobra. Nakaka-inis naman kase si Benjamin marami pang sinasabi kay Lily na paanyaya. 3 o'clock na ng hapon, sigurado ako na kakaunti nalang ang tao sa store. Ayoko talaga kase ng matao at sa katunayan ay may agoraphobia ako, kung saan ang isang indibidwal ay takot sa matataong lugar kagaya ng mall at kung saan-saan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD