Chapter 1

3321 Words
"Gumising kana, kailangan mo ng pumasok sa school niyo Ethan!." Nagising ako sa boses ng isang hayop, nanlalata ako dahil ito nga pala ang unang araw ng pasukan. Gusto ko sanang matulog pa ngunit ayoko ng balikan ang bangungot na makatotohan, napansin ako ni lolo, dahilan upang batuhin niya ako ng unan. Napilitan akong tumayo, nahihiya ako sa lolo ko, siya ang tanging may pake-alam saakin pero naiinis ako kadalasan pag nag kukwento siya ng kung ano-anong kwento tungkol sa ibang mundo na wala namang katuturan. Minsan iniisip kong meron siyang sakit sa pag iisip dahil sa pinag sasabi niya. "Apo, pagkakataon mo na ito upang maka hanap ka ng mga bagong kaibigan". Pinadpad ni grandpa Benjamin ang kaliwang kamay niya tungo sa ulo ko at kinuskos, dahilan upang mas lalong gumulo ang buhok ko. Kitang kita ko ang kulubot niyang mukha, nakakadiri talaga sa malapitan, maraming nag sasabi at hindi lang ako. Tinulak ko siya papalayo, dahil sa kanyang nakakikilabot na mukha ay nawala ang aking pag kaantok. Bago ako lumabas ng kwarto ko tinignan ko ang mukha ni lolo, ganoon parin puro kulubot at malungkot dahil tinulak ko siya. Dumeretsyo ako sa banyo upang maligo, black and white ang tingin ko sa paligid madalas na gloom. Ilang minuto lang akong naligo at pag-karaan ay lumabas na upang mag sipilyo. Napa tingin ako sa salamin, hinawakan ko ang pigura ng mukha ko. Marami akong naririnig na usapan sa labas na may anghel akong mukha pero di ako naniniwala. Hindi ako natutuwa sa mga papuring naririnig ko dahil ayokong nagiging bida, kadalasan lang at praktikal kong ginagawa sa paaralan ay mag basa sa library at umupo maghapon. Natapos kong linisan ang katawan ko, gayundin ang ngipin ko. Tumambad saakin si grandpa Benjamin sa saktong oras ng pag-labas ko sa banyo habang siya at naka ngiti. Tila nawala ang mood ko, saang lupalop ba naman kase napulot ni Benjamin ang kulubuting mukha. "Bago ka pumasok, tara sabay na tayong mag umagahan." Naka ngiting paanyaya niya saakin, napa buga nalang ako ng hangin, dahil wala akong ibang choice dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Bago ako pumunta sa hapag kainan ay sinuot ko na ang school uniforms ko, tama lang ang size nito at paborito kong kulay ay black. Ilang butones pa ang sinuot ko at natapos rin. Dumeretsyo na ako, kung saan nakaupo si Benjamin. Nakahanda na ang lahat ng pagkain. Naka ngiting binati niya ako. "Ang gwapo naman ng apo ko, sigurado akong maraming lalapit sayong babae niyan, halatang saakin ka nag mana", sabay kindat pa nito. Sinabi ko sa isip ko na kalimutan nito ang narinig, dahil baka kahit anong oras habang kumakain ay bigla akong sumuka. Pag tapos kong kumain ay sinuot ko na ang shoulder bag ko, hindi ko talaga gustong pumasok pero mas ayokong makita ang mukha ng lolo ko sa bahay buong mag hapon, kayat mas pinili kong pumasok na lamang. Papalabas na ako ng napansin ko siyang kumakaway. Sa isip-isip ko, gusto kong putulin ang kamay niya, nakaka irita ang bawat kilos ng lolo ko. Pakiramdam niya siguro'y tinitignan ko siya bilang magulang, pwes nag kakamali siya. Tanging katulong lang ang tingin ko sa kanya na taga linis ng inidoro kung saan-saan. Minsan sa buhay dumadating sa point na naamoy ko siya, kapag pinag papawisan ay napaka baho. Di ko makayanan ang sitwasyon na yun, kayat nag susuot ako ng mask, proteksyon ko sa polusyon dulot na nag mumula sa kanya. Habang nag lalakad ay napansin ko ang oras ay 6 o'clock am palang. Maraming nag tataka kung bakit ang aga kong pumasok kahit wala pang guro sa school. Ang dahilan ay nakaka usap ko ang sarili ko at nabibigyan ko ng katahimikan ang looban ko. Sa sumunod na segundong pag lalakad ay naramdamang kong may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang pag lalakad, kayat naramdaman kong tumatakbo na kung sinong mang nasa likod ko. Naramdaman kong may kung sino ang yumakap saakin. Pag lingon ko ay nalaman kong si Lily lang pala ang sumusunod. Akala ko kung sino ang sumusunod sa akin, si Lily Hanlon lang pala. Madalas niya akong kinakausap at napapa lapit narin ang loob ko sa kanya, dahilan upang pag tiwalaan ko na siya. Pumapasok siya ng maaga upang maka sabay lang ako, kahit na sobrang aga pa'y nais na niyang pumasok para lang maka usap ako ng sarilinan. Siya ay kilala sa campus kayat umiiwas ako sa kanya kapag maraming naka tingin. Ayokong pag selosan ng mga lalaking may pag tingin sa kanya. Madalas siyang naka ngiti at cute sa harapan ng iba ngunit pag dating sakin pinapakita niya ang totoong kulay nito. Walang nakaka alam kahit na mga kaibigan niyang babae na si Lily ay napaka matatakutin sa madidilim na lugar at nakaka takot siya minsan, hindi ko mapaliwanag. Marami din lalakeng nag lalaway sakanya pero hindi ako kabilang sa mga iyon dahil wala akong interes sa buhay. Tanging hiling ko lang ay mamatay ng masaya at manirahan sa impyerno, kasama ng mga yumao kong magulang. Napapansin ko rin sa bawat pag lipat ko ng baitang ay maraming babaeng naka tingin saakin. Palaging sambit ni Lily ay naattract sila saakin, hindi ako naniniwala. "Libre mo naman ako Ethan, kuripot mong yawa ka", sabay siko nito saakin. "Ayoko, wala ka bang natatabing pera sa bulsa mo?", sagot ko pero naka nguso pa rin siya habang hawak-hawak ang tiyan na parang pina pakita saakin na hindi pa siya nag uumagahan. Akala yata ng babaeng ito ay mauuto niya ako, hindi ko gustong mag sayang ng pera at alam kong mayaman si Lily dahil kakilala ng lolo ko ang parents niya. "Ano po ang order ninyo", tanong ng cashier sa canteen ng school, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa campus. "Shawarma and fries po", sagot naman ni Lily. Napapa kunot nalang ako pag tapos kong i-abot ang bayad sa kasera. "Ang sarap talaga kapag libre diba Ethan?", hindi na lang ako nag salita. Naka ngisi siya habang ninanamnam ang kinakain. Nawala ako sa sarili, ang ganda talaga niya. "Hoy Ethan, ano ba yang mata mo, bat ganyan ka maka tingin", humakbang siya palayo saakin. "Pasenya na, ikaw kase ang lapit mo kaya't nasasapian ako ng masamang espirito", palusot ko upang hindi niya isipin na lustful person ako. Tinitigan niya lang ako ng masama, naririnig ko na may binubulong siya sa hangin. Nasisiraan na talaga siya ng bait, inaya ko na siyang tumungo na sa room. Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad dahil maaga-aga pa naman ay medyo madilim pa sa hallway ng school. Wala rin kaming nakikitang mga guro dahil kadalasan sa kanila ay batugan at tanging intensyon lang ay sumweldo. Hindi ko nilalahat pero parang ganun na nga. Napapansin ko na tila ba takot na takot si Lily dahilan upang mag bukas ako ng pag uusap habang nag lalakad kami. "Alam mo Lily nag tataka ako sayo, bakit mo piniling makipag kaibigan saakin, marami naman dito sa campus na mas worth it saakin". Napansin ko na biglang nag bago ang mood niya. Patuloy parin kami sa pag lalakad hanggang sa nasa second floor na kami at ilang hakbang nalang ay nasa 3rd floor na kami. Nasan3rd floor ang room namin ni Lily pero pinag tataka ko bakit ayaw niyang dumaldal. Tumingin ako sa kanya na parang nag iba ang mata niya, hindi ko mapaliwanag ngunit parang dumidilim ang mata niya. Maraming pag kakataon na nakikita ko ang matang iyon sa tuwing nakaka gawa ako ng mali o di kaya naman ay umiiwas ako sa kanya. "Alam mo Ethan sa totoo lang..", naka tingin ako sa kanya parang nag iba ang aura niya. Kani-kanina lang ay naka ngiti siya at cute na cute ako, ngunit ngayon medyo creepy na ang ngiti niya. Dumagdag sa kuryosidad ko ang sinabi niya, anong itutuloy niya bakit pinapatagal pa niya. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang ituloy ang sasabihin ngunit may sumulpot na kung sino. "Good morning sa inyo", bati ng principal. Ngumiti bigla si Lily at bumati rin habang ang kanyang matamis na ngiti ay naka balandra. Nauna na siyang pumasok at ganoon rin ako. "Oh bakit parang nakakita ka yata ng multo, tignan mo yang mukha mo nanlalata." Tuwang-tuwa siya habang sinusundot sundot ang pisngi ko. Masaya naman ako at nawala na ang nakaka takot niyang pigura. Misan talaga nakaka takot siya, para niya akong papatayin dahil sa mga titig palang ay parang nauuhaw na ito sa dugo. "Anong balak mong sabihin kanina", ang balak niyang sabihin kanina ang dahilan kung bakit ako namumuti sa kaba. Naka upo siya habang ako'y naka tayo sa gilid ng silyang kinatitirikan niya ay kitang-kita ko ang kanyang mukha. "Wala naman, sa susunod ko nalang sasabihin, bakit ano ba kala mong sasabihin ko sayo?", naka ngisi siya. Alam kong iniisip niya na nag assume akong mag coconfess siya pero hindi, sa malamang sa malamang. May pakiramdam akong may sasabihin siyang alam niya sa sarili niyang hindi ko magugustuhan kaya't pinili niyang putulin ang sasabihin kanina. Ang inaakala ko'y kilalang kilala ko na si Lily dahil naging mag kababata kami simula noong inampon ako ni Lolo Benjamin sa bayan na ito, pero sa tingin ko ay hindi. May malalim siyang tinatago saakin na sa tingin ko'y marapat kong malaman. Alam kong wala siyang gusto saakin pero bakit may nararamdaman akong kaba sa tuwing may sasabihin siyang hindi itinutuloy at nang iiwan ng katanungan sa isip ko. Matalik na kaibigan ko siya pero may pakiramdam ako na may gusto siya saakin, hindi love ang tinutukoy ko. Hindi rin lust, pero ang tanging tumatakbo sa isip kong rason ay bloodlust ito kung maimumutawi ko. Naupo na siya sa pinaka unahang silya kabaliktaran naman saakin dahil nasa pinaka dulo ako. Nilapag ko na ang shoulder bag at ginawa na ang pinaka paborito kong ginagawa sa tuwing papasok ng maaga at yun ay pag bukas ng bintana. Pag bukas ko ng bintana ay bumati saakin ang masamang panahon. Wala naman akong napanood sa balita na may nag babadyang pag-ulan sa lugar namin. Malamig ang simoy ng hangin hindi katulad kanina habang nag lalakad ako na nakaka silaw ang liwanag ng araw. Sa pag papalipas oras ay kinausap ko muna ang sarili ko, nag tataka parin ako sa aksyon ni Lily kanina pero isasawalang bahala ko muna iyon dahil magiging sagabal pa ito sa mga iisipin ko. Maya-maya pa ay nag basa na ako ng novel ngunt bago kong simulan ay sinulyapan ko si Lily pero nag susulat lang siya ng di ko alam. Hindi pa ako nanganga lahati ay isa-isa ng nadadagdagan ang tao sa loob ng room. Napansin ko ang pag libot ng babae at lalake sa gilid ng upuan ni Lily, walang duda na sikat na sikat talaga siya sa campus na ito. Pansin ko ang kanilang mga mata lalo na ang mga lalake na tila ba'y hinuhubaran nila ng damit si Lily, hindi pansin iyon ni Lily dahil sa inosente niyang utak. Natural lang na may lalapit sa iyo at itatanong ang pangalan mo dahil nga unang araw ng pasukan ngayon. "Hi, pwedeng makipag friends", sambit ng kung sinong babae sa gilid. Hindi ko siya pinansin at nagfocus lang ako sa binabasa kong novel. Ayoko sa lahat ang makipag usap sa lahat at mas pinipili kong mapag isa kesa maki salamuha sa iba. Mas gusto kong mabuhay sa pantasya mula sa libro kesa makipag usap at maki halubilo sa iba. Pwera nalang si Lily at lolo dahil natural lang na nasasanay ang bibig kong bumuka kapag sila ang mag sasalita. Hindi kagaya ng iba na unang beses ko lang makikita at makaka salamuha. Napansin ko na nawala na ang presensya nito, mabuti nalang at mabilis siyang maka intindi. Dumating na ang guro, napaka taba nito at noong mag papakilala na ay sinara ko ang tenga ko. Ayokong mag abalang malaman ang pangalan ng kung sino, grabe sa isip-isip ko napaka taba niya. Bundat na bundat, marahil ay naiwanan siya ng kanyang mga magulang sa kusina. Nag simula na ang klase at tanging binigyan ko lang ng atensyon ay ang bintana. Bumabalot ang nag iitimang ulap, sumisimoy rin ang kakaibang malamig na hangin. Gininaw tuloy ako at napayakap sa sarili, may naramdaman akong tumama sa ulo ko. "What the hell are you doing mr. Grimoire?!", he looks at me like I'm his prey or something. Gumuguhit ang linya sa noo nito dahil sa galit. Sa loob loob ko ay nakakatawa kako ang pigura ng kanyang katawan. Pero pinilit kong sumagot at maging pormal. "I'm so sorry for not listening prof, you may now continue your discussion", I feel my face reddened. "Okay good!", may diin ang salita niya, halatang may galit na namumutawi, dahil sa di ko pag bibigay atensyon sa klase nito. Nag simula ng mag turo ang sumunod na mga guro. Kalahati dito ay pina gawa lang ang pag susulat at kaunting paliwanag. Wala talagang interes mag turo ang mga guro dito,kitang kita ko ang panlalata nila na para bang gusto ng matulog. Kaya't minsan mas pinipili ko pa ang humarap sa bintana habang pinag mamasdan ang pag galaw ng mga ulap at pag pabago-bago nito. Lumipas ang ilang mga oras at natapos rin ang klase ngunit meron pang klase sa hapon bali ito ang oras upang maka pag lunch. Pag kaalis ng guro ay tinignan ko ang labas ng bintana. Umiihip ang malakas na hangin na nag mumula sa bintana. Nawa'y umulan naman sana upang lumamig pa lalo. Balak kong pumunta sa canteen, tumayo na ako at mula sa kung saan ay may naramdaman akong malagkit sa ulo ko. Hinipo ko ang buhok ko at napag alaman na egg yolk pala ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ayoko sa lahat ng ganito. Nakita ng peripheral vision ko ang lima o apat na mga lalake sa isang sulok, ramdam ko ang tuwa nila. Hindi ko maintindihan kung bakit halos lahat ng bully sa buong mundo ay ginagawang achievement kapag naka pag paiyak sila or nainis ang isang indibidwal. Hinawi ko ang parte ng buhok ko at pilit kong tinanggal gamit ang kamay ko. Tumayo ako, nadaanan ko ang grupo ng lalake sa isang sulok habang tuwang tuwa sa katarantaduhang ginawa. Tinignan ko lang sila habang blanko ang mukha ko. Dumiretsyo ako sa rest room at binanlawan ko ang buhok ko. Pag labas ko ay basang-basa ang uniform ko, pansin ko rin ang mga estudyanteng kaedad ko na nag bubulungan. Yumuko na lang ako, wala akong interes na mag pakita ng mukha, hindi ito big deal saakin dahil sanay na akong maging target ng bullies sa school. Nasayang ang oras ko sa rest room dahil sa buhok kong nag lalagkit sa dahilan ng kung sinong kaklase ko. Tumunog na ang bell, pahiwatig na tapos na ang lunch. Paparating pa lang ako sa canteen ngunit nag closed na ito dahil sa batas ng principal upang mabawasan ang mga estudyanteng nag cucutting class ay isasara ang canteen after ng lunch time. Wala naman akong ibang pag pipilian kundi ang bumalik sa room ng walang laman ang tiyan at basang-basa ang buhok. Pag pasok ko palang sa room ay tumambad na saakin ang atensyon ng buong madla. Ito sa lahat ang kina tatakutan ko ang mabaling saakin ang atensyon ng nakararami. Unang hakbang ko palang ay rinig-rinig ko na ang palitan nila ng opinyon. Nag kunwari na lang ako na wala akong naririnig at tanging pinag patuloy lang ang pag lalakad hanggat umabot ako sa silya ko. Pag kaupo ko'y nakaramdam ako ng di komportableng pakiramdam sa puwitan ko. Balak ko sanang tignan kung anong bagay iyon at napag alaman ko na pink na bubble gum pala. Sunod-sunod ang halakhakan ng madla. Malakas ang kutob ko na naka tingin sa direksyon ko si Lily, ayokong makita ang ekspresyon ng mukha niya, ayokong kinakaawaan niya ako. Minsan pinag tatanggol niya ako sa mga nambubully saakin pero pinag bawalan ko siya at sinabing hayaan na lamang ang nangyayari saakin. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil unang pasukan palang ay ito na ang nadadaanan ko. Pero hindi ko ito iniinda, kahit basa, may gum ang short ko at wala akong tanghalian ay pinilit ko paring maging tahimik. Narinig ko nalang na may nag aaway sa loob ng room, hindi ko na tinignan dahil sa tingin ko ay mga lalake lang iyon sa dulo na pinag sama-samang walang disiplina. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng dapat na guro namin ngayon, hanggang ngayon ay wala pa ring homeroom teacher ang dumadating. Kayat napili kong buksan ang novel na binabasa ko ang title nito ay Noctipany of Mundivigant. Maganda ang kwento nito kahit na fantasy dahil naiilarawan ko sakin ang nangyayari sa bida at malaki ang aming pag kakatulad. Nasa chapter 2 na ako ng mas lumakas pa ang kaguluhan sa kasuluksulukan ng gilid ko. Maraming umaawat sa kung sino habang ako ay naka tahimik lang dito habang iniimagine ko ang kaganapan sa binabasa ko. Natutuwa naman ako dahil natutuyo na ang buhok ko pero nangangalam parin ang sikmura ko. Papalakas na ng papalakas ang kaguluhan sa gilid, nag bunga ang kuryosidad ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako or manlulumo sa ganawa niya, bakit niya binugbog ang mga lalake sa gilid ko, hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa isip ni Lily. Sa isip-isip ko, ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay dahil naawa siya saakin. Kita ko na galit na galit siya, hindi ko alam ang dahilan pero sa tingin ko gusto niya akong ipagtanggol. Na pahinto ako sa pagbabasa at inusisa ang pangyayari. Napa tumba niya ang tatlong lalake na bumato saakin ng egg yolk at sa hinala ko'y nag lagay rin ng gum sa upuan ko. Nandidilim ang mata niya kagaya kanina, nabaling siya sa direksyon ko ngunit ang pinakita lang nito sa akin ay naka hahalinang ngiti. Kita ko ang kamay niya na namumula, marahil siguro ay dahil sa lakas ng kanyang kamao, ito na nga ba ang sinasabi ko. Lumitaw ang guro, kung kelan talagang tapos ang gulo doon sumusulpot bigla ang mga teacher na naturingan pang taga hatid ng estudyante sa mabuting tao. Hindi ko tinitignang espesyal ang mga guro dahil nagagalit sila sa mga tanga at bobo, ang pag kakaalam ko ay trabaho nilang gamutin ang pag ka tanga at pag ka bobo ng isang idibidwal ngunit hindi. Ang tanging ginagawa lang nila ay mas lalong pag diinan na bobo ang estudyante. Sa nangyayari ay pumasok ang guro, inanyayaan si Lily na mag tungo sa kung saan. Kasalukuyang dinadala sa clinic ang tatlong lalake habang si Lily naman ay sa faculty room. Hindi ko alam ang nangyayari kay Lily, gusto ko mang mag panggap na wala akong alam na nangyayari ay di ko magawa. Namumukod tanging siya lang ang kaibigan ko, wala ng iba pa. Nawala sa isip kong hindi pa ako nag tatanghalian, nakatingin siya saakin habang inilalabas, naka ngiti na tila ba wala siyang pag-sisising pinag tanggol niya ako. Humarap saamin ang isang guro, pumalakpak ito upang mabaling ang atensyon namin sa kanya. Nag simula na siyang mag turo ng blah blah, wala akong naiintindihan at ang pumasok lang sa isip ko ay kung ano ba ang naging sitwasyon ni Lily. Napa tingin muli ako sa labas ng bintana at pansin kong nangingitim na ito, hindi ko alam kung bakit ayaw paring bumuhos ng ulan. Kanina pa ako nag-hihintay ngunit hindi pa rin bumabagsak. Sumunod na rin ang huling guro at napukaw ang atensyon ko sa tanong nito. "Ano'ng sa palagay niyo ang siyang nauna, katawan o kaluluwa", tanong ng guro na naka suot ng lab coat. Naninilaw ang ngipin niya at napaka itim ng eye bags nito, parang hindi siya natulog sa buong taon dahil sa kaitiman. Napukaw ang atensyon ng lahat ng kaklase ko at ganoon rin ako. Biglang nagising ang diwa ko, kakaiba siya ano kayang sasabihin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD