Prologue

3192 Words
Sumasakit ang buong katawan ko, nag-hahanap ako ng kasagutan sa isip ko kung paano ako nakarating sa lugar na kinalalagyan ko ngayon. Pina-lilibutan ako ng bangkay, dose-dosena , hindi ko mabilang dahilan para sumuka ako. Sumuka ako hanggat bumalik ang diwa ko, subalit dumagdag ang tensyon ng makita ko ang nabubulok na mga puno na naka-paligid, tila ba anumang oras ay babagsak ang mga ito dahil sa kabulukan. Maraming uwak ang naka-paligid saakin, tila ba alam na nila ang susunod kong gagawin. Ngayon ko lang namalayan na ang aking kinatatayuan ay nag lalagkit na bukakang tiyan at mga bituka, sama-sama. Nanlumo ako, tumakbo ako ng tumakbo. Tumatawa ako habang umiiyak. Sa kalagitanaan ng nangyayari sakin hindi ko makontrol ang emosyon ko. Malakas ang pakiramdam kong may humahabol saakin, dahilan upang hindi ako tumigil hanggang kapusin ako sa hininga. Huminga ako ng malalim sa gitna ng kawalan at inalala ng mabuti kung anong nangyari bago ako nakarating sa lugar na ito. Ang tanging naisip ko lang na rason ay nagugutom na ako. Nag patuloy ako sa pag-lalakad at tanging mga punong walang dahon at uwak na nag-mamasid saakin ang siyang tanging nakukuhanan ng mata ko. Ngayon ko lang napansin ang suot-suot ko ay black na panjama dahilan upang mas lalo akong malito sa nangyayari. Malamig na hangin ang umihip sa direksyon ko, parang may sariling utak at saaking direksyon lamang ang dinaanan. Mas lalo akong nag panic ng makita ko ang kalangitan, bumabalot dito ang maitim na ulap at tila ba'y nag babadya ang malakas na ulan. Napag desisyonan kong madaliin pa lalo ang aking pag-lalakad at humanap ng kalapit na bahay upang manghingi ng tulong at masisilungan. Dumeretsyo ako sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa, walang tigil dahil kinakabahan na ako. Sigurado akong nag aalala na saakin ang mga magulang ko dahil nandito ako sa nakaka kilabot na lugar. Nawawala na ang liwanag ng araw at bumabalot na ang madilim na ulap. Hindi ko mapaliwanag ang boses na narinig ko, na nag-tulak saakin upang kumaliwa ako ng daan. Nadaanan ko ang maraming puntod ngunit nahimlay ang kaba ko ng ilang metro ang layo ay nakita ko ang kulay puting bahay. Napangiti na lang ako sa saya, nag simula na akong mag madali dahilan upang matipalok ako. Pumatak na ang malalaking butil ng ulan, kahit kumikirot ay pinilit ko para makarating sa kulay puting bahay. Tuluyan ng bumuhos ang ulan, ngunit nasa harap na ako ng puting pintuan. Sa wakas, pakiramdam ko'y ligtas na ako. Nag balak akong buksan ang pintuan ngunit napansin kong naka-awang pala ito. Marahil ay naka-limutan ng may ari na isara ang pintuan sa harap. Isang bagay lang ang pinag-tataka ko, kung bakit naka patay ang mga ilaw at hindi gumagana ang switch. Saan nanggaling ang di mapaliwanag na narinig ko. Napaka laki ng bahay at maraming kwarto pa akong hindi nabubuksan, napukaw ang atensyon ko sa ilang picture frame. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng pamilya sa larawan dahil walang liwanag na gumagana. Naka pasok ako sa isang kwarto na may puting kama, katabi nito ang naka saradong bintana. Sumampa ako sa kama upang buksan ang bintana , upang madagdagan ang liwanag mula sa loob ng bahay. Pag bukas ko'y walang dudang may malakas talagang bagyo, napaka lamig at walang tigil ang patak ng ulan, lalong-lalo na ang ulap, sa tansya ko'y aabutin hanggang bukas bago tumigil ang ulan. Bumaba na ako sa kama, malakas ang kutob ko na ang bahay na ito ay abandonado na. Maraming kwarto akong mapag pipilian upang gawing tulugan, ngunit karamihan dito'y naka lock. Sa kabutihang palad ay naka kita ako ng coffee sachet at ibang can foods na malaki ang magiging pakinabang sa aking nararamdamang kagutuman. Sa palagay ko'y aabot ang rasyo ng pag-kain hanggang bukas. Pag katapos kong maka-rating dito sa abandonadong bahay ay kauting nag karoon ako ng pag-kakataon kumalma, pag katapos kong makakita ng nakaka-gambalang katawan ng patay na tao na tanging ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko at sa malapitan pa kung maituturing. Natatawa nalang ako sa sarili ko habang iniimagine ang mukha ko habang nawawala sa sarili. Kasabay ng napaka lamig na panahon at malakas na buhos ng ulan ay napag pasisyahan kong mag timpla ng kape at pinili kong sa harap ng bintana ako mag palipas ng oras. Habang naka patong ako sa puting kama. Tanging nakatuon lang ang atensyon ko sa labas habang ang ulap ay namumutawi sa kaitiman. Unti-unting bumigat ang piluka ng aking mata pero tila nawala ang antok ko sa tinig na aking narinig. Sigurado akong hindi yun gawa-gawa lang ng aking isipan, kundi may ibang tao sa bahay na tinutuluyan ko. "Ethan... come here", bulong nito mula sa kung saan, sunod-sunod nitong ulit na salita. Wala akong magawa kundi sumunod at maki harap. Mabuti nalang at meroon akong kutsilyong naka ipit sa panjama ko. Mula ito sa kusina habang nag hahanap ako ng rasyo ng pagkain. Malakas ang kutob ko na hindi siya basta-basta at kung sino lamang, humigop muna ako ng kape bago ako tumayo mula pag sa kakaupo sa kama. Kasabay ng pag patak ng ulan ay ganoon rin ang pamumuo ng pawis sa pagitan ng mata ko. Tila ba kahit na napaka lamig ang bumabalot sa paligid ay nangunguna parin ang tensyon na nararamdaman ko. Nag simula na akong humakbang, nalilito ako sa daanan dahil sa kaluwagan ng bahay na ito. Napaka ganda ng lumang disensyong bahay na ito. pinilit kong humanap ng positibong bagay. Sa bawat pag hakbang ko, pakiramdam ko'y sumisikip ang dibdib ko sa kaba at panlulumo. Sa pag papatuloy ko sa pag lalakad, nabigla ako sa naka balandrang likido. Kahit kaunting liwanag lang ang nag bibigay gabay sa loob ng bahay ay naka sisigurado akong pula ang kulay nito. Kulay pulang likido sa sahig na hindi ko alam ang pinag-mulan. "Are you okay.. Ethan Grimoire?", Hindi inaasahang boses ang bumati sa akin, ang pinag tataka ko'y saang lupalop niya nahagilap kung anong pangalan ko. Hindi ko siya mamukaan dahil sa dilim na bumabalot sa gilid ng pader kung saang lugar niya kinatitirikan. Lumipas ang ilang minuto na tanging naka tingin lamang ako sa kanya. Naka-suot siya ng tuxedo at maganda rin ang kanyang tindigan, na tila ba isang respetadong militar o di naman kaya ay isang negonsyante. Ilang segundo pa ay balak ko sanang lumapit sa kanya kinalalagyan ngunit tinaas niya ang palad na tila ba pahiwatig na ayaw niya akong maka lapit o di naman kaya ay makita ko ang pigura ng kanyang mukha."Who are you?", I asked, out of curiosity. Nanatili siyang tahimik kasabay ng hangin na umiihip kung saan. Naka apak parin ako sa likido na di ko alam kung ano, nag lalagkit na ang paa ko ngunit hindi ko magawang humakbang kahit saang direksyon. Dahil sa lalakeng naka tayo sa gilid. May posibilidad kayang, siya ang dahilan kung bakit maraming bangkay akong nasaksihan na pumapaligid sa nakaraang kinatatayuan ko. Kahit di ko masyadong makita ang kanyang mukha, malakas ang pakiramdam kong naka ngiti siya at naka ngisi. Sa akalang wala siyang balak na lapitan ako ay mali pala. Humakbang siya ng isa, tumindig ang balahibo ko sa bawat pag-yabag ng kanyang mga paa. Dahilan upang mapa atras ako. Nakabibingi ang tunog ng dibdib ko, walang tigil at tila ba hindi na ako nakaka hinga ng sapat na hangin dahil sa nakaka-takot niyang awra. Wala siyang alin-langan kahit na may malagkit na likido sa tiles kung saan ako naroroon. Naka yuko lamang siya habang humahakbang papalapit sa kinaroroonan dahilan upang hindi ko makita ang kanyang kabuuang pigura. Kaunting segundo na lang ay walang dudang makaka lapit na siya saakin, kaya't ang naka-ipit na kutsilyong nakuha ko sa kusina ay inilabas ko. Sigurado napansin niya ang matulis na bagay na inilabas ko pero hindi siya nito natinag at nag patuloy parin sa pag lalakad. Ilang saglit pa ay nasa harap ko na siya at naka yuko parin ang ulo nito. Minuto ang lumipas at tangging hawak ng aking dalawang kamay ay matalim na kutsilyo sa harapan niya. Namamawis na ang kamay ko, hindi ko ininda ang mga kaartehan, lalake ako kaya't kakayanin kong ipagtanggol ang sarili ko. Sa isang segundo ay nabitawan ko ang hawak ng kamay ko, bagay na dala ko gamit pang proteksyon sa sarili. Nang hihina ang tuhod ko, segundo noong tinaas niya ang mukha niya mula sa pag kakayuko. Hindi umaayon ang utak at katawan ko, nakita ko ang lalakeng naka suot ng tuxedo, sa tansya ko ay nasa 30's na ito. Bigla ko nalang napansin na tumutulo ang mata ko, pinilit kong pigilan ngunit tila may sariling utak ang katawan na kinabibilangan ko, lalo ang mata ko. "Marahil ay hindi mo na'ko natatandaan, nais ko sanang isama ka ngunit masyado kapang bata." Naramdaman ko ang lungkot niya, pag katapos niyang isiwalat ang mga salitang iyon. Tumingin ako sa kanyang mata. Naka tingin lamang siya saakin habang nanggigilid ang luha nito. I looked at him but the only thing I feel for him is single pity. Pinulot ko ang kutsilyo, kailangan ko pa rin ito at mahirap na kung ano pang pakulo ang ginagawa niya. May tiyansa na nag papaawa lang siya sakin upang makuha ang loob ko. Malakas parin ang ulan sa labas, hindi nag bago ang lakas nito mula kaninang nakarating ako dito, hanggang ngayon na may misteryosong taong pamilyar saakin. Ang inaakala ko ay mayrong butas ang bubong sa taas dahil nababasa ako, ngayon ko lang napansin na ako pala ang dahilan kung bakit ako naliligo sa likido. Hindi ko manlang naitanong ang pangalan niya bago ko siya pakawalan sa pag dudusa niya. Naka tingin lang ako sa kanya habang ang kaninang kutsilyo na napulot kong muli ay naka-tarak na sa leeg ng lalakeng nasa harap ko. May sasabihin pa sana siya ngunit di na niya maituloy, dahil ang kutsilyo ay tamang-tamang natarak ko sa adam's apple nito. Gumagapang siya habang ang dalawang kamay nito ay pinipigilan ang pag ragasa ng dugo mulan sa leeg nito. Lukot-lukot na ang suot niyang mamahaling tuxedo. Dahil mabait ako ay tinarak ko naman ang batok nito, sa kalagitnaan ng pag gapang niya papalayo saakin ay di ko inaasahan na tatagos pala mula ang kutsilyo kong ginamit, hanggang batok tungo sa adam's apple niya. Walang duda na maraming matatamis na dugo siyang niluluwa. Tumitirik ang mata nito na tila ba nag mamakaawa saakin na isa pang saksak. Pero sayang hindi umabot, di kalaunan ay tumugil rin siya sa paggapang. Inapak-apakan ko ang ulo nito at lahat ay nag bunga ng napalitaw ko ang utak niya. Nag bunga ang effort ko at nakita ko ang pinapangarap ko. Hindi ko alam ang nangyayari saakin, pakiramdam ko ay wala ako sa sarili, hindi ganito dapat ang ginagawa ko. Hindi ko din sigurado kung mali ba o tama na tinulungan ko siya na pakawalan sa pag dudusa niya mula pa kanina. Pakiramdam ko'y kakilala ko din ang lalake na kaharap ko ngayon, pero hindi ko matandaan kung saan. Umihip muli ang malakas na hangin dahilan para kilabutan ako. Naka harap parin ako sa naka balandrang katawan nito, konti nalang ang dugong lumalabas sa kanyang leeg. Kanina ay para itong fountain ngunit ngayon ay parang mahinang gripo nalang. Napa-ngisi nalang ako sa kalokohang bumubuo sa isipan ko. Lumuhod ako sa kakaibang rason at yun ay dahil sa nauuhaw ako. Napaka dumi na ng panjama ko dahil sa pag luhod ko. Kaunting binaling ko ang ulo ko patungo sa sahig kung saan napunta ang bagong katas na dugo ng lalakeng tinulungan ko. Pumikit ako at dinilaan, matamis ang naging panlasa ko, hindi ko alam sa katawan ko. Kani-kanina ay uminom ako ng kape habang pinag mamasdan ang labasan mula sa bintana ngunit ngayon ay nauuhaw nanaman ako. Kasalukuyan akong naka pikit habang inaabot ng dila ko ang nakasalansan na dugo sa harapan . Nakaramdam ako ng paggalaw ng kung sino, dahilan upang buksan ko ang mata ko upang mag obserba sa paligid, kumabog ng napaka lakas ang dibdib ko. Nawawala ang lalakeng binigyan ko ng karampatang tulong. Nag madali ako hanapin ang direksyon kung saan siya maaring mag punta. Pamilyar ang bahay na ito, sa kalagitnaan ng pag hahanap ko' natuklasan ko ang power ng kuryente ay naka-baba, tinaas ko ang power nito at sinimulan kong buksan lahat ang bumbilya. Kaya pala ayaw gumana ng ilaw kapag pinipindot ko ang switch. Sumakit bigla ang mata ko matapos kung buksan ang pang-unang bumbilya. Ang bahay na ito ay isang mid-century modern architecture style na tirahan, ngayon ko lang nagawang ilarawan. Sa pag bukas ko ng liwanag marami akong kagamitang natuklasan, isa sa pumukaw ng atensyon ko ang isang painting. Kakaiba ito at hindi ko mapaliwanag sa salita pero talentado ang gumuhit, gamit ang kakaibang disenyo at may malalim na ibig isalamin. Pangarap ko rin na balang isang araw na maging isang magaling na pintor. Sinampal ko ang sarili ko, hindi dapat mga ganung bagay ang siyang iniisip ko sa kasalukuyang sitwasyon. Marapat kong tulungan ang lalakeng nasa 30's na kausap ko kanina ngunit nag laho siya ng di ko namamalayan dahil naka tuon ang atensyon ko sa iniinom ko. Marami din akong naka bukas na bintanang nadaanan, kitang-kita ko ang malakas na bugsong rumaragasa mula sa maiitim na ulap. Pero hindi pumasok sa isip ko na lalabas siya dahil napaka lakas ng ulan sa labas. Walang kalapit na bahay ang makikita sa daanan kundi mga nakakatakot na puno, puntod lalong lalo na pati narin uwak na nakaka-kilabot ang tunog. Sa kalagitnaan ng aking pag lalakad dinala ako ng mga paa ko tungo sa naka lock na pintuan na sa harapan ay may dugong bumabalangkas, dahil sa aking kuryosidad ay nag hanap ako ng paraan upang mabuksan ko ay pintuan. Pumasok sa isip ko na bago ako pumasok sa sa bahay na ito mula sa pinto ay mayroong mga susing naka sabit, katabi ng salamin pababa sa hagdanan. Grabe nagugutom na talaga ako at wala pang kain, tanging kape lang ang nalagay ko sa tiyan ko. Pero ngayon, hindi ko maintindihan gaano ba ako kabait upang piliing tulungan ang isang lalakeng ngayon ko lang nakita na wakasan ang kanyang pag durusa. Wala akong sinayang na oras at tumungo ako kung saan ko nakita ang mga susi. Nahihiya naman ako sa tunay na may-ari ng bahay kung sakaling abutin niya ang pinundar niyang tirahan na wasak ang isang pinto. Hawak ko na ang di mabilang na mga susi. Maraming minuto akong inilaan sa pag suot, labas at pag isa-isa ng susi sa doorknob hanggang sa sumunod na mga subok ay hindi parin bumukas. Walang umayon na susi sa natatanging pintong naka harap saakin. Wala na akong iba pang mapag pipilian kundi gumamit ng pwersa. Mapatawad sana ang ng nag mamay ari. Sinira ko ang door knob ng pinto gamit ang fire extinguisher na nakita ko lang kung saan. Hindi ko inaasahan ang makikita ko pagtapos kong masilayan ang tinatagong lihim ng pintuan. Wala akong hinalang ito ang haharap sakin pagtapos kong mag pakita ng effort sa pag bukas, biglang sumakit ang ulo. Hindi ko ininda ang pananakit ng ulo ko at nag patuloy parin akong wasakin ang pintuan sapat upang maka pasok ako. Binitawan ko kung saan ang fire extinguisher at pag pasok ko'y agad kong hinanap ang switch ng ilaw sa gilid ng sinira kong pinto, dahilan upang tumambad saakin ang dalawang katawan na lumilipad, hindi pala. Kinuskos ko ang mata ko upang linawin ang nakikita. Hindi nag kakamali ang aking dalawang mata, dalawang katawan ang naka sabit sa tali at naka lawit ang kanilang parehong dila. Naka luwa rin ang nag-lalakihang mata nila na animo'y kahalintulad ng golf ball ang size. Isang babae at isang lalake, ang lalakeng naka bigti ay ang lalakeng humarap saakin habang naka suot ng tuxedo at bumabalot ng luha ang mata. At sumunod naman ang babaeng katabi niya na sa palagay ko'y mag asawa sila. Hindi ko alam kung saan nakuha ng lalakeng kausap ko kanina na kumuha ng lakas para mag bigti sa kwartong ito pag tapos kong saksakin siya dahil sa awa ko. Kulay lantang kulay ang kanilang itsura, nangingitim na rin ang kanilang leeg. Ang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko mapaliwanag parang sasabog ang puso ko dahil sa paninikip. Ano bang nang-yayari, hindi ako maka sabay sa sunod-sunod na kaganapan, tila ba maraming kababalaghan ang bumabalot sa mundong ito. Sa pag mamatiyag ay napatawa ako sa isang bagay na ngayon ko lang nabigyan ng kahulugan. Kung sana nakita ko ang power switch ng electricity bago ito, hindi sana ako malilito. Sa baba ng dalawang bangkay ng naka bigti, napansin ko ang picture frame, sa upuan na hinala ko ay pinag-tungtungan nila upang maka pag bigti. Litrato ito noong anim na taong gulang palang ako, kasama ko silang dalawa. Tumulo na ang luha ko, naiintindihan ko na ang nangyayari. Sa kaliwang lubid ay si papa and sa kanan naman ay si Mama. Ang dahilan kung bakit wala akong naaalalang ni isang bagay ay lahat ito'y isang panaginip. Panaginip kung saan naganap noong ako'y musmos pa lamang. Mga panahon kung kailan nasaksihan ko ang mga magulang ko na nag bibigti. Naliwanagan ako, ito ang tahanan ko bago ako lumipat sa tirahan ng lolo ko, tahanan kung saan nag pabago saakin. Tirahan na inaakala kong mag bibigay sakin ng pag mamahal at pag aaruga ngunit nag kamali ako. Ito ang tahanan na nag molde sa pag katao ko upang mawalan ng interes sa bagay-bagay at walang katuturan. Nalaman ko na at tinatanggap ko na, isa nalang ang hihilingin ko. Gusto ko ng magising sa delubyong mundo ng panaginip na nag papaalala sakin ng madugong pag kabata ko. Hindi ako komportableng balik-balikan ang naka panlulumong nangyari saakin ngunit mabuti rin ito upang tuluyan ko ng maka limutan ang naka gagambalang pang-yayari na pinakita pa sakin mismo ng aking mga magulang, noong anim na taong gulang ako. Ang malupit pa ay iniwan nila ako sa grandfather ko na nabubuhay sa delusyon at palaging bukang bibig ay kakaibang mundo, ngunit hindi naman ako sinasaktan at minama lupitan. Lalo naman ang balat niyang nakaka kilabot ang kulubot. Masaya akong balikan ang mapait na nakaraan na ito at sa kasabayan ay naka-isip ako ng magandang paraan upang magising ako at yun ay mag papatiwakal katabi nili. Pinapangako kong huling panaginip na ito dahil buburahin ko na ito sa puso't isipan ko. Lumikha ako sa isipan ko ng may bakanteng tali at napilikong katabi ni papa at tama ang hinala ko, lumitaw ang tali at kontolado ko ang takbo ng panaginip na ito. Ito ang mundong idinisenyon ng aking malikhaing isipan marahil ay nabuo ito dahil di ko parin makalimutan ang mga nangyari ngunit iba na ngayon. Wala akong inaksayang oras at ginawa ko ng kwintas ang lubid papaikot sa leeg ko. Hindi ako maka hinga ngunit wag mag alala, gigising ako sa mundo ng mga buhay. Inaantok na ako bumibigat na ang piluka ng mga mata ko, sa huling sandali ay tinignan ko ang mukha ng ina't, ama ko. Kahit sa panaginip, pakiramdam ko ay kasama ko sila sa panaginip kong ito, sa wakas makakapag pahinga na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD