XELLONIA POV TAHIMIK pa rin ako sa loob ng sasakyan pagkatapos ko siyang tanungin pero wala na naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ganoʼn pa rin kasi ang sagot niya sa akin noong unang komprotasyon naming dalawa. “We are here, Miss Xellonia.” Napatingin ako sa kanya na palihim. Nakita kong huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang napakalaking gate na kulay black. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ako sa loob ng kanyang kotse, hawak ko ang maliit kong bag. Kaunti lang naman kasi ang gamit ko. Nagulat ako nang bumukas ang gate, dahan—dahan pumasok ang sasakyan, at doon ay muli kong nakita ang bahay nila. Pangalawang punta ko na rito sa bahay ng Santi na ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanilang bahay. Malawak. Elegant. Halos parang hotel talaga. “Grabe...” hindi ko napi

