XELLONIA POV NAKAPASOK na ako sa loob habang kabog kung kabog pa rin ang aking puso. Napatingin sa akin sina Mama at Santi saltik na iyon. Nakita ko ang pag—usbong ng kanyang ngisi nang makita niya ako. Aba, ngumingisi pa talaga siya, ha? “Mabuti naman at dumating ka na rin, Xellonia. Kanina ka pa namin hinihintay!” bulalas na sabi ni Mama habang maraming pagkain ang nasa lamesa namin. Tama nga ang sinabi ng kapitbahay namin, ang daming pagkain na inorder nila. Mukhang si Santi saltik ang nagbayad sa pagkaing nasa lamesa namin. Masama kong tinignan ang Santi na iyon na nasa gilid ni Mama, nakaupo sa mono block chair namin. Nandito nga siya. Siya nga ang tinutukoy na gwapong bisita namin. Gwapo? Nasaan? Wala akong makita. “Anong ginagawa mo rito?” mahinang sabi ko habang nakatingin

