CHAPTER 6

1088 Words
XELLONIA POV NASA harapan ko na ngayon ang Flavor of the Month Bar. Nakita ko kung gaano kalaki ito at maging ang parking lot sa bar, mukha kakasya rito ang 100 cars. Hula ko lang. “Xellonia, hindi na kita masasamahan sa pag—apply mo, ha? Maghihintay pa kasi kayong mga mag—apply sa gilid ng bar. Alam ko kasing mamaya pang 9PM ang starts ng interview pero mas maganda kung maaga para mauna ka at para hindi ka maabutan ng init ng ulo ni Manager Phil.” sabi niya sa akin. “Kapag uminit pa naman ang ulo ni Manager Phil, ligwak na lahat ng applicants kahit maganda ang records nila. Iyong isa nga raw bago ako pumasok dito, may isang applicant na senior manager sa food and beverages department, pero naligwak niya dahil uminit na ang kanyang ulo. Kaya sana good shot siya.” dagdag niyang sabi sa akin. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Parang bakit lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon. “G—ganoʼn ba? So, nakasalalay sa mood niya?” Tumango siya sa tanong ko. Sana good mood siya. Lord, dinggin mo ang panalangin ko. Lumakad na kami papasok sa loob at pinakita ni Cathy ang kanyang ID, pinapasok siya pero naharangan ako. “Um, bossing, kasama ko po. Mag—a—apply for Waitress.” sabi ni Cathy sa bouncer. “Ako ang referral niya. May mga ibang applicants na ba?” dagdag na tanong ni Cathy. Ako nasa labas pa rin. Natatakot na ako para sa sarili ko. Alam ninyo iyong sa movie? Iyong possible na pʼwedeng mamatay agad ako on the spot. Yes, sa kinatatayuan ko talaga dahil sa titig ng bouncer ngayon sa akin. Kung kandila lang ako? Baka lusaw na ako. “Ganoon ba? So, ikaw ang may vouch dito! Kapag may ginawang masama ang kasama mo, masisisante ka.” babalang sabi ng bouncer kay Cathy. “Oo naman po. Ako bahala rito.” Sinenyasan ako ni Cathy na lumakad palapit sa kanya, pero hindi ko maihakbang ang paa ko dahil nakaharang pa rin ang bouncer sa harap ko. Tinignan niya ako at umalis din sa akin harapan, pero masama naman niya akong tinitigan. “S—salamat po. W—ala po akong gagawin m—masama. M—mag—apply lang po talaga ako.” Pautal—utal na sabi ko sa kanya at napabuga nang hininga nang makalampas kami sa kanya. “Kinabahan ka, ano? Ganoʼn lang talaga rito. Sobrang higpit. Ihatid mo na kita sa room kung saan ka maghihintay.” “Thanks.” Wala na akong ganang magsalita dahil kinakain na ako ng kaba. Pumasok kami sa isang room at doon ay may nakita akong ibang applicants na nauna sa akin. Katulad ko ay naka—formal attire sila, nagdala ako ng extrang damit kanina. “Ang daming mag—apply today, ha? Pumasok ka na, Xellonia. Then, hintayin ninyo na lang mag—nine ng gabi para tawagin kayo ni Manager Phil. So, mauna na ako, ha? Tawagan mo na lang ako if nakapasa ka.” Tumango ako sa kanya sinabi. “Okay, thank you again, Cathy.” “Next time ka na mag—thank you kapag hired ka na. Good luck!” Tinapik niya ang balikat ko at nauna na siyang umalis sa akin. Huminga akong malalim. “Kaya natin ito, Xellonia. Sarili lang natin ang ating kakampi,” saad ko sa aking sarili. Naupo ako sa dulo at base sa aking bilang ay pang—13 ako. Unlucky iyon, ʼdi ba? Huwag naman sana. Naghintay kami ng apat na oras dito. Nagugutom na ako at mabuti na lang din ay binigyan ako ni aling Milagring ng pagkain kaya kinain ko paisa—isa ang shanghai na nasa plastic labo lang nakalagay. May pumasok na isang babae at sinabi sa aming mag—uumpisa na ang interview. Binigyan niya kami ng papers na susulatan namin about sa work na a—apply—an namin dito. Nakahinga kaming lahat at ang ibang babaeng kasama ko ngayon ay nag—re—retouch na sila. Ako? Tamang polbo na lang muli. Nakita kong ako na ang sunod kaya nag—relax ako akong maigi habang hawak ang paper na binigay kanina. Sinagutan ko ang lahat ng ito. Hindi namin nakikita ang mukha ng mga nauna sa amin dahil hindi na sila bumabalik sa room kung nasaan kaming ibang applicants, mukhang diretso na silang umuuwi or what. Kaya hindi namin alam kung ilan na ba ang nakakapasa at naliligwak. Napatayo na ako nang sumilip ang babae at nagsalita ito. “Next!” Isang malakas na sabi niya na siyang pagnginig ng aking katawan. Lumakad na ako palabas sa room habang nagdadasal ng Ama Namin sa aking isipan. Tinuro niya ang isang pinto kaya lumakad ako papunta roon, kumatok muna ako at saka ko binuksan ang pinto. Doon ay nakita ko ang sinasabi ni Cathy na si Manager Phil. Siya na siguro ito. “Papers?” baritonong sabi niya sa akin kaya binigay ko ang aking dala. Nakatayo lamang ako rito habang ang kanyang mga mata ay salitang napupunta sa akin at sa hawak niyang papers. “Waitress? Kanino mo nalamang bakante ang position na ito?” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya at napalunok. Grabe naman kasi ang titig na binibigay niya. “Um, sa kaibigan ko po... Kay Cathy Manansala po. Sa kanya ko nalaman na opening po rito.” Kahit malakas ang kabog ng aking puso, hindi ako nauutal. Nakatitig lang din ako sa kanyang mga mata ngayon. “Ganoʼn ba?” Iyong titig niya ay nasa akin pa rin. Tumango ako sa kanya nang paulit—ulit. Hinihintay ko muli siyang magsalita pero, wala ng lumabas sa kanyang bibig. Binaba niya ang paper na binigay ko sa kanya at tinignan muli ako. “You have a good credentials. Graduating ka rin ngayong taon... So, bakit kailangan mo pang maghanap ng work?” tanong niya sa akin. Napalunok ako sa kanyang titig. “Kailangan ko pa po kasi ng pera lalo naʼt may review pa po akong kailangang asikasuhin para sa LET this September. Kaya nag—apply ako rito.” Nakatitig ako sa kanyang mga mata. Tinignan niya lang ako. “Okay, Ms. Clemente. Tatawagan ka na lang kapag hired ka. Maaari ka ng umalis.” Tumango ako sa kanya at lumabas ng kanyang office. Tatawagan? 50/50 iyon, ʼdi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD