XELLONIA POV
BUMUGA ako nang mahina at dahan—dahan na tumango sa kanyang sinabi. “Um, sige po, Aling Milagring.” hiyaw na sabi ko at lumakad papunta sa office room ng senior namin. Siya ang mataas na employee rito sa canteen.
Kumatok ako nang tatlong beses at binuksan ang pinto. “Hello po, Senior.” mahinang sabi ko. “Si Xellonia po ito. Pinapatawag ninyo raw po ako.” dagdag na sabi ko at yumuko sa kanya.
Iyon lang ang tawag namin sa kanya. Ayaw niyang ipagamit ang kanyang name or surname.
“Nandito ka na pala, Xellonia.” Kaunti pa lang ang sinasabi niya pero kinabahan na ako.
“Ano pong kailangan ninyo? May nagawa po ba akong mali?” tanong ko sa kanya.
Hindi pa siya nakatingin sa akin, bagkus ang kanyang mga mata ay nakatingin sa papers and laptop ka nasa harapan niya.
“Pinapatawag nga kita, Xellonia.”
Lalong nangatog ang aking tuhod nang mapatingin sa akin si Senior.
“A—ano po ang kailangan ninyo?” ulit kong tanong sa kanya.
Kinakabahan na ako. Bakit kasi hindi na lang niya buuin ninyong gusto niyang sabihin sa akin?
Bakit kailangan pang putol—putulin ang sasabihin niya?
Nakapako na sa akin ang kanyang tingin. “Xellonia, graduating ka na this year.” Tumango ako sa kanya. “Ayon sa rules ang regulations ng canteen para sa mga part—timer na katulad mo... Isang linggo bago matapos ang school year ay kailangang tumigil na rin ang part—timer na graduating this year, Xellonia. Alam mo na ang ibig kong sabihin,” sabi niya sa akin.
Napahinto ang paghinga ko nang marinig ko ang sinabi niya. “P–po?” nauutal kong tanong sa kanya. “A—ano pong ibig niyong sabihin?” Gusto ko pa rin itanong iyon kahit alam ko na.
“Last week mo na as canteen staff, Xellonia. Pasensya na pero iyon ang rules.”
Napahawak ako sa aking kamay. Nakalimutan ko na ang tungkol doon dahil ilang taon na ba ang lumipas nang maging part timer ako rito canteen ng Lazaro University?
“S—Senior, p—pʼwede po bang ma—extend ako? Kailangan ko lang po ng work kasi balak ko pa pong maghanap ng review center for LET Exam this September po. Kailangan ko pa po ng money,” sabi ko sa kanya.
Hindi ako pʼwedeng mawalan ng trabaho.
“Xellonia, hindi kita pʼwedeng pagbigyan dahil once na malaman ng iba iyon ay sasabihan nilang may pinapaboran ako. Kaya pasensya na. Last week mo na talaga.”
Bumaba ang aking magkabilang balikat dahil sa narinig kong iyon. Wala na talagang magagawa.
“Okay po, Senior.” mahinang sabi ko sa kanya.
“Pasensya na, Xellonia. No hard feelings.”
Alam ko namang ginagawa lang ni Senior ang trabaho niya.
“Wala po iyon sa akin, Senior. Alam ko naman pong ginagawa ninyo lang ang tungkulin ninyo.” Nakangiting sabi ko sa kanya para malaman niyang maayos lang ako, pero deep inside, durog na durog na ako ngayon. “Aalis na po ako, Senior.” dagdag na sabi ko at lumabas na sa kanyang office.
Napabuntong hininga ako dahil may tatlong araw na lang ako para makapag—trabaho rito.
“Xellonia, anong sinabi sa iyo ni Senior?”
Hindi ko napansing nasa gilid si Aling Milagring kaya nagulat talaga ako nang marinig ang boses niya.
Napahawak ako sa aking puso. “Kayo lang po pala, aling Milagring.” saad ko sa kanya.
“Ano ang sinabi sa iyo? May mali ka bang ginawa?”
Umiling ako sa kanya. “Um, wala naman po akong mali na ginawa. Kinausap lang po ako about sa last week ko na po rito as canteen staff po. Hanggang this Friday na lang po ako,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa mukha niya. “Ay, ganoʼn ba?”
Tumango ako sa kanya. “Sige po, labas na po ako, aling Milagring.” sabi ko sa kanya.
Kailangan kong maghanap ng work.
“Xellonia, table 3!”
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Gina. Nasa karinderya na pala ako ngayon, heto ang pangalawang trabaho ko. Malapit lang naman ito sa bahay namin, sa labas lang ng kanto.
“Okay po, ate Gina!” Kinuha ko na ang tray para sa table 3. Binigay ko iyon sa kanila at umalis na rin agad.
Hindi ko makalimutan ang sinabi ng Senior ko kanina. Hindi ako makapaniwala na last week ko na sa work ko as staff sa canteen. Heto ang work ko rito para makaipon ng pera.
Panggastos ko.
Kahit naman scholar ako ay may binabayaran pa rin ako, like bills— bills sa bahay namin.
“Argh! Hindi ko na alam gagawin ko! Kailangan ko pa naman mag—ipon para sa review center ko this September LET.” sabi ko sa aking sarili.
“Xellonia, ayos ka lang ba?”
Nawala ang kamay ko sa aking mukha at napatingin kay ate Ina, siya ang may—ari ng karinderya.
“Ah, opo. A—ayos lang po ako. May iniisip lang po ako,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Akala ko ay may problema ka. Ga—graduate ka na this year, tama ba ako?”
Tumango muli ako sa kanya. “Opo, ate Ina. Ga—graduate na po ako.” Ga—graduate na walang pera.
“Good luck sa totoong buhay, Xellonia. Paniguradong aalis ka na sa karinderya ko—”
“Hindi po, ate Ina!” mabilis kong sagot sa kanya. “Hindi po ako aalis dito kasi po... Need ko pa po ng work, ate Ina. Mag—le—LET pa po kasi ako kaya kailangan ko ng money pa po for my review center.” dagdag na sabi ko sa kanya.
“Ganoʼn ba? Kung iyon ang gusto mo ay pʼwede ka pang mag—stay rito.”
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko iyon. “Salamat po, ate Ina.”
“Oh, siya bumalik na sa trabaho. Dumadami na ang customer natin.” Tumango ako sa kanya at saka nag—asikaso muli sa kanyang karinderya niya.
Starting tomorrow ay kailangan kong humanap ng part time job muli.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil namomoblema ako kung anong gagawin ko ngayon. Last week ko na as staff sa canteen ng Lazaro University.
I need to search a work. Kailangan kong mabuhay dahil sarili ko na lang kakampi ko ngayon.
Lumabas ako sa kʼwarto ko na sobrang tahimik pa. Tulog pa ang mga tao na kasama ko rito. Lumakad ako papunta sa ilalim ng kalan namin, kinuha ko ang tinago kong tubig para sa panligo ko ngayong umaga.
Wala pa rin kaming tubig dahil wala pang pera si kuya Randy.
Kailan ba magkakaroon ng pera iyon?
Asa na magkakaroon pa kami ng tubig.
Natapos na rin akong maligo, tahimik pa rin. Nagsuot na rin ako ng uniform ko, kailangan pa namin mag—uniform kahit sa practice ng graduation namin.
Nag—powder na lang ako at saka lumabas na rin sa kʼwarto ko, ni—lock ko iyon.
Walang almu—almusal ay lumabas na rin ako sa bahay namin. Kakain na lang ako sa canteen, susulitin ko na ang pagiging staff ko roon for free food.
Nakarating ako sa campus at sobrang aga no pa rin. Actually, 10AM ang pasok ko, pero 6AM pa lang ay nandito na ako. Napahawak ako sa aking tiyan, kumakalam na iyon.
Lumakad ako papunta sa canteen at hinihiling ko na sana ay may niluluto na roon. Nagugutom na talaga ako.
Napalunok ako nang may maamoy akong masarap. Pumasok ako sa likod at nakita ko sila ate Mona.
“Good morning,” nakangiting sabi ko sa kanila.
“Ang aga mo, Xellonia.” turan nila sa akin.
“Um, pʼwede po bang makakain? May free food pa naman po ako kahit hanggang Friday na lang po ako?”
Nahihiya talaga akong sabihin ito lalo na kung hindi ko pa shift. Pero, need kong kapalan ang mukha ko dahil gutom na gutom na ako.
“Oo naman, Xellonia. Nabalitaan nga namin dahil graduating ka na this year. Kailan ba graduation mo?”
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko iyon. “Sa April 17 po, ate Mona.”
“Oh, heto, pagkain. Sopas pa lang ang nailuluto namin. Kung gutom ka pa ay bumalik ka na lang, ha?” sabi niya sa akin. “Oh, siya may gagawin pa ako. Ako ang nakatoka ngayon sa mga fried, ang dami nito. Bigyan kita once na makaluto ako.”
Umiling ako sa kanya. “Huwag na po, ate Mona! Okay na po ako sa sopas!”
“Huwag kang mahiya, Xellonia. Iyong mga bago nga ay mas marami pa ang kinakain kaysa sa iyo na ikaw ang mas matagal sa kanila. Babalik ako. Bibigyan kita.”
Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. Mukhang mabubusog ako ngayong umaga.