Hirein's POV
At dahil nga sabado ngayon ay napag pasyahan namin ng Section Eleven na mag
gala kami sa plaza.Lahat naman na kami ay nakapag review para sa second quarter test namin kaya wala ng problema.
Medyo may talino naman pala sila kaya sure akong maraming makakapasa sa amin.Sana makapasa nga kaming lahat.Andito ako sa dorm natulog kagabi pagkauwi ko kaya baka sa may gate nanaman kami magkikita-kita.Kasama namin ng Section Eleven sila Selene,Sunny at Heaven kaya sure akong magkakasayahan talaga kami.
"Hello?"bungad ko ng may tumawag sa akin sa cellphone,kasalukuyan akong nandito sa kwarto at nakaharap sa salamin.
"[Asan kana?Nandito na kami sa labas ng girls dormitory]"sabi ni Heaven mula sa kabilang linya.Agad akong napatayo sa inuupuan ko sa harap ng salamin at nagmamadaling inayos ang mga gamit ko.
Nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone habang naglalagay ako ng make-up sa shoulder bag ko.
"Wait lang.Palabas na"nagmamadali kong sabi.
"[Wag kanang magpaganda.Oo,maganda kana pero mas maganda parin ako sayo]
"Sabi ni Heaven at humalakhak na parang mangkukulam dahilan para mapangiwi ako.
Kapal....
"Papatayin kona to"sabi ko at agad na pinatay ang tawag kahit hindi pa sya nagsasalita.
Isinabit kona ang shoulder bag ko sa balikat ko at lumabas na ng dorm at ni-lock iyon.Hindi ako dito didiretso mamaya dahil sa bahay ako uuwi.
"Tagal mo naman"nakabusangot na bungad sakin ni Sunny.Ngumiwi ako.
"Sorry,hindi ako nakapag set ng alarm ko kagabi"nakangiwi kong sabi.
"E di---naks naman!Nagiging fashonista kana rin ha"sabi ni Selene bago pasadahan ng tingin ang aking buong body.
Ngumisi ako at pumameywang sa harapan nila."Bagay ba?"nakangisi kong tanong bago umikot sa harapan nila.
"Sure akong lalong ma-iinlove sayo si Clint"nakangising sabi ni Heaven dahilan para matigilan ako.
Hala!
Oo nga pala.Kasama nga pala namin ang buong Section Eleven.Bigla akong nahiya.
Tinalikudan ko yung tatlo at nagsimula ng maglakad papasok ng girls dormitory.
"Hoy!San ka pupunta?"tanong ni Sunny na pasigaw dahilan para umecho eto sa buong corridor.Hinarap ko sila.
"Magpapalit"sabay-sabay na tumaas ang kilay nila.Napakagat ako ng ibabang labi bago magpatuloy.
Mabilis naman nila akong sinundan na tatlo pero tuloy parin ako sa paglalakad.
Hinablot nila ang braso ko at hinarangan naman ni Sunny ang dadaanan ko gamit ang dalawang kamay.
Pinanlakihan ako ng mata ni Heaven.
"Hindi kana magpapalit!"nanlalaking matang sabi nya.
"Ihh!Ayoko na nito,maiksi"reklamo ko.
Bakit ba hindi ko naisip ka kasama ko pala sila Clint.
Pinanliitan ako ng mata ni Selene."Gaga kaba!Dati nga nagsusuot ka ng ganyang kaiksi!"nanliliit ang matang sabi nito.
Sumabat si Sunny."Kaya nga!Tapos ngayon kapa mahihiya!"sabi naman nito.
Natigilan ako.
Oo nga no.
Napakagat ako sa ibabang labi."E kasi..."
"Nandon naman si Clint.Hindi ka naman mababastos,proprotektahan ka non"
Nginitian nya ako bago haplusin buhok ko na nakalugay."Hindi ka nya pababayaan,
Hindi na mangyayari ang nangyari sayo noon"
Nilingon ko sila Sunny at Selene.Ngumiti at tumango sila sa akin."Hindi ka non pababayaan"sabay na sabi nila.
Bigla nalang akong sinakal ni Heaven gamit ang braso nya dahilan para samaan ko ito ng tingin.
"Kaya Hirein,let's go na!I want to see his reaction"sabi nya habang ngiting-ngiti.
"Nagtext si Mike sakin"sabi ni Selene dahilan para mapatingin kami sa kanya. Nakatingin sya sa cellphone nya.
Iniharap nya samin ang cellphone nya.
Mike my Bae:
Bae,nasan na kayo?Kanina pa naiinip sila
dito.
"Kaya kung magpapalit kapa, matatagalan tayo at lalo silang maiinit"
Sabi ni Selene bago itago ang cellphone.
Napakagat ako sa ibabang labi.
Nakapag maiksi na nga pala ako sa harap nila.
Tinignan ko silang tatlo."Sige na nga" agad silang ngumiti sa akin.
"Arat na!"
"Yieeeeeeeeee!"
"Kinikilig ako HAHAHAHAHA!"
---
"Tagal nyo naman"bungad kaagad samin ng Section Eleven ng makarating kami sa may tapat ng gate.
"Ano bang pakialam nyo?"taas kilay na sabi ni Heaven sa kanila.
"Sabihin nyo lang manchichix lang kayo"sabi naman ni Sunny na agad na ikinatanggi ng mga kaibigan namin.
"Loyal ako kay Crush!"
"Loyal ako kay Maria my loves!"
"Ay hindi!"
"No,no,no,no!"
"Never!"
"Di mangyayari yan!"
Napangiwi nalang ako dahil sa mga sinasabi nila.Mga sinungaling.
Umirap nalang yung tatlo doon sa mga manliligaw nila dahil hindi sila tumanggi.
Napangiwi nalang ako ng lihim nilang sulyapan yung tatlong lalaki na nakatitig sa kanila tapos lihim na ngingiti na parang tanga.
Lah!Lah!Lah!Harot!
Naiiling nalang ako sa tatlo dahil sa sobrang ka-pabebehan nila.Naol.Agad na dumapo ang tingin ko sa isang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin.
Umiwas ako ng tingin.Gagi kinikilig ako!
Agad akong lumapit doon sa tatlo pero hindi pa ako nakaka limang hakbang ay
may humawak na agad sa bewang ko.
"Where are you going,babe?"agad na nanigas ang katawan ko.Hindi ako makakilos dahil sobrang bilos ng t***k ng puso ko.
Ramdam ko rin ang hininga nya sa may tenga ko.Shit!
"...hmmm?"tanong nya ng hindi ako sumagot sa tanong nya.Hindi ko sya nilingon dahil kapag nilingon ko sya ay mahahalikan nya ako.
"A-ano..."hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Ano bang sasabihin ko?
"....hmmm?"napakagat ako sa ibaba kong labi dahil wala akong makapa na isasagot sa kanya.Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na parang musika sa aking tenga.
Lah!Ang mais!
Binitiwan nya ang bewang ko bago hawakan ang magkabila kong balikat at ikutin paharap sa kanya.Para naman akong robot na humarap sa kanya.
Agad na bumungad sakin gwapo at maaliwalas na mukha nya.Basa rin ang buhok nito na para bang katatapos nya lang maligo.
Ngumiwi ako sa kanya.
Ngumiti naman sya sakin."Good morning
,babe"nakangiti nyang sabi halikan ang noo ko habang nakayakap sakin.Napa ngiti ako habang nakapikit.
Agad na nag-ingay ang iba.
"Respeto naman sa single!"
"Ehem!"
"Public!"
"Pakitanggal nalang mata ko!"
"Maria my loves,kelan moba ako sasagutin?"
Mahina akong natawa dahil sa mga sinasabi nila.Niyakap ko muna sya.
"Good morning"mahinang sabi ko habang nakanguso.Sinilip nya ang mukha ko na nakasandal sa dibdib nya.
"May problema ba?"kunot noong tanong nya.Umiling lang ako habang naka nguso.
"Wala"
Meron.
"Sure?"naninigurado nyang tanong. Tumango-tango ako.
"Inaantok lang ako"sabi ko bago mag peke ng hikab.Niyakap ko sya ng mahigpit.
Hindi na sya kumibo at niyakap nalang rin ako pero alam kong naghihinala sa akin si Clint pati narin ang iba pero nanatili mas nanatili sa kanila ang pananahimik kahit gusto nilang magtanong.
"Sure?"naniniguradong tanong ni Clint.
"Baka gusto ng kiss sa lips"sabi ni James at tumawa.Agad naman na sinamaan ng tingin ni Clint si James pero ang gago ay tumawa lang.
Siraulo!
"I respect her"sabi ni Clint kay James pero tumawa lang si James ng malakas.
"Respect daw BWAHAHAHA!"
"Inggit ka lang e!"sabi naman ni JinJin na ikinatahimik ni James habang naka nguso.
"Hindi pa kami nagkikita ni Everleigh my loves....ang sakit sa heart"sabi nya at humawak sa dibdib na parang nasasaktan
.
Nagkatinginan kami nina Selene,Heaven at Sunny bago bumaling kay James na umaarteng umiiyak wala namang luha.
---
"Diba James malapit na birthday mo?"
Tanong ko habang naglalakad kami sa may gilid ng kalsada.Walking distance lang naman yung plaza,malapit lang sa school kaya nilakad nalang namin.
"Yes,princess,why?"ngiting-ngiting sabi ni James."...bakit?Reregaluhan mo ko?"
Tanong nya dahilan para batukan sya ng tatlo nyang kapatid.
Napaisip ako."Ano bang gusto mo?Yung kaya ko lang ha?"
Ngumuso sya."Gusto ko sanang maka date si Everleigh my loves kaso hindi mo naman sya kilala"nagkatinginan kami nina Heaven.Agad naman na ngumiti uli si James."Pero...gusto ko mag beach tayo"
Sabi nya bago pumalakpak na parang bata.
Ngumiti ako sa kanya."Granted..."naka ngiti kong sabi sa kanya bago lingunin sila Sunny na naka ngiti rin.
Don't worry,James.Gusto ko maging masaya ka sa birthday mo.