Hirein's POV
Habang naglalakad kami sa may gilid ng kalsada ay nagkakagulo ang mga panget sa likudan. Kasabay kong maglakad sila Heaven habang nasa likudan namin sila Clint at sa likudan naman nila Clint ay ang mga panget na nag-iingay.
Habang naglalakad kami ay biglang sumabay sa amin si James ang laki ng ngiti ng loko habang nakatingin sa harapan. Hindi nya siguro malimutan yung sinabi ko na magde-date sila ni ZZ3, well i hope na pumayag si ZZ3 sa request ko. At isa pa, kilala naman nya si James.
Habang nag-iingay si James sa tabi ko ay may nakita akong isang pamilyar na mukha. Ang paraan nya ng panunuot, anh baliktad nyang sumbrelo, ang oversize shirt nya, ang chains, ang vans shoes, ang maluwag nyang pantalon, at ang pulang buhok nito.
Nags-skate board ito papunta sa gawi namin. Hindi sya nakatingin sa unahan dahil nakatingin sya sa sapatos nya na mukhang bagong bili, well, i guess galing yan kay ZZ3.
In short, boyish.
Bigla kong iginilid sila Heaven habang si James naman at tuloy parin sa pagcecellphone. Nag hahanap ng picture ni ZZ3 na pang-wallpaper.
Malapit na yung dalawang magtagpo hanggang sa....
"Aw!"
"Aray!" Sabay na daing ni James at ng pamilyar na babae. Pareho silang naka salampak sa kalsada.
Ang kaninang maiingay na mga panget ay natahimik ay gulat na nakatingin sa dalawang nasa kalsada.
Mabilis na tumayo ang pamilayar na babae bago pagpagan ang oversize shirt ay salubong ang kilay na tumingin kay James.
Mananapak nayan oh!
"Bulag kaba!" Ayan! Galit na sya oh! Biglang umangat ang tingin sa kanya ni James bago tumayo at salubong ang kilay na sinalubong ang tingin ng pamilyar na babae.
"Hindi ako bulag! Baka ikaw!" Ayan na oh! Isa pa 'to!
Palihim kaming nagtinginan nila Heaven at agad kaming nagngitian bago ibalik ang tingin sa dalawang nag-aaway.
"Hindi ako bulag! Malinaw ang mata ko! Nakita ko nga kung gaano ka katanga e!" Lihim kaming natawa nila Heaven. Nang nilingon ko si Clint ay taka itong naka tingin sa amin kaya tumigil kami sa pagtawa at pinanood nanaman yung dalawa.
"Ako?" Turo ni James sa sarili. "Tanga? Baka ikaw! Dito ka mags-skate board sa tabi ng kalsada!"
"E ano bang pakialam mo? Ikaw nga nagcecellphone sa gilid ng kalsada, e kung hindi ka naman hamak na tanga e! Feeling may ka-chat, wala naman" sabi nito bago umirap.
Palihim nanaman kaming natawa nila Heaven kaya naman agad na nangunot ang noo nila Clint, Cris, Mike at JinJin. Agad naming tinikom ang mga bibig namin.
"Syempre wala akong ka-chat, kasi naghahanap ako ng pang-wallpapaer na picture ng bebe ko!" Pagmamayabang ni James.
Agad na nagsalita si Kyle.
"Bebe? Di kanga kinrush back e!" Sabi nila dahilan para matawa ang mga panget at samaan sila ng tingin ni James pero ang mga panget ay nagsitawanan lang.
Matunog na ngumisi yung pamilyar na babae. "Di ka naman pala kinrush back e! Maka bebe" sabi nito bago muling ngumisi kay James na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.
"E ano naman? Bakit crush ka rin ba ng crush mo?" Bawi na tanong ni James. Maiiyak na.
"Well, hindi...... wala naman kasi akong crush" mayabang na sabi nito.
Nilingon ko si Clint na nakatingin parin sa akin nginitian ko ito kaya kinindatan ako nito kaya agad ko itong inirapan, agad na napunta ang paningin ko kay Mike, naka kunot ang noo nito habang nakatingin sa pamilyar na babae. Ganon din si Cris.
Pareho silang nakakunot ang noo.
Anong meron?
"Sinasabi ko sayo! Kapag nagkaroon ka ng crush at hindi ka kin-crush back! Pagtatawaan lang kita!" Naiiyak na sabi ni James.
Mga naghigikhikan ang mga panget dahil umiiyak na si James. Nakakaawa si James dahil hindi sya kinrush back ng crush nya tapos iniiyakan nya pa ito.
"Everleigh! Crush back mona kasi!" Sabi ni JinJin at tumawa.
Gulat na tumingin sa amin ang pamilyar na babae. Ngumiwi lang kami bago tipid na tumango.
Nakangisi na bumaling ito kay James.
"Hindi ka ika-crush back ng crush mo!"
Pang-aasar nito kay James. Muling naghagikhikan ang mga panget.
Grabe naman!
Umiyak na si James. Hala!
"Ika-crush back nya ako! At kapag nangyari yon! Tatawanan kita dahil mali ka ng akala!" Umiiyak na sabi ni James na parang bata. Natahimik naman ang mga panget.
May tumigil na pulang Pagani Zonda HP Barchetta sa gilid ng kalsada. Agad kaming napatingon doon maging si James.
Agad na bumaba ang salamin nito at agad kong nabungaran ang naka shades nitong mata at naka black mask.
Nahawa narin ba sya kay Luke?
"Hi, James" bigla kaming napangiti. Bigla namang umaliwalas ang mukha ni James at mabilis na pinunasan ang luha.
"Everleigh!" Galak na galak na sabi ni James.
"Nice car" sabi ng pamilyar na babae bago padaususin ang daliri sa kotse nito.
Mabilis na pinalo ni James ang daliri nito.
"Aw" reklamo ng pamilyar na babae bago himasin ang daliri nito. Matalim nitong tinignan si James.
"Wag mong hawakan, baka madumihan"
"Sayo yan? Sayo yan?" Inis na tanong nito.
Ngumiti lang si James bago umiling. "Hindi sakin pero sa kanya" sabi nito bago ituro si Everleigh 'daw'. "At sya ang crush ko, si Mira Aina Everleigh" pagmamayabang nito.
Mabilis na nangunot ang noo ko sa sinabi ni James.
Mira Aina Everleigh?
Kinalabit nya si Everleigh. "Psst! Ikaw ba ang crush ng panget na 'to?" Tanong nito na nakapag pakunot ng noo ni James.
"E ano naman?" Tanong ni James.
"Wag mo 'to ka-crush back, ha?" Sabi nya na ikinangiwi namin.
"Aba't! Hoy! Babaeng manok!" Sigaw ni James bago ito ituro ang babae na ngayon ay nakangisi na."Wag ka ngang epal!"
"Kahit pati hindi ko sabihin na 'wag ka n'yang i-crush back, hindi ka n'yan ikakacrush back dahil may bumabakod na d'yan, tatlo" sabi nito dahilan para samaan s'ya ng tingin ni Everleigh.
Natigilan naman si James at ngumuso, parang maiiyak ang loko,
Pahamak!
Ngumiti ng pilit si James pero nasa mata n'ya ang sakit. "Okay lang kahit hindi ako," saglit n'yang nilingon si Everleigh na ngayon ay naka titig kay James at awa ang makikita sa kan'yang mata. "Basta ang mahalaga, alam n'yang gusto ko s'ya" sabi n'ya bago kami talikudan. Hindi naka takas sa akin ang pumatak na luha sa kan'yang mata at pasikretong pinunasan ang kan'yang mata.
Pinapanood namin si James na lumayo sa amin habang may hinanakit sa kan'yang puso.
Naka ngisi na nilingon ng pamilyar na babae si James bago binaling sa amin ang tingin.
"Ang drama ng kasama n'yo, crush lang? Iiyakan n'ya..." sabi nito habang naiiling.
"Oh, s'ya. Aalis na ako," ngumisi uli ito sa amin. "Sa uulitin" ani nito bago sumakay sa skate board n'ya.
Naka kunot pa rin ang noo ni Mike at Cris habang naka sunod sa pamilyar na babae ang tingin bago sabay na binaling sa aming mga babae
"She look so familiar to me," kunot noo'ng sabi ni Mike.
Agad na tumango si Cris. "Me too, parang nakita ko na s'ya sa kung saan, hindi ko lang matandaan kung saan at kailang, basta ang alam ko ay nakita ko na s'ya"
Lihim kaming nagngitian nila Heaven bago ibalik kila Cris ang tingin.
"Hoy! Baka babae n'yo yun ha!" Agad na singit ni Heaven habang nanlalaki ang mata kay Cris.
Bigla na lang hinigit ni Cris ang bewang ni Heaven. Napa ngiwi ako.
"Bukod kay Mom, ikaw lang ang babae ko" naka ngiting sabi ni Cris.
Pabirong na hinampas ni Heaven ang dibdib ni Cris. "Parang tanga 'to!" Ngiting-ngiting ani nito.
"Sunny," napa tingin naman kami kay JinJin ng tawagin n'ya si Sunny. "For you," ani nito bago bigyan ng isang pulang rosas si Sunny.
Bigla naman na namula ang pisngi ni Sunny bago tanggapin ang bulaklak.
"T-thank you" luh! Ngayon pa nahiya ang gaga.
Nabaling naman ang paningin namin kay Mike ng tawagin n'ya si Selene. "Bae," ngiting-ngiting tawag nito.
Mabilis na ngumiti si Selene. "Yes, bae?"
"Walang papantay sa'yo dito," tinuro n'ya ang dibdib. "Ikaw lang ang hanap-hanap nito"
Hindi nagsalita si Selene pero ang laki ng ngiti ng gaga habang namumula.
"Babe..." sabay-sabay naman silang napa lingon kay Clint. Lilingon pa lang sana ako ng may dumampi na malambot sa noo ko at doon ko narealize na hinalikan n'ya ang noo ko. Nang humiwalay na s'ya sa'kin ay ngumiti ito. "I love you..."
"Harot," sabay-sabay naman kaming napa tingin kay Everleigh. Naiiling ito habang naka tingin sa amin. "Sa plaza na lang po kayo magharutan, 'wag po dito sa may tabing kalsada" sabi nito bago paandarin ang sasakyan.
Bitter.