13

1394 Words
Hirein's POV Nandito na kami sa plaza at naggagala. 'Yung ibang mga gunggong ay bigla na lang nawala, daig pa si Flash sa sobrang bilis. Si James at Clint na lang tuloy ang kasama ko habang naglalakad lakad. Tahimik lang kaming tatlo na naglalakad lakad hanggang sa nagsalita si James. "Princess, alis muna ako." Sabi nito nang hindi kami nililingon. Nagkatinginan kami ni Clint bago ibalik kay James ang paningin. Pahamak kasi talaga! "Napaka daldal kasi." Bulong ko habang nakatingin pa rin kay James. Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko na may humawak doon. Inangat ko ang tingin kay Clint. "Kanina ko pa gustong hawakan ang kamay mo kaso hindi ko magawa. I'm shy." Sabi nito bago umiwas nang tingin habang namumula. Napangiti ako. Ang cute talaga. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay n'ya dahilan para mapatingin ito sa akin. "Bakit ka naman mahihiya?" "Nothing..." Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad lakad ng biglang may marinig kaming pamilyar na boses na sumisigaw. Nagkatinginan muna kami ni Clint bago sabay na tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon bago tumakbo papunta doon. Nang makarating kami sa pinanggagalingan ng mga boses na iyon ay mabilis naming nakita sila Kyle at Eyan na nakikipag sigawan sa dalawang babae. Nakita ko rin na may milktea sa damit ni Kyle at Eyan habang hawak nung dalawang iyung milktea cup. "Kasalanan n'yo 'yun! Nakita n'yo nang tumatakbo kami, haharang pa kayo! Tapos kami pa sisisihin n'yo kung bakit kayo natapunan!" Sabi nung isang babae na hanggang balikat 'yung buhok. Mabilis naman itong sinang-ayunan ng kasama nitong babae na may buhok na hanggang dibdib. Mabilis na rumesponde si Kyle. "Kami pa talaga?! Baka kayo! Aba, Miss. Alam n'yong dadaan kami, hindi na lang kayo umiwas." Sabi ni Kyle na mabilis na sinang-ayunan ni Eyan. "Tama!" "At isa pa, Miss. Plaza ito hindi fun run. Ha? Kaya kung makikipag habulan kayo, 'wag dito." "Tama!" Mabilis na tumaas iyung kilay nung babaeng may hanggang balikat ang buhok habang nakatingin kay Kyle. Ang isa naman ay pumameywang habang nakatingin kay Eyan. Napatingin ako sa mga dibdib nila ng may makita akong name tag doon. Eyanna Gwen.... Kyle Nicole.... Kyle Nicole ang pangalan nung babaeng may hanggang balikat na buhok habang Eyanna Gwen naman iyung hanggang bewang ang buhok. "Hoy! Lalaking mukhang bisugo!" Panimula ni Kyle Nicole. "Wala kang pakialam kung tumatakbo kami. Nanakawan ako kaya may hinahabol kami. Hindi naman kami tatakbo kung wala kaming hinahabol." Sabi nito ng may panggigigil. "At ng dahil sa inyo ay hindi na namin naabutan 'yung hinahabol namin. Nando'n pa naman 'yung credit card namin." Sabi naman ni Eyanna Gwen. Mabilis na nagsalita si Eyan. "Kaya kayo nananakawan, eh. Kababae n'yong tao, burara kayo." Sabi ni Eyan na mahina kong ikinatawa. Mabilis naman na nagsalita si Eyanna Gwen na mabilis na dinugtungan ni Kyle Nicole. "Hoy! Hindi kami burara! Hinablot 'yung bag n'ya kaya kami nanakawan. Nando'n pa naman 'yung mga reviewer namin dahil malapit na ang exam!" "At kung dahil sa mga paepal na katulad n'yo! Maaabutan pa sana namin 'yung magnanakaw! Wala tuloy kaming rereviewhin dahil nando'n sa bag namin 'yung review-hin namin at pera namin!" "Hindi namin kasalanan 'yon! Shunga shunga kasi kayo!" Sabay na sabi ni Kyle at Eyan dahilan para mahina kaming matawa ni Clint. "Anong meron?" Tanong ng isang pamilyar na babae na may pulang buhok. Sabay sabay kaming napatingin doon, mula sa kung saan ay bigla na lamang itong sumulpot. "'Yan kasing dalawang 'yan!" Tinuro kay Kyle at Eyan. "Kasalanan nila kung bakit nawala 'yung reviewer natin, Mickie. Kung hindi sila humarang, nahabol pa namin ni Gwen 'yung magnanakaw." Sumbong ni Kyle Nicole kay Mickie. Mickie James.... Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Mickie James. "Ano? Hindi puwedeng mawala 'yon. Next week na ang exam at kailangan nating magreview." Mabilis na nagsalita ang kadarating lang na si James. "Hindi na nila kasalanan 'yon. Alam n'yo naman na sa panahon na ito ay maraming magnanakaw. Kaya 'wag n'yong isisi sa mga kaibigan ko ang kasalanan ng kaibigan mo, babaeng manok." At saan naman galing ang isang 'to? Mabilis na tumaas ang kilay ni Mickie James. "Hoy! Lalaking kutung lupa na hindi kinrush back ng crush n'ya. Manahimik ka. Kadarating mo lang eepal ka na agad." Mabilis na nagsalubong ang kilay ni James. "Hoy! Babaeng may palong sa ulo! Kadarating mo lang din kaya 'wag kang eepal." "Hoy! Kutung lupa. Mas nauna ako sa'yo kaya itikom mo 'yang bunganga mo!" Matagal na nakatingin si James kay Mickie James bago sumilay ang isang pilyong ngiti sa labi nito. Nako! Nako! "Ititikom ko lang ang bibig ko kung," nakatingin lamang kami kay James at hinihintay lang namin ang sasabihin nito. "Hahalikan mo'ko." Bago ituro ang kan'yang labi. Mabilis na nanlaki ang mata ni Mickie James at ng mga kasama nito habang nakatingin kay James na ngayon ay nakanguso na kay Mickie James. Tinakpak ko ng isang kamay ko ang bibig ko para magpigil nang tawa. "Hoy! Lalaking kutung lupa! Manahimik ka d'yan kung ayaw mong paduguin ko 'yang bunganga mo." "Sige ba, basta kapalit kiss. Isang suntok, isang halik. You choose." "Kadiri naman." Sabi ni Kyle Nicole. Mabilis naman na nagsalita si Kyle. "Napaka arte mo naman. Hindi naman ikaw 'yung hahalikan." "Hoy! Hindi kita kinakausap so shut up." "Nye nye nye. Shut up." "Nako. Malapit na mabasag ang aking eardrums." Sabi naman ni Eyanna Gwen. Agad na nagsalita si Eyan. "Gusto mo, batuhin natin ng bato para tuluyan ng mabasag?" Nakangiting tanong nito na ikinalaki ng mata ni Eyanna Gwen. "Gago ka ba? Eh kung sampalin kaya kita d'yan ng paa ko?" Umiling-iling si Eyan. "Iba na ang panahon ngayon. Paa na ang nananampal, hindi kamay." Naiiling na sabi nito. Umirap naman si Eyanna Gwen. "Tanga." Naiiling na lang ako habang nakatingin sa anim na nasa harapan namin ngayon. Napabuntong hininga na lang ako habang palihim na yumuko dahil ako ang nahihiya para sa kanilang anim na nagsisigawan pa rin hanggang ngayon. Hindi ko po sila kilala... "Wala na tuloy kaming rereviewhin!" "Kasalanan n'yo 'to." "Buwisit!" "Pakiss muna!" "Anong kami? Kayo!" "Pumayag ka na kasing batuhin natin ear drums mo." Napapahilot na lang ako sa aking sintido dahil agaw atensyon na sila. Pati ang ibang mga gunggong ay nagsilapitan na mula sa kung saang lupalop ng plaza. Napatingin ako kay Mike ng makitang may kinakain itong cotton candy. "Saan mo binili 'yan?" Tanong ko. Tumingin ito sa akin. "Binili ko." "Sus! Binili daw, inagaw mo nga lang 'yan do'n sa bata." Mabilis na sabi ni Heaven. Sinamaan ko nang tingin si Mike pero patay malisya na ang gago. Siraulo. Pati bata aagawan ng pagkain. Gunggong talaga. Dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga ito ay nagsalita na ako. "Teka! Ang iingay n'yo! Tahimik!" Malakas na sabi ko. Mabilis naman silang napatingin sa akin. "Bakit hindi na lang kayo gumawa ng paraan?" "At anong klaseng paraan, aber?" Bumaling ako kila James. "James, Kyle, Eyan. Tutal matatalino naman kayo. Bakit hindi n'yo turuan? Tutal may kasalanan din naman kayo." Agad naman silang nagmaktol. "Ihhhh!" "Ayoko nga!" "Puwet nila! Manigas!" Napahilot na lang muli ako sa aking sintido. "Tutulungan n'yo lang naman, eh. Tutal mas nauna naman tayo ng lesson kaysa sa kanila. Irereview n'yo lang naman, pagkatapos puwede n'yo na silang iwanan." "Or else, natatakot kayo na mafall sa sa kanilang tatlo?" Sabay-sabay na nanlaki ang mata nung tatlo habang 'yung tatlong babae naman ay umaktong nandidiri. "Kadiri!" "Nakakasuka!" "Mas gusto ko pang magmahal ng tae!" Mabilis na tumaas ang kilay nung tatlong babae. Agad na nagsalita si Mickie James. "Ang aarte n'yo naman. Ang sabihin n'yo, natatakot lang kayong mafall sa amin." Nakangising sabi nito. Mabilis na suminghal si James sa sinabi ni Mickie James. "Hoy, babaeng manok. Hindi kami takot. Baka kayo." "Ah, talaga? Sorry, hindi kami mabilis mafall, eh." Ngumisi si James. Nako! Ano kayang nasa isip nito. "Let's have a game. Ang unang mafall, s'ya ang talo." "Fling ba?" Tanong ni Eyanna Gwen. Ngumisi si James bago tumango. "Matagal na rin akong hindi lumalandi kaya payag ako." Sabi ni Kyle Nicole bago ngisian si Kyle na nakangisi rin sa kan'ya. "Ano? Pumapayag ka ba?" Tanong ni James kay Mickie James habang nakangisi bago ilahad ang kamay. Matagal na nakatingin si Mickie James kay James. Mukhang nag-iisp ang loka. Ngumisi ito bago tanggapin ang kamay ni James. Nako "Game."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD