Sa hindi kalayuan ay tanaw ko si James na mag-isang naglalakad. Nakayuko ito at mukhang problemado ang loko.
Problema nito?
Sinakbit ko muna ang bag ko bago maglakad papunta sa direksyon n'ya pero agad akong napatigil ng makita ko si MJ sa may hindi kalayuan. Nakasandal ito sa pader habang nagve-vape at nakatanaw kay James na nakayuko pa rin hanggang ngayon.
Isang buwan na rin mahigit ang ang deal nila na Fling Fling daw. Sa loob ng isang buwan na iyon ay napapansin ko ang pagbabago sa kanila. Mukhang nahuhulog na sila sa isa't isa.
Kailangan ko ng isang Ms.Kupido!!
Oo nga pala, malapit na ang birthday ni James. Kailangan ko ng makausap si Zaina para sa date nila. Papayag pa kaya si James? Gayon na nahuhulog na s'ya kay MJ.
Nang iangat ni James ang tingin kay MJ ay mabilis na umaliwalas ang mukha nito at ngumiti ng pagkalaki laki. Gayon din si MJ sa kan'ya bago umalis sa pagkakasandal sa pader.
Wala na.... Talo na sila sa deal.
Napangiti na lang ako dahil kinikilig ako. Kahit may nararamdaman na sila sa isa't isa kailangan ko pa rin si Zaina para mapaamin sila sa kanilang mga nararamdaman.
Nang mawala na sa paningin ko 'yung dalawa ay ngumiti na lang ako habang naiiling. Tatalikod na sana ako ng may makita akong lalaking nakatayo sa hindi kalayuan habang nakaharap sa direksyon ko. Parang nakatingin rin sa akin ito. Hindi ko makita ang mukha nito dahil medyo malayo ito at dahil na rin sa suot n'yang sumbrelo. Nanindig ang balahibo ko nang ngumiti ito sa akin. 'Yung creepy-ng ngiti.
Lalapitan ko na sana ito nang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko ay si Kurt iyon.
"Kurt...." Sabi ko bago lingunin ang puwesto kung saan nakatayo ang lalaki kanina pero wala na iyon. Nang ibalik ko ang tingin kay Kurt ay nakakunot na ang noo nito.
"What's wrong?" Kunot noong tanong nito. Nilingon ko muna 'yung puwesto nung lalaki kanina bago ibalik ang tingin sa kan'ya.
"W-Wala." Sabi ko bago iiwas ang tingin sa kan'ya at muling lingunin ang puwesto nung lalaking nakita ko.
Sino kaya 'yun?
"Are you sure?" Bumalik ang tingin ko kay Kurt ng magtanong muli ito. Nagpilit ako ng ngiti bago tumango.
"O-Oo."
Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko at hilahin ako palayo kay Kurt dahilan para mabitawan ako ni Kurt. Pagtingin ko sa humila no' ay si Clint na seryosong nakatingin kay Kurt.
"C-Clint..." Saglit n'ya akong tinapunan ng tingin bago ibalik kay Kurt ang kan'yang paningin.
"Let's go." Seryosong sabi nito bago ako hilahin palayo. Hindi pa kami nakakalimang hakbang ay may humawak sa isang kong kamay dahilan para mapatigil kami sa paglalakad. Pagtingin ko ay si Kurt iyon.
Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Clint bago ibaling ang paningin sa kamay ni Kurt nakahawak sa kamay ko.
"Don't touch her." Nagbabanta ang tinig ni Clint. Mabilis na napunta kay Kurt ang paningin ko.
"She's not yours. She's not your property."
Matunog na ngumisi si Clint dahilan para mapunta sa kan'ya ang paningin ko.
"I marked her lips, mark that she will be mine." Nakangisi nitong sabi. Mabilis na nagsalita si Kurt dahilan para mapunta naman sa kan'ya ang paningin ko.
"You are her suitor, that means. She's not officially yours."
Napunta ang paningin ko kay Clint.
"She's my wife," Mabilis na umawang ang bibig ko. "And she's soon to be mother of our one dozen childs." Nakangisi nitong sabi. Yumuko ako dahil feeling ko ay namula ang mukha ko.
Napunta kay Kurt ang paningin ko.
"That won't be happen." Seryosong sabi nito. Nagsukatan silang dalawa ng tingin habang ako ay nasa gitna nilang dalawa. Para bang may milyong milyong bultahe ng kuryente ang dumadaloy sa kanilang mata dahil sa paraan nila ng pagtintin sa isa't isa.
Doon ko lang napansin na marami na palang mga school mates namin ang nanonood sa amin. Ang iba ay nagbubulungan. May kumukuha ng video at picture. Ang iba naman ay may boto kay Clint at ang iba naman ay kay Kurt. Ang iba naman ay kinikilig dahil ang suwerte ko daw.
Naol suwerte.
Doon ko lang rin napansin na nakatayo na pala sa likod nung dalawa ang magkabilang section. Kumpleto ang Section 12 habang ang Section 11 rin ang gano'n.
Huh? Pati si James nandito na rin? Hameyzing!
Unti unti kong binawi ang kamay ko sa kanilang dalawa. "A-Ah, guys. Puwedeng bitawan n'yo na ako?" Suhestyon ko pero parang wala lang sa kanila.
Lakas maka Meteor Garden ang peg namin ngayon. Kaloka.
Magsasalita pa sana ako nang may panibagong section ang dumating.
Section Thirteen....
"Hep! Hep! Hep! Hep!" Sabi ni Jerry bago mahawi ang isang kumpulan ng mga estudyante. "What's going on here?" Tanong nito. Nangunot ang noo ko ng may makitang neck tie na nakatali sa kan'yang noo.
Gangster amp!
"Uy! Jark! Hindi ka na unggoy! Gorilla ka na!" Sabi ni James dahilan para magtawanan ang dalawang Section pati na rin ang ibang nanonood.
"Glow up yarn?" Tanong naman nung tatlo bago humalakhak. Pati ako natawa na rin dahil halos tumirik na ang mata ni Jark sa sobrang sama ng tingin kay James at doon sa tatlo.
"Nawa'y lahat nag improve!" Sabi naman ni Jark at humalakhak. Mahina akong natawa ng s'ya lang ang tumawa sa sarili n'yang sinabi ang iba ay nanahimik.
Mabilis naman na nagsalita 'yung apat.
"Nah! Wala na! Uwian na! May epal na!"
Sabay sabay na sabi nung apat bago umirap kila Jark. Mahina naman na natawa ang iba.
Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko. At paglingon ko ay si Drew iyon habang nakangisi sa akin.
Mukhang manyakisssssssssssss!
"Nah. Kayong dalawa, tumigil na kayo. Kasi kami ang end game," Tinignan ako ni Drew. "Right, Baby loves?" Tanong nito habang nakangisi. Mabilis na nanlaki ang mata ko habang ang iba naman ay napasigaw.
"YUCKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!" Sigaw nung apat.
"Kadiri!"
"Mag lola remedios ka muna!"
"Si Drew! Nananaginip ng gising!"
"Nakatulala sa hangin!"
"Mental, please!"
Napaismid si Kurt habang si Clint naman ay napairap. Ako naman ay hindi makapag salita dahil sa gulat. Punyawa!
Baby Lovessssssssssssss!
"Hey you, Chimpanzee. Shut up! You don't deserve her." Sabi ni Kurt bago ako malakas na hilahin kay Drew. Pero dahil may lahing linta si Drew ay hindi ako nito binitawan kaya naman medyo sumakit ang tiyan ko dahil humigpit ang kapit nito.
Mabilis na umangal si Clint ng makita ang reaksyon ko na nasaktan.
"Don't pull her! You hurting her!" Sigaw nito kay Kurt. Nang makita ni Kurt ang sitwasyon ko ay agad itong humingi ng pasensya. Kunot noo naman na bumaling si Clint kay Drew na wala yatang pakialam. "And you, Chimpanzee! Let her go!" Sigaw nito. Mukhang natauhan yata si Drew kaya naman binitawan ako nito.
Mabilis na humingi ng pasensya sina Kurt at Drew dahil sa nagawa nila. Tumango ako at tipid na lang na ngumiti sa kanila.
"Let's go." Hinawakan ni Clint ang kamay ko bago ako hilahin palayo sa kanila. Laking pasasalamat ko ng hindi na sumunod sa akin 'yung dalawa at hindi na nakipag agawan. Akala ko magiging tug of war na kanina, eh. Buti na lang hindi natuloy.
Habang naglalakad kami sa hindi kalayuan ay may naramdamab akong nakatingin sa amin ni Clint. 'Yung tipong pinapanood n'ya ang bawat galaw naming dalawa mula sa malayo.
Shit!
Habang naglalakad kami ay nagpapalinga linga ako at nagbabaka sakali na makita ko kung sino 'yon. Pero wala, kahit isa ay wala.
Hindi ako sigurado kung sino ang nagmamasid sa amin pero sigurado ako. Isa ito sa mga kalaban namin sa Battle Ground at isa rin ito na kalaban ng Black Society Team. Kung wala sa dalawa ay marahil ay nagmula ito sa ibang clan na mainit ang dugo namin at sa Under ground Battle.
Kailangan malaman ni Zaina ito.