"Huy! Galit ka?" Tanong ko kay Clint. Kanina pa kasi n'ya ako hindi pinapansin simula nang makasagutan n'ya si Kurt doon sa may field. Hindi ito sumagot at dumiretso na ito sa upuan n'ya bago magsalampak ng headset sa tainga at yumuko sa kan'yang arm rest.
Napanguso ako.
"Clint. Huy! Galit ka?" Tanong ko pero wala pa rin. Napabuntong hininga ako bago bumulong. "Kingina, kailangan ko pa ba s'ya suyuin?" Tanong ko sa sarili ko.
Tinignan ko si Clint sa kan'yang upuan. Nakadukdok pa rin ito at mukhang matutulog ang loko.
"Aalis muna ako, ha?" Pagpapaalam ko. "Magpalamig ka muna ng ulo mo." Sabi ko. Hinintay ko kung sasagot ito, pero wala. Napabuga muli ako ng hangin bago naiiling na tumalikod sa kan'ya.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang naglalakad. Mabigat ang pakiramdam ko dahil nagalit si Clint sa akin sa hindi ko naman ginawa.
Habang naglalakad ako ay napatigil ako dahil naalala ko na naman 'yung lalaking nakatingin sa akin sa may tabi nang puno.
Oo nga pala. Kailangan kong magreport kay ZZ3.
Mabilis kong kinuha ang cell phone ko at nagtext sa kan'ya.
Me:
Free ka ba ngayon? Kailangan nating mag-usap. Importante lang. Kita tayo sa coffee shop malapit sa school mo. Ako na ang dadayo.Kahiya sa'yo, eh.
Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya dahil panigurado na nabasa naman n'ya ang text ko.
Bago ako magpunta sa school nila ZZ3 ay agad akong dumiretso sa may locker room pero agad din akong napatigil ng may maalala ako.
Syete! 'Wag mo munang alalahanin ang kababalaghan na ginawa n'yo ni Clint dito!
Umiling iling ako habang tinatapik tapik ang pisngi ko habang papalapit ako sa locker ko. Hindi na ako nagulat ng may matagpuan akong isang isang itim na maliit na kahon na may 1/4 ang laki. Mabilis ko itong kinuha at lumabas na ng locker room.
Mabilis akong sumakay sa taxi ng makalabas ako ng school. Agad ko naman tinuro kay Manong Driver ang pupuntahan ko.
---
Habang hinihintay ko si ZZ3 dito sa coffee shop ay umorder muna ako ng kape. Habang naghihintay ay nagsuot muna ako ng black mask dahil baka may ma-inlove sa beauty ko. Mahirap na, baka habulin ako.
Dahil sa inip ay nagcellphone muna ako hanggang sa may isang babae ang umupo sa harapan ko.
"Uy, nand'yan ka na pala, hehehe." Sabi ko bago ibaba ang cell phone ko. Katulad ko ay naka black mask din ito.
Taray! Pa-mysterious effect lang kami!
"Ang pag-uusapan natin?" Malamig nitong tanong. Ay! Wala sa mood. Why kaya?
Dahil seryoso si ZZ3 ay sumeryoso na rin ako. Nagpeke ako ng ubo.
"Ahem!" Panimula ko. Mula sa dala kong bag ay inilabas ko ang maliit na kahon na nakuha ko sa locker ko kanina, kasing laki at lapad ito ng 1/4 pad paper at may ribbon pa ito sa ibabaw. "Lagi akong nakakatanggap nito. Lagi kong nakikita sa locker ko, kaya nga ako nakidnap dahil dito,eh, mabuti na lang niligtas ako ng mga kaibigan ko at ni crush, ehehehehe." Kinikilig kong sabi.
Matagal s'yang nakatitig doon bago magsalita.
"Buksan mo 'yung kahon." Utos nito, mabilis ko iyong binuksan.
""Sa tuwing nakakakuha ako nito, ang laging laman ay bala, bala ng baril."
Mabilis na nangunot ang noo ko ng makita ko ang laman nito.
"Huh? Bakit gold? Ang alam kong laman ng kahon ay bala, ordinaryong bala ng baril lang, bakit gold na?" Tanong ko sa sarili ko.. "Ngayon lang ba sila yumaman?" Dagdag kong tanong.
Golden Bullet.
Kinuha ni ZZ3 ang sobre at kinuha ang laman no'n. Pinakatitigan n'ya ang sobre. Binaliktad n'ya iyon at mabilis na nangunot ang noo n'ya ng may makita or mabasa s'yang kakaiba.
Ibinaba n'ya iyon at kinuha ko naman.
Picture. Picture naming lahat ito, pati na rin ng mga kasama kong namatay na may letrang X sa ulo. Binaliktad ko ang picture.
Your leader is next.
---I & B
Tinignan ko nang may pag-aalala si ZZ3 ngunit nananatili pa rin itong seryoso.
"Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ko. "Hindi natin kilala kung sinong kalaban, I & B, wala akong kilala na naka laban natin na I & B."
"Leave it to me, HAC." Malamig na sabi nito. Mabilis na nangunot ang noo ko.
Bakit ba ang lamig nitong makitungo ngayon?
"Leader...."
"Don't worry, HAC. I can handle this."
"Teka, sandali." Mabilis na napunta sa akin ang kan'yang paningin. "Kanina, may nakita akong lalaki sa hindi kalayuan. Nakatingin ito sa akin habang pinagmamasdan ako mula sa malayo. Nakasuot ito ng sumbrelo kaya hindi ko makilala. Mukha rin s'yang misteryoso."
"Nakilala mo ba?" Umiling ako.
"Hindi, eh. Medyo malayo at nakasuot ng sumbrelo pero sigurado ako na sa akin ito nakatingin."
"Okay. Balitaan mo uli ako kapag nakita mo uli 'yong lalaking 'yon." Tumango ako. "At kapag nalaman natin kung sino s'ya. Marami tayong sikretong malalaman."
Mabilis na nangunot ang noo ko ng dahil sa pagtataka.
"Paano?"
"Kung sino si I & B. Kung bakit n'ya ikaw pinadadalhan ng mga bala at sulat. At kung anong atraso ko para gantihan ako." Tumango ako.
Tama. Tama.
"Sasabihin ko ba sa kanila?" Patukoy ko sa Black Society. "Magpapatawag ba ako ng meeting mamaya?"
Bumuntong hininga ito bago tumayo. Tumango ito.
"Yes. Please, at magsisimula na tayong magmanman."
"Aalis ka na?" Tanong ko. Tumago ito.
"Yes. Need ko ang magpractice. Magpe-perform kami ni Lucas sa Brillian Park."
Lihim akong napangiti habang nakakagat sa ibabang labi ko para magpigil ng tili.
"Sino 'yon? Guwapo ba? 'Yon ba 'yung Ube na kinukuwento mo sa amin? 'Yong guwapo pero nakakainis. Tapos 'yong kaaway mo pero comforter mo?" Sunod sunod kong tanong habang nakangiti at mahihimigan ang pang-aasar sa tono.
Tinignan n'ya ako bago tumaas ang kilay.
"What? No, he's Spade. Not Lucas."
Binigyan ko ito ng nanunuksong tingin dahilan para umirap ito.
"Hindi ko gusto ang iniisip mo."
Mahina akong natawa. Wala pa naman akong sinasabi.
"Ano bang nasa isip ko?" Masama n'ya akong tinignan kaya tumawa ako.
"I don't like him, Okay?"
"Wala naman akong sinabi ah?" Natatawa kong sabi.
"'Yon ang pinupunto ng mga tingin mo. Basta, hindi ko s'ya gusto at lalong hindi ko s'ya mamahalin."
Lalo akong tumawa sa sinabi n'ya dahilan para mapatingin sa akin ang ilang nasa loob ng coffee shop.
"Nako, ZZ3! Ganiyan din sinabi ko sa sarili ko. Na hindi ako mafafall kay Clint, eh, kaso. Ayun! Nahulog ako!"
"Ikaw 'yon. Hindi ako." Humalakhak na naman ako.
"Aabangan ko na 'yan. Make sure na hindi ka talaga maiinlove sa kan'ya."
"Tsk! No! Never."
---
Habang naglalakad ako papasok ng school ay nakita ko ang ibang Section Eleven. Nagkalat sila habang tumatakbo. Para silang balisa at parang may hinahanap.
"Nakita n'yo ba?"
"Hindi."
"Kung saan saan namin s'ya hinahanap! Wala pa rin!"
"Saan ba kasi s'ya nagpunta?"
"Hindi ko alam."
Biglang lumapit si Clint sa kanila habang hinihingal.
"I-I-I can't find her." Hinihingal na bungad nito sa ibang Section Eleven. Nangunot ang noo ko.
Her? Sinong Her?
Lalong nangunot ang noo ko ng hinilamos n'ya ang kan'yang kamay sa mukha.
"F*ck! Dapat pala pinapansin ko na s'ya! Masyado akong kinain ng selos! F*ck! Her the hell are you, babe?" Sabi nito bago kuhanin ang kan'yang cell phone at itapat iyon sa kan'yang tainga. "D*mn it! Bakit hindi n'ya sinasagot ang mga tawag at text ko?"
"Baka nagtampo."
Biglang nalinga sa gawi ko si James. Mabilis na nanlaki ang kan'yang mata bago ako ituro.
"Si Princess!" Sigaw n'ya habang nakaturo sa akin. Sabay sabay silang napatingin sa gawi ko.
Mabilis na nangunot ang noo ko habang papalapit sa kanila. Agad naman nila akong sinalubong. Inosente ko silang tinignan.
"Anong nangyayari dit---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng salubungin ako ng yakap ni Clint. Mahigpit na yakap.
"Clint? Okay ka lang?" Tanong ko.
"D*mn it, babe. Where the hell have you've been? I thought you're in danger." Sabi n'ya naramdaman ko na lang na hinalikan n'ya ang ulo ko.
Humiwalay ito sa akin.
"Ano bang nangya---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis n'yang ilapit ang mukha sa akin at siilin ng halik.