Chapter 16

1380 Words
Gulat akong tumingin kay Clint matapos n'ya akong halikan. Nakahawak s'ya sa magkabila kong pisngi habang malalim ang paghinga. "Don't. Do . That. Again." Seryosong sabi nito na nakapag pakunot sa noo ko. "A-Ang alin ba?" "I've call you so many times but you didn't answers my calls. And we texted you but you didn't reply." Napakamot ako sa pisngi ko habang nakangiti. "Eh, s-sorry. Nakapatay ang phone ko. Umalis kasi ako, pinuntahan ko 'yong isa kong kaibigan, eh." Mabilis na nagsalubong ang kilay nito. "Babae 'yon." Pag-uuna ko sa kaniya dahil mukhang kokontra naman 'tong isa. Bumuntong hininga hininga ito bago magsalita. "I'm sorry." Mabilis na nangunot ang noo ko. "Ha?" "I'm was jealous that time kaya hindi kita pinapansin. Selos na selos na ako the way he hold and stare at you. I'm sorry." Sabi n'ya. Ngumiti ako bago lumapit sa kan'ya at yakapin ito. He hugged me back. "It's okay. Huwag kang magselos dahil kaibigan lang ang tingin ko kay Kurt." Tiningala ko ito. Hinalikan n'ya ang noo ko. "At isa pa sa 'yong sa 'yo ako." Sabi ko bago ngumiti. Niyakap n'ya ako nang mahigpit. "Nawa'y lahat!" "When kaya?" "Sana all!" Nginitian ko lang ang Section Eleven bago magsalita. "Hanap kayo. Marami d'yan sa paligid." Sabi ko. Nagpalinga linga sila na para bang may hinahanap. Nang wala silang makita ay napatingin sila sa isa't isa bago magsalita. "JinJin! Baka ikaw talaga ang para sa 'kin." Sabi ni Eyan. Aktong yayakap si Eyan kay JinJin nang ambatan ito ng batok kaya hindi na natuloy. "May Sunny ako, magtigil ka." Ngumuso si Eyan bago lingunin si James, ngumiti ito. "James! Ikaw yata ang para sa akin!" Aktong hahalik ito kay James dahil nakanguso nang bigla itong magsalita na ikinatahimik nila. "May Mickie ako, manahimik ka." Sabi nito dahilan para gulat siyang lingunin ng lahat. Maliban sa akin dahil matagal ko ng alam na may nararamdaman si James kay Mickie. "Hala ka!" Bulaslas ni Eyan na animoy gulat na gulat. "Talo ka sa deal!" Sabi nito bago humalakhak. Bumuntong hininga si James bago umupo na parang bata. Sinabunutan niya ang sariling buhok bago ihilamos sa mukha ang sariling palad. "'Yun nga ang problema, eh. Gusto ko nang sabihin sa kaniya. Pero natatakot ako na kapag natapos na ang deal namin ay hindi ko na siya makita. Ayoko no'n." Problemadong sabi nito bago bumuntong hininga. "Ayaw ko naman na mawala siya. Kaya kahit talo na ako, itutuloy ko pa rin ang deal kahit talo na ako." Naiiling na sabi nito. Bumuntong hininga din si Kyle. Oh! May problema rin 'to! "Same. I'm In love na with her. What should I do?" "Me too, arghhh! I like her na." Biglang humalakhak si JinJin dahilan para mapatingin kami sa kaniya. "Ayan! Tapang tapang niyong maghamon ng deal tapos kayo pa unang mafa-fall." Sabi nito bago muling humalakhak. "'Yan! Sige! Hamon pa!" Inismidan lang siya nung tatlo bago irapan dahilan para muling matawa si JinJin. Happy-ing happy kasi may Sunny. Napatingin ako kay Clint na nasa tabi ko nang hawakan niya ang baywang ko. Tiningala ko ito. "I'm sorry," Bulong niya bago halikan ang noo ko. Napapikit ako bago muling imulat ang aking mata. Nginitian ko siya. "I love you," I mouthed. He smiled and whispered, too. "I love you in one hundrend language." --- Tahimik akong natutulog sa balikat ni Clint habang may head set na nakasalampak sa magkabilang tainga ko ng tumigil ang kanta ko at napalitan iyon ng ring. Mabilis akong nagmulat ng aking mata bago kuhanin ang cell phone ko. Tinignan ko ang caller at nakitang si Sir Brandon iyon. Mabilis kong sinagot ang tawag. "Hello, Sir?" "Cross!" Malakas na sabi nito habang hinihingal. Mabilis na nangunot ang noo ko. "Brillian Park University is attacking now! Full of men in black and suspicous. Marami ng namatay at marami na ring nadadamay, call the other member of black society! Now!" Sabi niya bago ako makarinig ng putok ng baril bago namatay ang tawag. Mabilis akong napatayo dahilan para mapatingin sa aking ang lahat, maging si Sir Cuballes. "Sir, I-I'm sorry, I can't finish the lesson today. My friends need me now. I'm sorry." Sabi ko bago tumakbo palabas ng class room. Narinig ko pa na tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa. Shit! Bakit may sumugod sa kanila?! Habang tumatakbo ako ay nilabas ko ang cell phone ko bago magdial. Una kong tinawagan si Heaven. "Hello? Hirein? Why are you calling me during class time, huh?" Bungad nito sa akin. "Sinugod ang Brillian Park ngayon. Kailangan tayo doon. Malamang na alam na nila ZZ3 na pupunta tayo doon. Tawagan mo sila Selene ngayon din." "O-Okay! Sige!" Sabi niya bago patayin ang tawag. Mabilis akong pumunta ng dorm para halungkatin ang mga gamit ko. Mabilis akong naglagay ng dalawang baril sa hita ko at ilang magazine naman sa bulsa ko. Kumuha rin ako ng throwing needles at inipit iyon sa buhok ko. Nagbaon rin ako ng shuriken at iba't ibang kutsilyo. Sa likod ako ng school dumaan kung saan may daan papuntang parking lot. Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mabilis kong binuksan ang makita bago iyon painitin. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na iyong tatlo. Tulad ko ay may mga armas din silang dala. Pumasok si Heaven at upo sa passenger seat habang iyong dalawa naman ay sa likod. Agad kong pinaharurot ang sasakyan. "Ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Selene. "Hindi ko alam. Basta bigla na lang tumawag sa akin si Sir Brandon at sinabing may mga men in black na sumugod sa Brillian Park. Marami na daw ang namatay at nadamay." Sabi ko habang panay ang kagat sa aking ibabang labi. Sana walang nangyaring masama sa kanila. "Natawagan niyo na ba sila ZZ3?" Tanong naman ni Sunny. Umiling ako. "Hindi. Sigurado ako na papunta na sila doon din, sigurado din ako na nagpatawag na sila ng back up mula sa iba pang Society Member." "I hope na walang nangyaring masama kila Cold...." --- Mabilis kong ipinarada ang sasakyan sa isang sulok bago bumaba. Bumaba na rin iyong tatlo bago tumakbo papasok. Agad kaming napayuko na apat ng may sumalubong kaagad sa amin na mga bala. "Putangina! Kapapasok pa lang natin! Papaulan na nila kaagad tayo?!" Malakas na sigaw ni Heaven mabilis naman siyang binatukan ni Selene. "Aray naman! Ano ba?!" "Huwag kang sumigaw! Para kang ano diyan." "Ano?" Nanlalaling matang tanong ni Heaven. Nakatingin lamang si Sunny sa kanila habang natatawa kaya wala akong nagawa kaya sinuway ko iyong dalawa. "Manahimik kayong dalawa, puwede? Nasa barilan tayo tsaka niyo pa nakuhang mag-away." "Tsaka niyo pa nakuha mag-away nye nye." Inirapan ko na lang si Heaven bago tumayo peri agad din akong napayuko ng muntikan na akong matamaan ng bala. Ay shuta! Muntikan na iyon! Narinog ko ang tawa nung tatlo kaya inirapan ko na lang sila. Wala namang nakakatawa sa nangyari sa akin. "Shungahan mo pa." Sabi ni Sunny bago humalakhak. Hindi ko na lang sila pinansin at tinutok ko na lang ang baril ko sa isang men in black bago iyon paputukin. "Tama na ang satsat. Tara na." Mabilis kaming naghiwa-hiwalay na apat, iyong tatlo ay sa kanan habang ako ay sa kaliwa. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno ng paputukan ako sa dalawang men in black. Mabilis naman akong nagpakita at agad silang pinaputukan pero sa kasamaang palad ay natamaan ako sa braso dahilan para mabitawan ko ang baril ko at magtago sa likod ng puno. Nyemas! Kinuha ko ang isa ko pang baril na nasa hita ko. Mabilis akong napatingin sa may gilid ng isang building at mabilis na nanlaki ang aking mata ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki doon. Nakasuot siya ng katulad sa mga men in black. Inayos niya muna ang kaniyang buhok bago isuot ang bonet niya. Pinulot niya ang kaniyang baril bago ikasa. Sumandal siya sa pader bago itutok sa kung saan ang kaniyang baril. Nang sundan ko ng tingin ang direksyon ng kaniyang baril ay agad na nanlaki ang aking mata ng matamaan sa braso ang lalaking may kulay ubeng buhok habang nakikipag barilan. Kung hindi ako nagkakamali ay Spade ang kaniyang pangalan. Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita, iyon pala..... isa ka sa mga taong kailangan kong patayin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD